Chapter 19
MARINELLA
Nagulat na lang ako kaninang umaga nagising ako na nasa malaking kwarto ako. Nang bumangon ako ay naka bandage elastic na ang binti ko at iba na rin ang suot ko. Tumayo amo pero may babaeng pumasok ng kwarto at nakangiti siya sa akin at may isang matandang lalaki rin. Sa takot na baka mga tauhan ng gusto ako patayin.
Sumigaw ako at hindi ko silang hinayaan na lapitan nila ako hindi ko rin makalma ang sarili ko naiiyak din ako sa tako.
“Hindi kami masamang tao hija,” sabi pa sa akin ng matandang lalaki.
“Kung hindi kayong masamang tao huwag kayong lumapit sa akin at palabasin n'yo ako." Madiin na sabi ko nakagat ko ang labi ko ng nakaramdam ako ng sobrang hapdi sa sugat ko
Kahit anong gawin ko at sinasabi sa kanila ay hindi nila ako hinahayaan na lumabas ng kwarto utos daw na kanilang amo. Nang itanong sa kanila ang packback ko ay hindi nila ako sinasagot.
“Huwag kang lumapit!” banta ko sa babae ulit.
“Hija, huwag kang matakot sa amin ako ang nakakita kagabi sayo sa daan at dinala kita sa bahay ng amo ko. Ako nga pala si Damasco at siya naman ang anak ko na si Chantel. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
“Dumudugo ang sagot mo.” Sabi ng babae. Nang makita ko ay bumilis ang tïbok ng puso ko at nakaramdam ulit ako ng takot umurong ako. Hanggang sa lumapit sakin ang babae. Para akong na trauma sa nangyari sa akin kagabi. Para akong pusa na pinaamo din nila puro magandang salita ang kanilang sinasabi.
Hanggang sa naisip ko na parang mali ang iniisip ko at hindi naman silang masamang tao tiningnan ko silang dalawa nakangiti.
Akala kagabi ay yun na ang huling gabi ko. Utang na loob ko sa kanila ang buhay ko inangat ko ang mukha ko at pinayagan ko na silang dalawa na lapitan ako. Sila pa ang tumulong sa akin ako pa ang galit at kung ano ang iniisip ko sa kanilang dalawa.
May gamot akong binili sa'yo kanina at papalitan din natin ulit ang bandage sa binti mo at lalagyan ko ulit ng gamot para hindi siya ma impeksyon.” Tumango ako at hinayaan ko siya. Mukhang sanay siya sa ginagawa niya ang gaan din ng kanyang kamay.
“Maraming salamat po sa inyong dalawa. Pasensya na po kayo sa akin akala ko kasi na isa kayo sa gusto akong patayin." Malumay na boses ko at tumulo ang luha ko.”
Naiintindihan ka namin hija mas mabuti na magpahinga ka muna at pagdating ng amo namin ay sabihin mo ang buong detalye sa kanya at matulungan ka namin.” Sabi sa akin ni Manong Damsco.
“Maraming salamat po pero mas makakabuti na lang po umalis na lang po ako dito ayokong madamay pa kayo
dahil sa akin.” Sagot ko.
“Hindi ka naming hahayaan na aalis sa kalagayan mo hija sariwa pa ang sugat mo baka lalo kang pahamak at sinabihan kami ng amo namin na kakausapin ka niya pagdating niya.” Mahinahon na sabi sa akin ni Manong Damasco.
“Ano ang pangalan mo?" tanong ni Chantel nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ang pangalan ko.
“Marinella," Pakilala ko pero hindi ko na sinabi ang apelyido ko.
“Nice to meet you Marinella huwag kang mag-alala safe ka dito sa bahay ni sir at mabait ang amo namin. Magpahinga ka muna at kukunin ko sa baba ang niluto ni Tatay na tinolang manok at mainom mo rin ang gamot mo.” Nakangiting sabi ni Chantel. Nagpaalam din si Manong Damasco sa akin.
“Ikaw ba ang tumaggal ng bala sa binti ko?" tanong ko.
"Kami ni Tatay, nurse kasi ako at dating sundalo si Tatay pero umalis siya sa pagiging sundalo ng mamatay si Lolo.” Sabi ni Chantel hanggang sa nagpaalam na siya sa akin at hindi niya tinuloy ang sasabihin.
Sinandal ko ang likod ko. Nang makaramdam ako ng hapdi at ng kirot sa binti ko ay nakagat ko ang labi ko sa sakit. Mahapdi rin ang ibang sugat at galos ko sa siko at braso ko.
Ilang sa sandali ay dumating si Chantel bitbit niya ang tray na may lamang pagkain. Ang amoy pa lang ng tinolang manok ay natatakam na ako kumulo rin ang sikmura ko kagabi pa akong walang kain nahiya tuloy ako kay Chantel.
“Ubusin mo raw sabi ni Tatay para gumaling ka kaagad at bumalik ang lakas ng katawan mo. Marinella alam mo ba sino may kagagawan sa'yo nito?” mahinang tanong ni Chantel umiling lang ako.
“Chantel anong oras darating ang amo n'yo?” tanong ko.
“Baka mamayang hapon o gabi. Bihira lang kasi umuwi si sir dito lagi siya namamalagi sa apartment niya.” Nakangiting sabi ni Chantel.
“Ganun ba," saad ko.
Marinella gusto mo bang tawagan ang pamilya mo baka nag-alala na sila sa'yo?" tanong ni Chantel.
"Wala na akong pamilya sila papa at mama ay matagal na silang wala." Saad ko at humingi ng sorry si Chantel sa akin
Kanina ko pa sana na gusto kong hiniramin ang phone ni Chantel para matawagan ko si Kylie o ‘di kaya si Nanay Belen ay nagbago ang isip ko. Natatakot ako na baka may gawing sila na hindi maganda si Tito Noel at Tita Nova kay Nanay Belen. Mas mabuti na hindi muna ako magparamdam sa kanila tulad ng sabi sa akin ni Nanay.
Maya-maya nagpaalam si Chantel sa akin kailangan niyang pumasok sa kan'yang trabaho at baka mamayang gabi pa siya makauwi kung may kailangan ako nasa baba si Manong Damasco.
Pagkalipas ng ilang oras ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo dahil nakaramdam na ako ng boring buong maghapon nakaupo lang ako nanood ng TV. Hinatidan din ako ni Manong kanina ng pagkain at meryenda.
Binuksan ko ang bintana pagbukas ko ay malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Tumulo ang luha ko ng naalala ko ang lahat ng nangyari sa akin kagabi. Nang makita ko madilim na sa labas ay muli kung sinarado ang bintana takot ang nararamdaman ko .
Napahawak ako sa dibdib ko na may kumatok sa labas ng pintuan. Nang bukas ang pintuan ay si Manong Damasco ang nasa nagulat pa ako at kinakabahan ako ng makita ko si Manong. Kitang-kita ni Manong ang takot sa itsura ko.
“Pasensya na hija nagulat kita. Huwag kang matakot dahil walang mangyayari sayo. Kumusta ang pakiramdam mo ngayon? tanong ni Manong.
“Okay na po manong nabawasan na rin ang sakit sa binti ko. Pagpasensyahan din nyo po ako at sobrang naabala ko kayo ni Chantel. Malaking utang na loob ko sa inyo ang buhay ko at pangako po masusuklian ko rin kayo sa kabutihan n'yo sa akin” Sabi ko nginitian ko si Manong
“Kahit sino ang nasa sa kalagayan mo hija ay gagawin ang ginawa ni … Bigla hindi tinuloy ni Manong ang sasabihin.
Dinalhan pala kita ng konting prutas at nag painit din ako ng gatas. Huwag mong kalimutan inumin ang gamot mo hija. Ang anak ko bukas na pala siya babalik dito dahil maraming pasyente sa hospital. Hindi rin makakauwi si Sir Andro ngayon.” Sabi ni manong nahihiya na ako sa kanya dahil sa sobra niyang maalalahanin sa akin.
Ibig sabihin Andro ang pangalan ng boss nila. Nagpaalam d si Manong lumabas at magpahinga na siya. Umupo ako at napaisip ako bakit wala silang amo na babae. Binata kaya si Andro o matandang lalaki na laon. Umiiral na naman ang kalokohan na naglalaro sa kokote ko. Nagtataka lang kasi ako dahil wala silang amo na babae na binanggit mula kaninang umaga hanggang ngayon.
Pagkatapos kung inumin ang gatas at gamot ko ay gumagaan ulit ang pakiramdam ko dahil sa gamot. Tiningnan ko ang oras alas diyes na Nasa ibabaw na ako ng kama na nakahiga marami akong iniisip. Dahil hindi ako pwedeng magtagal dito. Baka kung mag usap kami ni Sir Andro ay baka pumayag na gawin niya akong kasambahay muna dito hanggang hindi ko pa nagawa ang mission ko at baka papayagan niya ako magtago pansamantala dto.
Hanggang sa alas onse na hindi ako dinadalaw ng antok sa mga iniisip ko. Iniisip ko na kung malaman nila Tita Nova na buhay ako ay gagawa rin sila ng paraan na mawala ako sa landas nila. Kaya kailangan kung hanapin ang packback ko dahil matulungan ako ng pera sa packback na'yun. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para makatulog at mabawasan ang iniisip ko.
Alas dose pero gising pa rin ang diwa. Ilang sandali ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas baka dumating na Ang ang amo nila Chantel.Gusto kong bumangon para silipin ko ang sasakyan sa labas ay hindi ko magawa dahil pakiramdam ko mabigat ang binti ko. Hindi na ako bumangon at humiga lang ako.
Hanggang sa nakarinig ako ng sunod-sunod ng hakbang sa labas ng pintuan. Tumigil ito pero ilang segundo ay umalis din siya Pumasok yata siya sa kabilang kwarto dahil narinig ko ang pagsara niya ng pintuan.
Lalo tuloy ako hindi makatulog. Nakatulog rin ako dami kong iniisip. Kinabukasan ay nagising ako if feel better than yesterday. Pagbangon ko ay hindi na ako masyadong nahihirapan igalaw ang binti ko at nakalakad din ako ng maayos Sabi kasi sa akin ni Chantel ay hindi daw malalim ang sugat ko.
Ilang sandali pumasok ako sa banyo at naghilamos ako ng warm water. Nagpalit din ako ng damit na bigay sa akin ni Chantel. Lumabas ako ng kwarto ko nasa second floor ako bago at malaki ang bahay. Hinanap ng mata ko kung saan banda pumasok ang tao kagabi. May ilang kwarto kasi.
Tahimik loob at walang tao nakarinig ako ng ingay ng television sa nakabukas na pintuan. Dahan-dahan akong naglakad at tinungo ko ang nakabukas na pintuan. Sinilip ko walang tao pero naka-on ang TV. Lumaki ang mata ko dahil gym pala ang kwarto. Napangiwi ako ng biglang sumakit ang binti ko.
Inikot-ikot ko ang mga mata ko May nakita akong malapad at matikas na pangangatawan ng lalaki mabango ang loob ng gym. Ang lakas ng kabog ng Dibdib ko Busy ang lalaki sa ginagawa niya.
Umurong ako dahil I feel nervous. Kakaiba ang nararamdaman ko ng makita ko likod ng lalaki parang putok ang laki ng mga ugat sa likod ng braso niya at alagang gym ang kanyang katawan. Feeling ko pinapawisan ako ng malagkit.
Init ng katawan ko kya ang ginawa ko at tumalikod ako at lalabas ng gym dahil kakaiba ang init ng katawan ko ang nararamdaman ko.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ay paran tinamaan ako ng kakaiba sa kinatatayuan ko ng marinig ko baritono ng boses ng lalaki. Familiar or guni guni ko lang ang kanyang boses.
“Stop, don't move!” he said lumakas ang dagundong ng dibdib ko dahan-dahan akong lumingon sa lalaking madiin niyang tinawag ako.
Paglingon ko lumaki ang mata ko at nakaawang ang labi ko. Nanigas ako at hindi ko masara ang bibig ko na nakaawang.
Para akong nakakita na multo. Multo na maskulado ang pangangatawan. Nang nlnagtama ang mga mata naming dalawa ay para akong mag invisible sa klase ng titig niya sa akin. Nakaawang pa rin ang labi ko.
“Sandro,” sambit ko sa pangalan niya. He he sighed at ngumiti siya na para bang may kakayahan siyang lunukin ako ng buo buo sa kinatatayuan ko.
“Small world Marinella,’sabi niya at ngumiwi pa ito. Napalunok ako ng makita ko gumalaw ang matigas niyang dibdib. Naligo din siya ng sarili niyang pawis. Tumaas baba din ang kanyang Adam's apple.
“Finally muli din tayo nagkita.” Hindi ako nagsasalita.
Ikaw ang boss ni Chantel at Manong Damasco?” tanong ko.
“Yes ,ako rin ang tumulong sayo. Miss Marinella Viola hawak kita ngayon nasa akin din kung tatawag ako ng police.”
“Ano ang ibig mong sabihin wala akong ginawa na masama para tumawag ka ng police." Sabi ko at tinawanan lang niya ako.