Chapter 17
SANDRO
“Sir, Okay na po ang lahat ng mga kailangan mo para sa meeting bukas at uuwi na rin ako.” Paalam sa akin ng secretary ko bukas na ang huling pasok na niyang bukas dahil malapit na siyang manganak. Bago siya mag leave sa kanyang trabaho ay may nakuha na siyang kapalit niya. I like Mrs. Florenza dahil hindi siya pabaya sa trabaho niya at ginagawa niya ang lahat nasa tamang oras at kung may hinahabol ako na trabaho ay ayos lang ito sa kanya mag overtime. Sana kasing sipag din ni Florenza ang napili niya na pansamantala na kapalit niya.
“Thanks Florenza pasensya na pa-over time kita ngayon. By the way bukas huwag ka na rin pumasok ng maaga. If I need something si Gretel lang ang tatawagin ko alam naman ni Gretel ang mga iba ko na kailangan ko before the meeting.” Sabi ko.
‘Thank you sir bukas ko rin ipapakilala sa'yo ang pinsan ko na maging bagong secretary mo sir and I'm pretty sure na mas masipag sa akin ang pinsan ko.” Sagot sa akin ni Gretel. I smile at her.
‘‘I trust you Florenza bukas opisina ko kahit anong oras kang bumalik.” Sabi ko at nagpaalam na siya sa akin.
After of the couple of minutes ay bahagyang nag ring ang phone ko si Wade ang nasa linya. Tiningnan ko oras ay hindi ko napala namalayan na 10 pm na pala ng gabi.
“Hey dude till now nasa trabaho ka pa rin ba? Come join us nandito kami sa bar may mga bagong sexy lady na dumating ngayon dito.” Malakas na boses ng kaibigan ko. Narinig ko rin nagtatawanan ang iba, I think nasa vip room silang lahat.
“Past muna ako ngayon maybe next time.” Saad ko sa linya.
“Sandro birthday ko ngayon magtatampo ako sa'yo pag hindi ka magpkita sa akin ngayon.” I sighed. Wala akong choice kundi pumunta
‘‘Okay in 15 minutes, I'll be there.” Saad ko sa kanya.
“Thank you Sandro ilang araw ka rin na laging trabaho ang inaatupag mo. Hihintayin ka namin bye.” Pinatāy niya ang linya.
Paglabas ko ng building ng kumpanya ay binuksan ko kaagad ang magarang sasakyan ko na Bugatti. Nang nasa loob na ako ng sasakyan ay naaalala ko na tatawagan ko pala kaibigan at kanang kamay ko na si Oliver Fareed. Tungkol sa pagpapa-imbestiga ko kay Marinella Viola. Viola family ay isa sa pinakamayaman na tao dito sa Pilipinas at pag aari nila ang pinakamalaking kumpanya ng Viola company cooperation at iba na business. Maritha she's the one relative of Viola at ni minsan ay hindi ko narinig ang Marinella na pangalan. Maybe ka-apelyido lang niya ang pamilyang Viola. Don Julio Viola ay I think dalawang beses ko na siya nakita.
Nang idayal ko ang number ni Oliver agad naman niyang nasagot ang tawag ko. Na curious kasi ako na hindi kailangan ni Marinella ang pera dahil meron daw siya ng ganung kalaking halaga. Kung isa siya pamilyang Viola bakit hindi siya kilala?
She's gorgeous ang gandang pagmasdan ang kanyang mala anghel na mukha. Natanong ko rin sa sarili ko kung anong meron sa kanila ni Rico Serbantez.
Hindi niya rin pinapansin ang message ko at tawag ko few days.Pero nawala rin sa isip ko na lagi na ako busy sa kumpanya at lagi rin ako nasa business trip.
Lagi rin kami ni Daddy nag aaway dahil ang gusto siya laging nasusunod. Supportive naman ako sa kanya at ginagawa ko rin ang lahat pero ang mga pinakita ko sa kanya hindi pa rin sapat ito sa kanya.
“Oliver kumusta ang mga pinapagawa ko sayo? May information kana bang nakuha tungkol kay Marinella?” tanong ko.
“Oo Sandro, saan ka ngayon at pupuntahan kita para face to face kitang makausap.” Sabi ni Oliver sa linya.
“Tomorrow morning puntahan mo nalang ako sa opisina ko dahil magkikita kami ng mga kaibigan ko ngayon.” Sabi ko
“Okay but ang usapan natin last day huwag mong kalimutan.”
“Oo basta interesting ang balita mo bukas.’’ Sabi ko tumawa ng malakas si Oliver Fareed. May tiwala siya sa sarili niya na magustuhan ko ang balita niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa bar na ako. dumiretso ako sa vip room. Nag-uusap ng seryoso ang mga kaibigan.
“Good evening guys. Happy birthday Wade.” Sabi ko, umupo ako kumuha ako ng isang beer.
Napansin ko na tahimik lang si Wolfie malim pa rin ang kanyang iniisip. I'm sure ang babaeng mahal niya ang kanyang iniisip.
“Wolfie, I told you na lahat ng mga babae ay sasaktan lang tayo. Look at me wala na akong tiwala pa sa kanila kaya ikaw ang isipin mo babae lang sila at anytime natin silang pwede na palitan tulad ng ginagawa nila sa atin.” Sabi ko at sinandal ko ang likod sa upuan.
“Sandro hindi lahat ng babae ay ganyan sa iniisip mo.” Si Wade ang nagsalita.
“Maybe, dahil nawalan na ako ng tiwala sa babae at puro failed relationship ako at mahirap buksan muli ang puso.
Mark my words Sandro once may babaeng bibihag ng puso lahat ng mga sinabi babalik yan sa'yo. We will see Kung hindi ka mabaliw sa sa pag ibig.” Seryosong sabi ni Ethan sa akin. Bumuntong hininga ako.
"Come on Sandro huwag mong hayaan na forever kang hindi sasabak sa commitment at hahayaan mo ang puso mo na maging pusong bato.. Basta ako hahanapin ko ang babe ko.” Saad ni Wolfie mukhang nababaliw na siya. Huwag sana ako matulad sa kanya na laging baliw ang kanyang puso dahil lang sa babae.
Mukhang si Ethan lang ang masaya at pangiti-ngiti pa ito kasama niya si Sherwin. inlove kasi ang dalawa.
Napalingon ako na may dalawang babae na pumasok maganda at sexy. Sure ako ito ang sinabi ni Wade sa akin kanina.
Umupo sa tabi ko ang blonde hair na babae. She started seducing me. Tumayo ako dahil wala ako sa mood ngayon sa babae.
“Ikaw pala ang anak ni Senator Mr. Sander,” tumango lang ako. Tumayo siya at bahagya niyang hinawakan ang aking harapan.
inaakit niya pero wala talaga ako mood. Pagod din ako sa trabaho kung hindi lang ako pagod pinagbigyan ko na ang babae.
“Sadro,” bulong ng babae umiling-iling ako.
“I have to go,” sabi ko.
Umiwas ako sa babae natawa sa akin ang mga kaibigan ko dahil himala na tinanggihan ko ang babae.
Muli kung binati si Wade ng birthday at nagpaalam ako sa kanila.
Uuwi ka na? Kung gusto pwede mo akong isama sure na mag-enjoy tayo.” Mapang-akit na sabi ng babae.
Hindi ko na siya pinansin kahit mga kaibigan ko.
Sasabay na ako sa'yo Sandro, can you drop me to my apartment.”
“Yeah sure." Saad ko.
Nang nasa sasakyan na kami ay tahimik lang si Wolfie mukhang tinamaan siya talaga ng husto. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan bakit naghiwalay ng kasintahan niya. Nilingon ko siya na binasa niya ang message na dumating sa kanya sa phone.
“Sandro villa mo ako ihatid kong hindi ako nakakaabala sa'yo.”
It's okay pero alin sa dalawa na villa kita ihahatid,” saad ko.
“Sa villa ni ate." mahinahon niyang sagot.
Okay pero kailangan mo akong e-guide sa daan dahil hindi pa ako nakapunta sa villa sa bagong villa ng ate mo.” Sabi ko
Ilang sandali ay dumating din kami sa villa ng ate ni Wolfie papasukin sana ako ni Wolfie ay tumanggi na ako dahil gabing-gabi at mukhang uulan malakas rin ang hangin.
Nagpaalam na ako kay Wolfie at binilisan ko rin ang psgpapatsobo ng sasakyan ko. Hanggang sa bumagsak na ang malakas na ulan. Nahihirapan din akong mag drive st hindi ko nakikita ng maayos ang daan.
“Fücked!” mura ko ng napansin ko na nasa ibang daan ako lumiko. Nawala tuloy ako.
Dahan-dahan lang ako nagmaneho dahil lalong lumalakas ang ulan baka maaksidente pa ako.
Lumaki ang mata ko ng may tao sa gilid kalsada na nailawan ng sasakyan ko. Mabuti na lang ay hindi ko ito nasagasaan Nilapit ko ang sasakyan at nagmamadali ako bumaba ng sasakyan. Sa sobrang lakas ng ulan at hangin ay hindi ko masyadong nakikita ang tao. Anong nangyari sa kanya. Hindi siya nag salita at wala siyang malay. Nakasuot siya ng mahabang palda. Nang ingat ko siya nagulat ako na may sugat siya sa binti.
I roll my eyes walang ibang tao ng hawakan ko ang kanyang pulso ay buhay pa ang babae. Binuhat ko siya at pinasok ko siya sa loob ng sasakyan ko. Kitang-kita ko na dumudugo ang kanyang binti.
Natataranta ako kung sa hospital o dalhin ko siya sa bahay ko. Bahala na kaya pinaandar ko na ang manibela ng sasakyan ko.
“Tulungan nyo ako may gustong patayin ako.” Nilingon ko ang babae na nahihirapan magsalita. Nang titigan kong mabuti ang mukha ng babae ay nagulat ako napamurq ng malakas.
“Marinella!" malakas na sigaw ko sa kanyang pangalan.
Mabilis ko ng pinapatakbo ang sasakyan ko. Kahit malakas ang ulan ay binilisan ko pa ang pagpapatakbo ko ng sasakyan ko.
Dinala ko siya sa sarili kung bahay. Pagbukas ng gate ay pumasok agad ako at binuksan ko ang sasakyan ko binuhat ko si Marinella papasok ng bahay. Tinawag ko si Manong Damsco ng makita niya ako na may karga ns babae nalto siya.
“May sugat siya ng bala sa binti.” Sabi ko.
“Ipasok mo siya sa kwarto.” Utos ni manong Damasco. Nanginginig na si Marinella at wala ng dugo ang kanyang labi.