Chapter 18
SANDRO
Pagbukas ng pinto ay anak ni Manong Damsco na si Chantel ns nurse mabuti na lang ay nandito siya at natulungan niya si Manong Damasco.
Okay na po siya sir Sandro. May mga gamot lang siya na dapat inumin. Kung gusto nyo po na 100 percent po na okay ang kanyang kalagayan ay pwede n'yo po siyang dalhin sa hospital o ‘di kaya ay tumawag po tayo ng doctor.” Sabi sa akin ni Chantel.
Nagpaalam si Chantel sa akin para kukuha ng damit niya at papalitan niya si Marinella dahil basang basa ito.
Paglabas ni Manong Damsco ay kinausap niya ako na ano ang nangyari kay Marinella. Sinabi ko lang sa kanya ang nakita ko hindi ko rin ano ang isasagot ko.
“Paggising niya bukas malaman natin ang nangyari sa kanya.’’ Saad ko kay Manong.
“Ano sa'yo hijo gusto mo bang ipaalam sa mga pulis ang nangyari sa dalaga?”
“Hindi ko paalam Manong alamin muna natin ang lahat bukas sa kanya.” Sagot ko.Tiningnan lang ako ni Manong nagpaalam din siya sa akin. Na disturbo ko rin ang tulog nila.
Ininjection ko rin siya ng pamparelax sir at bukas ng umaga ay bibili ako ng gamot para sa sugat niya. Masyadong malakas ang ulan ngayon.” Sabi ni Chantel.
“Thank you Chantel, pwede ba huwag mong sabihin sa iba ang tungkol sa kanya." Sabi ko she smile at me.
‘‘Opo sir parang delikado ang kanyang buhay marami din siyang sugat sa katawan at ang bata pa niya, I think mas bata siya sa akin." Sabi ni Chantel, I sighed.
"Thank you, matulog kana Chantel ako na ang bahala sa kanya.
Ilang sandali ay pumasok ako guest room. Pagpasok ko sa loob ay lumapit ako sa kanya na mahimbing siya na natutulog. Nakatingin lang ako sa kanya at nakaramdam ako ng awa sa kanya.
“Sino ka Marinella? Bakit may gusto kang patayin?” tanong ko sa sarili ko.
Hinawi ko ang hibla ng buhok niya sa kanyang pisngi. Tama nga si Chantel na mas bata sa kanya ang dalaga. Habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha ay maraming tanong sa isip ko pero kahit abutin ako ng umaga ay hindi ko rin masagot ang naglalaro sa isip ko.
Maya-maya ay lumabas na ako at tinungo ko ang sarili ko na kwarto. Naligo rin ako at nagpalit ng damit. Nang makaramdam na ako ng gutom ay bumaba ako sa kusina hindi pa kasi ang nakapag hapunan.
Ala ona ng umaga ay hindi pa rin akong inaantok. May appointment pa ako bukas ng umaga at hindi ko yun pwede na ipaliban. Pagkatapos kung kumain ay umakyat ulit ako sa taas. Papasok na sana ako sa kwarto ko ay narinig ko na umiiyak si Marinella sa kabilang kwarto. Pinasokan ko siya na umiiyak at nagsasalita siya humihingi ng tulong.
“Mama papa tulungan nyo ako huwag nyo po ako iiwan isama na n'yo po ako sa inyo huwag nyo po ako iiwan papa tawagin mo si Mama na isama niya ako.” Sabi ni Marinella na walang tigil siyang umiiyak Nilapitan ko siya at bahagya ko siyang niyakap. Nang maradaman niya siguro na may yumayakap sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit.
“Mama huwag na po n'yo ako iiwan. Dito lang po kayo sa tabi ko mama. Dahil natatakot ako, natatakot ako dahil papatāyin po nila ako mama.”
“Nandito ako hindi kita iiwan,’’ sagot ko at pina-patahan ko siya na umiiyak. I'm took a long deep breath at niyakap ko siya ng mahigpit.
Hanggang sa nakatulog siya sa bisig ko para siyang bata na nakatulugan niya ang pag iyak. Tumayo ako at hindi na ako lumabas at sa sofa ako humiga. Nakatingin ako sa kanya nakita ko na walang tigil ang patak ng kanyang luha.
Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako makatulog gising na gising ang diwa ko. Muli akong bumangon mahimbing pa rin natutulog si Marinella. Nang mapansin ko na okay siya ay lumabas ako hinayaan ko na nakabukas ang pinto incase na iiyak siya ulit ay marinig ko.
Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko ang laptop ko at umupo ako sa single sofa. Mabilis kung tinype ang pangalan ni Marinella sa social media pero maraming kasing pangalan niya ang lumabas. Ni isang litrato ni Matrinella ay wala akong nakita.
Hanggang sa sinearch ko sa internet ang pangalan ni Don Julio Viola. Agad naman lumabas Ang pangalan ng ginong pero. Hindi nakalagay ang ibang detalye niya sa internet may isa siyang anak na lalaki at Melvin Viola sumakabilang buhay rin ang kanyang anak. Maraming mga property ang pamilyang Viola. Ibig sabihin ay hindi anak ni Don Julio si Samy Viola na ama ni Maritha.
Huminga ako ng malalim dahil lalo akong naguguluhan. Kailangan kung makausap ng masinsininan si Oliver kung ano ang nakuha niya na information tungkol kay Marinella.
Umaga na ay hindi pa rin ako nakatulog kahit anong gawin. Ilang sandali ay muli kung sinilip ang dalaga at natutulog pa rin ito.
Pagsapit ng alas sais ng umaga ginawa ko ang routine ko naligo at nagbihis hindi na ako nag exercise dahil kulang ako sa tulog. Bago ako bumaba ay sinilip ko muna si Marinella hanggang ngayon ay natutulog pa rin siya.
Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Chantel may bitbit siyang plastic bag ng pharmacy.
“Magandang uma sir,” bati ni Chantel.
“Good morning too Chantel maaga ka yata lumabas.”
“Oo sir para paggising niya ay mainom niya ang gamot at bumili rin ako ng ibang gamit niya.”
“Salamat Chantel,” pasasalamat ko.
Aalis na po ba kayo sir ayaw n'yo po bang mag almusal at hindi n'yo pa hihintayin siya na magising? tanong ni Chantel.
hindi na Chantel kung magising si Marinella…” Nagulat si Chantel ng banggittin ko ang pangalan ni Marinella kahit ako nagulat ng nadulas ang dila ko.
“Kilala nyo po siya sir o gising na po ba siya? Tanong ni Chantel narinig din ni Manong Damsco ang pag uusap namin ni Chantel.
Wala akong choice kundi sabihin sa kanila pero pinagsabihan ko sila na kung magising na si Marinella wag muna silang magsalita tungkol sa akin. Pag uwi ko nalang mamaya ako na ang bahala sabihin kay Marinella sumang-ayon sila sa utos ko.
Paglabas ko ng bahay malamig at hanggang ngayon ay mahangin at gloomy ng panahon para uulan ulit. Tinawagan ko si Oliver na sa apartment ko siya dumiretso at doon ko siya hihintayin. Papaandarin ko sana ang manibela ng sasakyan ay nakita ko ang pack back ni Marinella sa loob ng sasakyan sa likod ng upuan l. Kinuha ko ito medyo mabigat ang pack back ng dalaga.
Nang buksan ko ang packback napamura ako ng makita ko ang laman na maraming dollar.
Iba kaagad ang pumasok sa utak ko.
“What the hell Marinella? Bakit may ganito kang lalaki na pera at saan mo ito nakuha. Ninakaw kaya niya ang mga pera na ito may gusto siyang patayi? Bakit niya ito ginagawa kaya pala maliit lang sa kanya ang 500k.” Kausap ko ang sarili ko. Binitawan ko ang bag at pinaandar ko na ang manibela ng sasakyan.
Mabilis ang pagpapatakbo ko hanggang sa nakarating ako sa apartment ko.
Pagpasok ko sa loob ay napahilamos ako at nalilito ako. Nakatingin ako sa packback ni Marinella na nilagay ko sa taas ibabaw ng couch.
Binuksan ko ang pintuan ng marinig ko na may nag doorbell sure na si Oliver na ang dumating at siya nga ang dumating.
“Are you okay, parang may nakita ka na multo?” tanong ni Oliver.
“Pasok ka muna,” sabi ko may hawak siya na brown envelope.
Anong nangyayari sayo at ngayon lang kita na sobrang curious mo kay Marinella. Hindi pa ako nakapag-kape at almusal pag gising ko dito na agad dumeretso sa apartment mo.”
Okay fine magtimpla ka muna ng dalawang kape at sabihin para masabi mo ang mga information na nakuha mo,” saad ko at tinawanan lang ako ni Oliver.
Ilang sandali ay umupo na si Oliver at hinihintay ko siya na magsalita pero bahagyang tumawag si Manong Damasco.
Nagising na raw si Marunilla gusto daw niyang umalis at hinahanap niya ang packback niya. Ang akala niya kila Manong Damsco ay masamang tao sila hindi daw nila malapitan hanggang sa ngsisinungaling si Manong sa kan'ya na siya ang nakakita sa kanya at finala siya nito sa bahay ng boss niya Hanggang sa napakalma nila si Marinella.
“Okay Manong hangga't hindi ako makauwi ng bahay huwag nyo siyang hahayaan na umalis.” Sabi ko.
“Sandro parang ikaw yata ang may sasabihin sa akin.”
‘Sabihin mo muna ang tungkol kay Marinella." Utos ko.
Hindi pa ako sigurado sa nakuha ko tungkol sa kanya. Masyadong private ang buhay ni Marinella. May na kausap ako na isang tao sa Viola company na may apo daw si Don Julio Viola pero hindi daw ito pinpubliko ang nag iisang apo at siya daw ang tagapagmana ng mga naiwan ni Don Julio.
“Sino ang apo niya babae ba o lalaki ang apo ng don?” tanong ko.
“Babae pero hindi nila kilala."
" Okay si Marinella ba kaya ang apo ng Don?" tanong ko.
"Baka nga siya ang apo ng Don at magkaibigan ang kapatid ni Sherwin na si Kylie at Marinella baka si Sherwin ay may alam siya sa pagkatao ni Marinella." Sabi ni Oliver.
"Pero ng kausapin kp si Sherwin hindi niya kilala si Marinella.” Saad ko.
May tinatago si Sherwin impossible na hindi niya kilala kahit ang Kapatid niya ng may inutusan ako ng tanungin nila ay hindi niya kilala ang dalaga. Basahin mo ang nakasulat parehong private school ang pinasukan ni Kylie at Marinella.”
Lalo akong napaisip tungkol kay Marinella. Nang sabihin ko kay Oliver ang nangyari kagabi kay Marinella y hindi siya makapaniwala lalo na tungkol sa malaking pera sa loob ng packback.
Saan ito nakuha ni Marinella? Bakit may tama diya ng bala. Sinong gumawa sa kanya? Pinaalam mo na ba ito sa police?”
Hindi pa at hindi ko pa nakausap si Marinella sa nangyari sa kanya at tungkol sa pera na ito.” Sabi ko.
Paano kung isang estranghero na babae si Marinella isusumbong moba siya sa mga pulis?"
" Hindi ko alam pero kailangan alamin mo muna natin ang totoong buhay niya.” Sabi ko.
“Kausapin mo ba si Sherwin tungkol sa kanya?”
Kausapin ko muna si Marinella. Kung mapatunayan ko na masamang tao si Marinella kailangan din niya panagutan ang kasalanan niya. Kung tama ang kutob na siya ang apo ni Don Julio bakit walang nakakakilala sa kanya.
Alam mo Sandro bago kang gumawa ng hakbang siguraduhin muna natin ang lahat at kung saan nakuha ni Matrinella ang pera at bakit siya may tama ng baril. Kailangan natin alamin bakit may gusto siyang patayin at bakit nandoon siya lugar na'yun. Ang pagkskaalam ko ay private area kung saan mo nakita si Marinella at kilalang tao ang may ari ng mga villa sa lugar na'yun.” Payo ni Oliver sa akin.
Mabilis lumipas ang mga oras ay hindi ko namalayan na gabi na pala. Hindi rin kaagad ako nakauwi ng bahay dahil ang gusto ni Mama sa mansyon ako mag dinner kung hindi ko pa siya pinilit na kailangan kong umuwi ay bukas pa sana niya ako pauuwiin.
Hindi nila alam nila Daddy na hindi ako sa apartment uuwi. Makalipas ang dalawang oras ay dumating na ako sa bahay lahat ay tulog na hindi ako gumawa ng kahit anong ingay Huminto ako sa tapat ng pintuan kung saan natutulog si Marinellabuksan ko sana ang pinto hindi ko tinuloy. Pumasok na lang ako sa kwarto ko.
Sa pagod ko ay humiga na kaagad ako sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Pero nasaisip ko pa rin ang mga sinabi ni Oliver. Hanggang sa nakatulog na ako sa sobrang pagod at antok ko rin.