MIA “Damion…mahal ko.” Napatigil siya sa paghakbang at unti-unti niya akong nilingon. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ang Damion na minahal ko noon ay parang isang halimaw. May maliit na sungay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo. Nanlalalim ang mapupulang mga mata. At kasing pula ng apoy ang kanyang katawan. Napapalibutan siya ng itim na apoy. Lumakas ang buhos ng ulan at tuloy-tuloy sa galit ang kalangitan. “Naalala mo na ang lahat?” Tanong niya sa akin. Nangilid ang luha kong pinagmasdan ang kabuohan niya hangang sa naglaglagan ng tuluyan ang aking mga luha. “N-Naalala ko na ang lahat. Lahat ng masasayang alaala natin at pati na rin at pati na rin ang ating pagdurusa.” Naramdaman kong lumuwag ang tali ng kamay ko kaya tinangal ko na ito ng tuluyan. Humakbang ako papal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


