Chapter 15

2057 Words
CHAPTER 15 MARINELLA Nasa garden ako na nakaupo bermuda grass. Maraming pumapasok sa isip ko habang nakatingin ako sa malaking mansyon namin. Mabuti pa ang ibang tao na kapos dahil buo ang pamilya at masaya sa konting pagkain na kung anong meron sila hindi katulad dito sa mansyon nandito na ang lahat may aircon at masasarap na pagkain pero hindi mo man lang masasabi na may masayang pamilya. Mula ng mawala si Lolo at Papa ay malaki ang pinagbago ng mansyon. Paano ang nakatira lahat sila ay gamahan sa pera. Puro nalang ang laman ng isip nila ay pera. Tatlong araw ang lumipas. As usual gumawa na naman ng paraan si Kylie na hanapan ako ng lalaki para e date pero hindi na ako pumayag sa gusto niya baka ang mahanap pa naming dalawa ay crïminal mahirap magtiwala sa panahon ngayon lalo na puro na lang hindi maganda ang balita. Uso pa naman ngayon ang scammer at iba pa. Nakaupo ako sa ibabaw ng kama ko nakatingin ako sa phone ko. Parang may bumulong sa akin na tawagan ko si Sandro o Rico nasa akin ang dalawang number ng lalaki. Si Sandro himala na magustuhan niya ako nasabi nga niya sa akin na hindi niya ako type at hindi ako ang taste niya na babae. Pero sinabi niya sa akin siya na lang ang e date ko at nasabi rin niya na gusto niya ako tulungan. Nang tanungin ko si Kylie kung may nasabi ba ni Kuya Sherwin tungkol sa akin kay Sandro ay hindi daw at nasa ibang bansa si Kuya Sherwin kasama ang modelo niyang fiancee at sa business din nila. Kung si Rico ay nahihiya ako na tawagan siya. Mukhang mabait naman siya at hindi siya gaya ng ba na lalaki. Baka maging mabuti kami na magkaibigan. Ang laki ng pagkakaiba nila ni Sandro ng ugali may kay Sadro kasi na kakaiba parang mysteryoso niya na tao. Nabitawan ko ang libro na binabasa ko ng bahagyang tumunog ang cellphone ko. Natataranta ko na kinuha ang phone sino kaya ang tumatawag sa akin ng ganitong oras? Nang makita ko ang number ni Rico ay napaawang ang labi ko at nag uusap ang diwa ko kung sasagutin ko ba ang tawag niya. Nag inhale and exhale muna ako. “Hello,” medyo nerbyos ang tono ng boses ko. “Hello, do you still remember me? I'm Rico.” pakilala niya sa akin sa phone. "Yeah of course.’’ Saad ko sa linya. Napangiti ako dahil kanina ko lang siya iniisip ay kausap ko na ngayon. Himala na tawagan ako uli ni Sandro dahil pinagalitan ko siya sa nakaraang araw. Mula noon ay no news na ako sa kanya. Pasensya na ngayon lang kita na tawagan dahil sobrang busy ko. Free ka ba bukas gusto sana kita yayain mamasyal and lunch. Para mas makilala mo ako at mas makilala kita.” Nakagat ko ang labi ko ng sabihin niyang pera makilla naming dalawa ang isat isa. “Free ako bukas,” mabilis na sagot ko. Thank you Ellah, tell me saan ang bahay mo at susunduin kita." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya kung saan ako nakatira o ang apartment ni Kylie muna ang ibibigay ko sa kanya na address ko. Hindi ko muna sa kanya sasabihin kung sino ako. “Okay what time kita pwedeng sunduin?” “At 12:00.” Sagot ko. Almost 5 minutes din kami nag-usap ni Rico sa linya pagkatapos namin mag usap ay tinawagan ko si Kylie sinabi ko ang napag-usapan namin ni Rico. Tuwang-tuwa at mas masaya pa siya sa akin. “Before nandito ka na sa apartment ko ako ang bahala sa'yo.” Sabi ni Kylie tila kinikilig pa siya. ‘’Thank you Kylie baka dito na mag work ang plano natin.” Sabi ko. Baka si Rico na ang tadhana mo at hindi talaga si Sandro para sa'yo.” Saad ni Kylie sa linya. Nag beso-beso muna kami bago naming pinatāy ang linya. Kinabukasan ay maaga ako bumangon. Binuksan ko ang closet ko at naghahanap ako ng masuot ko mamaya. Pulang palda st green long sleeve ang napili ko. Nilagay ko sa bag ko ang mga damit ko. after a while pagkatapos kung maligo at ayusin ang sarili ko ay sinuot ko ang makapal na antipara ko. Napalingon na may kunmatok sa pintuan. Binuksan ko ang pinto si nanay Belen ang nasa labas ng pintuan. “Good morning nanay pasok po kayo, may problema po ba kayo nay?” tanong at pinaupo ko si Nanay sa maliit na sofa at umupo ri ako mukhang seryoso ang pakay ni Nanay hindi niya ako pupuntahan dito kung hindi importante ang sasabihin niya sa akin. “Anak sa lalong madaling panahon ay kailangan na m gawin muna ang nakasulat sa testament na utos ng Lolo mo. Nassabi ko ito dahil hindi maganda ang kutob ko sa mga tao dito sa mansyon lalo na nandito ang kapatid ng Tita mo.” Seryosong sabi ni Nanay sa akin hinawakan ko ang kanyang kamay dahil napansin ko na may halong takot ang kanyang mukha. Huwag po kayong mag alala Nanay dahil gumagawa na po ako ng paraan.” Saad ko huminga ng malalim si Nanay. I smile at her. “Matanda na kasi ako anak hindi natin alam hanggang kailan ako dito sa mundo. Hindi na kasi umuurong ang edad natin. “Nanay naman wag kayong magsalita ng ganyan. May bagong kaibigan ako na lalaki may lunch ngsy kaming dalawa mamaya. Natawa si Nanay Belen tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Habang kumakain ako sa loob ng kusina ay nakarinig ako ng ingay sa labas. “Ang tatanga n'yong lahat. Ang trabaho nyo hindi nyo kayang gampanan. Mula ngayon ayoko ng makita ang pagmumukha mo iligpit mo ang mga gamit mo at umalis ka ngayon din!” malakas na sigaw ni Tita Nova hanggang sa lumabas ako para tingnan ang nangyayari. “Ma'am wala po ako alam hindi ko po na sunog ang damit ni ma'am Ciara.” Naiiyak na sabi ni aling Rita. “Alam mo ba na mas mahal pa ang damit na'to sa sahod mo!” malakas na sigaw ni Tita kay Aling Rita. “Anong nangyayari?" tanong ko. Nilapitan ako ni aling Rita at nagpapaliwanag siya sa akin. Alam ko na hindi magawang sunugin ni aling Rita ang damit at nagsasabi siya ng totoo mas paniwalaan ko ito kaysa sa kanila. “Don't tell me na mas pinaniniwalaan mo ang katulong na yan nakita mo naman Marinella ang nangyari sa damit ko.” Sabi ni Ciara. “Nakita ko at alam ko rin hindi yan kayang gawin ni aling Rita. Hindi rin aalis si aling Rita at kilala ko siya alam ko hindi niya kayang gawin na sunugin ang damit mo! Kung may umalis ay ikaw yun Ciara.dahil ako lang ang may karapatan kung sino ang umalis dahil ako pa rin ang nagpapasahod.” Sabi ko kinuha ko ang damit sa kamay ni Tita Nova at tinapon ko sa harapan ni Ciara. “Marinella! madiin na tawag ni Tita Nova sa akin hindi ko siya pinansin sakit lang sa ulo ang bigay nila sa akin sa mansyon mula ng dumating sila dito. “Tita sumosobra na ang babae nayan. I can't stand up with her.” Sabi ni Ciara alam ko gigil na siya sa mas mabuti pa na iwan ko muna sila dito nakaka stress sila hindi tuloy ako nakapokus sa mga iniisip ko. “Bukas ang pinto kahit anong oras pwede kang umalis kung puro ka reklamo.” Saad ko. ‘‘Humanda ka sa akin Marinella hindi pa ito ang tamang oras para sa'yo.” “Lagi naman ako nakahanda Ciara.’’ Saad ko hanggang sa tinalikuran ko sila” Marinella darating din ang araw na ikaw ang hindi na makakaapak sa mansyon na'to.” Nilingon ko si Tita. “We will see Tita. Alam ko sa matagal mo munang plano na gusto mong maging donya sa mansyon at alam mo na hindi yan mangyayari.” Matapang na sagot ko. Nasira naman nila ang araw mas mabuti pa na umalis na lang ako dito at sa apartment na lang ako ni Kylie. Paglabas ko ng mansyon ay sinabihan ko si Manong hindi ko muna gagamitin ang sasakyan ko. Nang nasa apartment na ako ni Kylie ay tawang-tawa siya sa akin dahil pinakita ko sa kanya ang dala ko na damit. Marinella naman.” Nagtatampo na boses ni Kylie. Mabilis lumipas ang oras ay hindi ko pinayagan na palitan ni Kylie ang damit ko ang buhok ko lang ang pinaayos ko sa kanya. “Baka si Rico na,” sabi ni Kylie ng may nag foorby at binuksan niya ang pintuan. Lumapit din ako ng makita naming dalawa si Rico na may dalang bouquet of flowers ay namumula ang pisngi ko. Nagpakilala siya kay at nagpakilala din si Kylie sa kanya binigay ni Rico sa akin ang bulaklak “Enjoy at kung may mangyari isuko muna,” bulong ni Kylie. “Loka kunin mo ang bulaklak sa kamay ko.” Sabi ko at nagpaalam na kami ni Rico. Naiilang pa ako sa loob ng sasakyan ni Rico tumatango lang ako sa kanya hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang sa dumating na kami sa restaurant. Parang tumigil ang oras ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang matangkad na lalaki na nasa harapan ng restaurant na nakatayo. Nang mag salubong ang mga mata naming dalawa ay parang ayoko ko ng pumasok sa loob ng restaurant parang alam ko naman ang kanyang iniisip sa akin. “Sandro.” Mahinang sabi ko. Titig na titig siya sa akin. “Marinella and Rico Serbantez,” Sabi ni Sandro sa amin ang mata niya ay sa akin. “Did you know him?” tanong ni Rico tumango ako. “Mr Sandro Sander, nice to see you here.” Pakiramdam ko tuloy ang awkward na dahil magkakilala sila para naman akong lulunukin ng lupa sa kinatatayuan ko. Nang nasa loob na kami ng restaurant akala ko ay aalis si Sandro pati pa naman siya ay uupo kasama namin sa mesa hindi naman tumanggi si Rico dahil parang may something silang dalawa. Nang mag order na sila ng food ay hindi ako mapakali at palipat-lipat ang mata ko sa dalawang binata. “Sa ladies room muna ako.” Sabi ko at mabilis na akong tumayo. Nakatingin sa akin ang mga tao. Nang nasa ladies room na ako ay hinawakan ko ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Bakit ba kasi kung saan ako ay nandoon din si Sandro. Isa pa hindi lagi maganda ang tagpo naming dalawa. Huminga ako ng malalim at lumabas sa ladies room. Paglabas ko ng ladies room ay nakita ko na may mga babae na lumapit kila Sandro at Rico. Nag selfie sila kasama ang dalawang binata. Nakakita rin ako sa labas ng window glass na may mga media. Kahit sino naman magpa picture kay Sandro e anak ng sikat na senator at isa rin professional model at CEO pa nasa kanya na ang lahat. Ginawa ko lumabas ako ng restaurant na walang paalam baka matulad nmn ako sa dati. “Ma'am Marinella,” familiar ang lalaki tinawag ako siya ang driver ni Sandro. Lumapit siya sa akin. Pero umiwas ako sa mga media mabuti na lang ang mga mata nila ay sa loob ng restaurant at si Sandro yata ang binabantayan nila. Manong aalis na po ako at umiiwas ako sa kanya at sa media.” Mabilis ang kilos ko hindi ko pinansin si Manong na tinawag niya ako ulit. Tumunog din ang phone ko himala na tinawagan ako ni Sandro hindi ko sinagot at sumakay kaagad ako ng taxi. Ilang misscall din si Rico at Sandro hindi ko sinagot ang tawag nila. Sandro: What are you doing? laman ng message ni Sandro. Rico: Marinella where are you? Hindi ko pinansin ang message nila sa akin. Hanggang sa nasa appointment na ako ni Kylie nagulat siya ng makita ako. “Anong nangyari?” tanong niya. “Kylie baka hindi talaga ako papalarin ng lalaki si Rico at Sandro ay magkakilala. “ Marinella huwag kang magsalita ng ganyan at huwag kang sumuko dahil may mission kapa.” “Ayoko na Kylie mag mamadre na lang ako.” “Sapakin kita dyan eh.” Hindi na ako umimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD