Chapter 16

1984 Words
Chapter 16 MARINELLA Naisip ko nw hindi umuwi sa mansyon at rest house ako ni Papa at umuwi. Nang nasa loob na ako ng bahay nagulat lang ako ng pailawin ko ang mga ilaw ay nakita ko na nabasag ang malaking vase. Nakaramdam ako ng kaba Parang may kakaiba sa loob ng bahay at may nakapasok sa loob. Ang ginawa ko ay umakyat ako sa taas. Pagpasok ko sa kwarto nila papa at mama ay nakabukas ang bintana. Pumasok ako sa loob at sinarado ko ang bintana na nilalaro ng hangin ang kurtina. Everytime na pupunta ako dito bago ako umalis ay sinisigurado ko ang mga bintana at pintuan nasara ko. Pero bakit nakabukas ito? Tinawagan si Manong na taga-tiwala sa bahay na ito baka ang kanyang asawa na naglinis at nakalimutan niya ang isara ang bintana. Nang idayal ko ang number ni manong hindi niya nasasagot ang tawag ko nakaawang ang labi ko ng makita ang oras napasadong alas onse y medya na ng gabi. Kaya pala hindi nasasagot ni Manong ang tawag ko dahil tulog na siya Nilagay ko ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Nagulat ako ng tumunog ang cell. Si Kylie ang nasa linya. “Kumusta sa mansyon ka ba nagpa-hatid?” tanong ng kaibigan ko parang lasing na ang kanyang boses. “Hindi sa rest house ako ni Papa." Saad ko. "Okay d'yan ako matutulog.” Ani nito sa akin. “Kylie bumangon ka ihahatid na kita sa bahay. Marie ang Kuya Sherwin mo ito lasing na ang kaibigan mo hindi na alam a ang pinagsasabi. Take care and goodnight.” Hindi na hinintay ni Kuya Sherwin na magsalita ako bigla lang naputol ang linya. Ang ginawa ko bumaba ako at nilock ko lahat ng pintuan at bintana. Malakas din ang hangin sa labas tila uulan. Pumasok ako sa kinuha ko ang walis sa nagulat ako na may nakita ako na putik na sahig na marka ng sapatos ang sahig lalo akong kinabahan. Sumabay pa ang malakas na tunog ng kulog sa labas. “May tao ba dito? nanginginig ang tuhod ko sa takot para akong mawalan ng hininga sa lakas ng dagundong ng dibdib ko. “Ahhh shìt!” malakas na mura ko nabitawan ko ang hawak ko ma walis nang biglang pagsara ng bintana ng kusina dahil sa lakas ng hangin at ulan. Hanggang sa may nakita ako ng anino ng tao. Lalong akong hindi mapakali at kinakabahan feeling ko ay nanginginig na ako ang buong laman ng katawan ko. Ang cellphone ko ay naiwan ko sa taas. “May tao ba dito?” tanong ko ulit umurong ako. Dinampot ko ang landline ay hindi gumagana ang telephone dahil may pumutol ng wire nito. Ginawa ko ay binuksan ko ang drawer ng makita ko ang malaking kutsilyo kinuha ko ito. Malalim akong huminga at nagdasal na sana ay guni-guni ko lang ito pero ang totoo ay may ibang tao nakapasok sa loob ng bahay. Nagmamadali akong lumabas ng kusina at muli akong umakyat sa taas mabilis din ang kilos ko. Pagpasok ko sa kwarto ni papa ay ni-lock ko ng double lock ang pintuan pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Hanggang sa hinanap ko kaagad ang phone ko ng makita ko ito kinuha ko ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa nanginginig ang kamay ko sa takot. My phone rang. Ang Nanay Belen ko ang nasa linya sasagutin ko sana ay nabitawan ko ng makarinig ako na yapak ng tao sa labas ng pintuan. Nilingon ko ito my lips parted at lumaki ang mata ko ng makita ko pilit niyang binubuksan ang doorknob. Hindi ko na alam ang gagawin at natataranta ako sa sobrang takot. Hindi pa rin tumigil kakaring ng phone ko. Pinulot ko ang cellphone ko na nahulog at sinagot ko ang linya. “Hello Nanay,” mahinang sagot ko sa linya. “Anak kanina pa kitang tinatawagan hindi mo sinasagot ang tawag ko sa'yo. Saan ka ba ngayon anak?” nararamdaman ko na kakaiba ang tono ng boses ni Nanay at para siyang natatakot at mahina rin ang kanyang boses sa linya. “Nanay nandito po ako ngayon sa rest house ni Papa tulungan nyo po ako. Mahinahon na sabi ko may ibang tao na nakapasok at pilit niyang binubuksan ang pintuan.” Nanginginig ang boses ko. “Panginoon ko ito na nga ba ang sinasabi ko Anak umalis ka ngayon d'yan sa bahay dahil narinig ko ang tita at Tito mo kanina nag uusap na may masama silang balak sa'yo anak. Kung maaari huwag ka na rin munang umuwi dito sa mansyon at nakikiusap ako sa'yo anak mas mabuti pang lumayo ka muna dahil mapapahamak buhay mo kapag umuwi ka rito.” Sabi ni Nanay. “Nanay ano po ang ibig n'yong sabihin?" tanong ko. "Delikado ang buhay mo anak hangga't maaari anak magtago ka muna hanggang hindi mo pa nagawa ang utos ng Lolo mo dahil lahat ay gagawin ng Tito Noel mo at Tita Nova na mawala ka at mapasakanila ang mga ari-arian ng Lolo mo at huwag ka rin magtiwala kahit kanino.” Sabi ni Nanay sa akin. “Nanay hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ang gagawin ‘nay ko saan po ako magtago? Saan ako pupunta nanay.” Sabi ko sa linya at naiiyak din ako. Hindi ko narinig si Nanay sa linya at hindi na siya nagsalita sa linya. “Manang sino ang kausap mo sa linya?" boses ni Tita Nova ang narinig ko tila galit ang tono ng boses niya. "Ang kapatid ko sa probinsya ma'am.” Nanginginig na boses ni Nanay. “Alam mo sa lahat ng ayaw ko ay ngsisinungaling sa mansyon na'to at alam ang mangyayari sayo at sa pamilya mo kung may ginagawa ka likod na labag sa rules ko dito. Hindi ko na kailangan pang ipaalala sayo na oras na may gagawin ka ka na hindi ko magugustuhan pinaalalahanan na kita.” Madiin na boses ni Tita Nova. “Opo ma'am.” Malumay na boses ni Nanay. Naninindig ang balahibo ko sa narinig ko na usapan nila sa linya. Magsasalita pa sana ako ay wala na si nanay sa linya. Nilingon ko ang pintuan hindi pa rin umalis ang tao sa labas ng pintuan. Ginawa ko binuksan ko ang closet mabilis kong kinuha sa loob ng closet ng makita ang maliit packback. Kinuha ko rin sa drawer ng cabinet ang isa sa susi ng sasakyan ni Papa. Nabitawan ko pa ito sa pagmamadali ko. Mabuti na lang ay kabisado ko ang mga gamit ni Papa at mama. Binuksan ko rin ang vault ni Papa ang araw ng unang date nila ni mama ang password ng vault. Nilagay ko sa packback ang lahat ng dollars na laman ng vault at may maliit ba baril at maliit na envelope nilagay ko rin ito sa bag ko. Napasigaw ako ng marinig ko ang lakas ng sipa ng tao sa pintuan. Hindi ko na alam ang gagawin. Paglingon ko ay natulala ako. Parang naghiwalay ang kaluluwa ko ng makita ang lalaki sa harap ng pintuan na nakatayo. Naninigas ang katawan ko. “Sino ka?" natataranta na tanong ko. Umurong ako para malayo ako sa kanya. Unti-unti na rin siyang lumalapit sa akin. Nakatakip ang kanyang mukha ng black mask bonnet. “Huwag kang lumapit kundi babarilin kita.” Sabi ko parang wala lang sa kanya. Umiling-iling siya at inilabas niya s likod niya ang kanyang baril at tinutok din niya sa akin. Sinipa ko ang mesa para hindi niya ako malapitan. Kung sa karatihan ang laban I can defense myself dahil tinuruan ako ng dating bodyguard ni papa na si uncle Baste. Huwag kang lumapit dahil ipuputok ko ang bala sa ulo mo.” Panakot ko. Nabitawan ko ang hawak ko na baril ng paputukin niya sa kisame ang kanyang baril. Nang itutok niya sa akin ang baril ipinikit ko ang mga mata piling ko ito na ang huling buhay ko. Pero nilakasan ko ulit ang loob ko. Nang tumunog ang kanyang phone ay sinamantala ko ng sagutin niya ang kanyang phone. “Masusunog po ma'am ngayon din po nasa harapan ko na siya. Malakas ko siyang sinipa ng tatlong beses na hindi niya namalayan natapon niya ang cellphone at baril. Mabilis kung kinuha ang kutsilyo sa ibabaw ng kama tumakbo ako palabas. Nakalimutan ko ang phone wala na ako time na balikan.Mabilis din siyang nakasunod sa akin. Hanggang sa nahuli niya ang braso ko at hinila niya. Mabilis ang kamay ko tumama sa kabilang pisngi ng lalaki ang matalim na kutsilyo. “Hayop ka papatāyin nakitang babae ka! Galit na sabi niya. Tumakbo pababa ng hagdanan. Nakita ko dumudugo ang kanyang pisngi. Hinahanap niya ang kanyang baril. Nang nasa labas tinungo ko ang garage wala sa lagyan ang remote control para mabuksan ko a garage. Ang ginawa ko sa likod ako dumaan para hindi ako makita ng lalaki. Tumakbo ako ng tumakbo lalong lumalakas ang ulan at hangin. “Saan ka pupunta akala mo ay matatakasan mo. Heto na ang huling buhay mo!” sigaw niya pero hindi ko siya pinansin sa lakas ng ulan at hangin na may kasamang kidlat nadulas ako at nadapa ako. Napasigaw ako ng malakas na paputukin niya ang kanyang baril parang tumigil ang tïbok ng puso ko. Akala ko ay tinamaan na ako. Hindi ko siya nakikita ang boses lang niya ang naririnig ko. Bumangon ako muli akong tumakbo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan. Ilang beses din ako nadulas sagabal din sa akin ang mahaba na suot ko na palda. “Mama papa gabayan nyo po ako tulungan na walang mangyayari sa akin n masama.” Naiiyak na kausap ko ang sarili ko dahil nawalan na ako ng lakas. Nararamdaman ko na marami na rin akong sugat dahil sa ilang beses akong nadulas at nadapa. Pero patuloy pa rin akong tumakbo. Hindi ko mapigilan na hindi napasigaw sa putok ng bala. Kahit mahina ang tuhod ko at nilalamig na ako hindi ako sumuko makalayo lang ako sa taong humahabol sa akin. I feel frozen at napaawang ang labi ko at lumaki ang mata ko hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa akin ng nakaramdam ng may tumama sa binti ko Malamig ang nararamdaman ko sa loob ng katawan ko para akong nawawala at nanginginig ang labi ko. Masakit na masakit ang nararamdaman ko. Hinawakan ko ang binti ko tumulo ang luha ko ng mahawakan ko ang binti ko na may mainit na bagay akong nararamdaman sa kamay ko. “Dugo." Sabi ko Hindi ako makapagsalita kahit nakarinig ako ng ilang beses na putok ng bala. “Ano ang gagawin ko." Tanong ko sa sarili ko. Gumapang ako kahit na nahihirapan ako. “Caloy umalis na tayo sure na tinamaan mo na siya at mamatay din siya kapag mauubusan siya ng dugo at wala rin makakatulong sa kanya dito. Kailangan na natin umalis bago pa may makakita sa atin.” Malakas na sigaw ng lalaki ibig sabihin dalawa ang taong humahabol sa akin. Ilang sandali ay wala na akong naririnig Gumapang ako nagtago ako sa likod ng malaking halaman nakarinig din ako ng dalawang sasakyan na umalis. Ilang minuto ay bumangon ako at tumayo kahit nahihirapan ako. “Tulong, tulungan nyo po ako!” paos na sigaw ko. Nahihirapan na ako sa nararamdaman ko. Umikot-ikot na ang paningin ko wala na akong lakas. “Tulong, tulong, tulungan nyo ako parang awa n'yo n po.” Sabi Alam ko na walang makarinig sa akin dahil malayo kami sa tao sa rest house ni Papa kahit nahihirapan ako ay pinilit ko ang sarili ko sa marating ang daan. May narinig ako pero hindi ko alam saan galing muli akong nag salita at nagmamakaawa na tulungan ako. “Mama, papa tulungan nyo po ako .I close my eyes slowly. Nahihirapan na rin akong huminga at wala na akong lakas hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD