Chapter 14
SANDRO
Wala akong choice kundi dalhin ko isama ko si Collette sa opisina ko ihahatid ko sa ko sana sa bahay ay tinawagan ako ni Mama na ingatan ko ang bata dahil kung may mangyari na masama sa bata hindi niya ako mapapatawad hangga't hindi pa raw siya nakauwi sa bahay ay sa akin lang muna si Collette. Mga babae talaga ang hirap nilang intindihin.
“Sir si ma'am Alice nasa reception daw sa baba. Sinabi namin na wala ka dito ayaw niyang maniwala.” Sabi ng sekretarya ko.
“Florenza, I'm busy at masakit ang ulo ko kung ayaw niyang maniwala hayaan n'yo siya abutin ng hapon pero inawat ko rim si Florenza. No, no wait, I will call her.” Sabi ko.
Dinayal ko ang number ni Alice. Isang ringing pa lang nasagot niya agad ang tawag ko.
“Alice sabi ng sekretarya ko nasa baba ka raw at hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ng receptionist at ng sekretarya ko. Alice may trabaho pa ako at wala ako sa kumpanya. We will talk later dahil may appointment pa ako na hinahabol.” I sighed ayokong sumigaw sa harapan ni Collette.
“Mamayang gabi hihintayin kita sa apartment ko.” I shook my head.
“Alice, we will talk later.” Sabi ko at binaba ko ang linya.
“Tito, sino si Alice? napalingon ako ng bigla akong tanungin ni Collette.
“She's my friend .” Sagot ko.
“Tito, I'm hungry na po. Sa Jollibee tayo kakain please.” Nihilot ko ang batok ko sa kakulitan ng bata na'to. Bagay talaga sa kanya ang pangalan na Collette dahil sobrang makulit. Ginawa pa talaga ako nito na yaya. Hindi naman sa ayaw ko sa bata.
Hanggang sa tinawagan ko si mommy ay wala pa daw siya sa bahay kasama niya si Lola sa labas. Gusto daw ni Lola tumingin ng wedding gown.
“Mommy, hindi ko gagawin ang gusto ni Lola hindi n'yo ba nakita kahit doulehin ko ang katawan ko malaki pa siya sa akin. Mom kdudapi n'yo si Lola.” Sabi ko hindi talaga nagbibiro si Lola Esperanza.
"Sige na anak mag-usap na lang tayo sa bahay mamaya. Kung hindi mo magugustuhan ana ipilit ka ng Lola mo aba e, magpakilala ka sa amin ng matinong babae. Bye ingatan mo si Collette alam ko na makulit na bata ang pamangkin mo.” Sabi ni mommy sa akin may banta pa talaga sa akin.
“Si Sandro ba ang kausap mo? Hayaan mo siya babatayan niya muna ng ilang oras si Collette para matuto na siya mag alaga ng bata.” Narinig ko na sabi ni Lola sa linya.
I have to go mommy see you later.” Hindi ko na hinintay na magsalita si mommy sa linya.
Nagulat lang ako na bahagyang hinila nila ni Collette ang kamay para lumabas ng opisina. Sinuot ko ang dark blue aviator sunglasses ko.
Tinawagan ko rin si Oliver kung may sombrero ba sa sasakyan ko para suotin ko sa labas dahil ayokong may nakakakilala sa akin baka dumugin ako ng mga tao sa labas. Mabuti na lang ay meron.
Palabas pa lang kami ng opisina ko ay si Wolfie ang nabungaran ng mata. Mukhang may iniisip hindi kasi madrawing itsura ng kaibigan ko.
“Wolfie, parang galit ka sa mundo.” Sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam ang gagawin gusto ko ng kausap." Seryosong sabi.
"Ako po pwde n'yo po akong kausapin dahil i talk too much po." Natawa ako sa sinabi ng pamangkin ko.
Narinig mo Wolfie ang sinabi ng pamangkin ko. Lahat ng tanong mo kaya niyang sagutin sa kakulitan niya parang ibon yan si Collette. Tama-tama sa labas kami kakain ng lunch. Kung gusto mo sumama ka sa amin kumain sa Jollibee.” Sabi ko alam ko na strict sa mga kinakain ang kaibigan. Ganun din naman ako but not at all may mga pagkain din ako hi di kinakain but no choice kundi kumain lalo na isang politician and father ko.
Hindi pa kami nakarating sa fast food ay walang labis at walang kulang ang mga kwento ni Collette tungkol sa nangyari kanina. Sumakit ang tiyan ni Wolfie sa mga sinasabi ni Collette.
“Collette palitan mo ang story mo baka mabulunan ang Tito mo kunin agad ni God.” Sabi ko.
Sumunod naman sa akin si Collette pero itong kaibigan ko tawa ng tawa Kanina parang walang buhay ang itsura pero ngayon na triple energy na nagkasundo sila ni Collette.
Nang nasa tapat na kami ng fast food na Jollibee ng palabas na kami ng sasakyan ay nasagip ng mata ko ang babaeng nerd na sumakay sa taxi may dala siyang malaking plastic bag of Jollibee.
“Matinella,” sambit ko.
“May nakita ka ba? Sinong Marinella?" tanong ni Wolfie sa akin.
"Let's go inside." Yaya ko.
Si Oliver ang nagpresinta na mag order at at sa dulo kami umupo. Hindi nagtagal ay dumating din ang mga order ni Oliver at masaya kaming kumain.
Nakatingin sa amin ang ibang tao pakiramdam ko ay nakilala nila ako o kay Wolfie at Oliver sila nakatingin. Mga gwapo at may mga dugong bughaw din ito. Huwag lang ako dahil kilalang-kilala ako lalo na malapit na ang election at minsan ay sumasama ako kay Daddy mangampanya.
Kailangan na natin lumabas dahil nakatingin na sa atin ang iba baka mahirapan tayo makalabas may mga CCTV ang tenga ng mga media.
Sumang-ayon sila sa akin. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay sinabi ko kay Oliver sa bahay kami ni Mama ihatid.
Ilang minuto ay nasa bahay na kami pagpasok namin sa loob ni Collette ay hindi pa dumating si mama.
Sir nasa opisina niya po sir Loga sabi niya sa akin ay pagdating n'yo po ay puntahan n'yo po siya.” Sabi ni manang.
“Ikaw muna ang bahaha kay Collette,” sabi ko hanggang sa umakyat na ako sa taas.
Kinatok ko muna ang pintuan ng opisina ni Daddy.
“Pasok!” binuksan ko ang pintuan. Pagbukas ko si Daddy na nakatayo sa tabi ng pintuan.
“Daddy,” tawag ko may kopita siya na alak na hawak.
Kailan kapa ba titigil Sandro sa mga ginagawa mo! Kanina sa opisina may babaeng pinuntahan niya ako sana umiiyak basta mo na lang siya iniwan sa hotel kanina!” madiin na sabi galit niya akong tinitigan.
“Daddy let me explain."
Stop it Sandro, anong explain ang gusto mong ipaliwanag. Instead na tulungan mo parang ikaw rin ang unang sirain at dumihan ang pangalan ko! Nagulat ako na malakas na sinipa n ni daddy ang silya.
Bakit dad, kailan pa ako may tama sa mga ginagawa ko? Lahat na lang mga nagawa ko at pinakita ko sa inyo ay mali. Dahil lang sa babae na'yun ay gusto n'yong ipamukha sa akin na may malaking kasalanan akong nagawa at nasisira ang pangalan mo. Oo nga naman dahil hindi ako si Kuya na tama ang lahat Hindi ako si Kuya na paborito nyong anak!” sigaw ko.
Huwag mong idamay ang kuya Mevan mo, kung hindi dahil sa'yo hindi maakdidente at mawala ang Kuya mo!" malakas na sigaw ni Daddy sa at nanginginig sa galit ang labi kanyang labi.
“Wala akong kasalanan sa pagkawala ni Kuya ilang beses ko yan sinasabi na hindi ko kasalanan ang nangyari.’’ Saad ko.
Tumigil ka Sandro!” Umurong ako at umiling-iling ako.
Mula mg bata pa kami ni Kuya Mevan ay laging si Kuya na lang ang tama at mali ako iniisip ko na hindi niya ako anak pero magkamukha naman kami ni daddy.
“Anong nangyayari naman sa inyong dalawa. Naririnig ang malakas n'yong boses sa baba hindi ba kayong dalawa napapagod. Wala sa araw na hindi kayo nagtatalo, Logan tama na! Tama na kaka sisi sa anak mo dahil aksidente ang nangyari limang taon ang lumipas pero bakit hanggang ngayon ay galit pa rin ang nasa puso mo.” Umiiyak si mommy habang siya ay nagsasalita.
“Monette, itanong mo sa d'yan sa magaling mong anak kung bakit ako galit at uminit ang ulo ko dahil sa kagaguhan niya Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na tumigil na siya pang babae. Kung hindi ko pa pinatahimik ng pera ang isa sa babae baka kung anong balita na ngayon na kumalat. Alam ng anak mo na hindi pa tapos ang election dapat ay nag iingat siya. Pero ang gusto niya yata ma masira ako sa mga mata ng mga tao. Kung buhay pa sana si Mevan ay…” Hindi tinuloy ni daddy ang sasabihin.
Malim akong bumuntong hininga pinigilan ko ang sarili ko. Iniwan ko silang dalawa. Nang nasa sasakyan na ako ay tinawagan ko si Oliver na hanapin niya at alamin niya ang babaeng kasama ko kagabi.
Hindi ko alam saan ako pupunta para maka paghinga at maka-relax ang utak ko. Pupuntahan sana ako sa apartment ni Wolfie ay hindi ko na tinuloy. prefer na mag isa Gusto ko rin uminom ay baka may mga mata na sumusunod sa akin na mga tao ni Daddy. Hindi ko namalayan na gabi na hanggang sa pinuntahan ko ang puntod ni Kuya.
Ilang sandali habang kinakausap ko ang puntod ni Kuya Mevan ay may nakita akong babae sa kabilang puntod umiiyak nakatalikod ang babae at may cover siya sa ulo na kulay peach na scarf. Pakiramdam ko ay pareho kaming malungkot at may dinidibdib. Tumayo ako tahimik lang ako na nagmamasid sa babae.
Nakakita rin ako na dalawang batang babae na lumapit sa babae nag uusap sila at may matandang lalaki na may dalang gallon na may tubig at binigay niya sa babae.
Nagulat ako na tumunog ang phone ko ang aking sekretarya na si Florenza.
Hello Sir, bukas ang dating ni Mr. Sabantes at kasama niya ang kanyang anak na si Rico Serbantez.” Paalala ng sekretarya ko. at pinaalala din ng sekretarya ko na sa susunod na araw ay may business trip din ako.
Paglingon ko sa kabilang puntod ay wala na doon ang babae pati ang mga bata na kausap niya kanina. Hinanap ng mga mata ko sila pero ay wala na sila.
Hanggang sa umalis na lang ako pero napaisip ako bakit parang curious ako sa hindi ko kilalang tao. I sighed at umalis na ako sa puntod ni Kuya Mevan.