Chapter 6

2025 Words
Chapter 6 MARINELLA SAMPUNG ARAW ang lumipas okay naman ang araw ko at pakiramdam ko normal din ang mga dumaan na araw ko. Akala ko may issue na ang ginawa sa akin ni Sandro nakaraan na mga araw. Hindi ko alam ang dahilan at biglang nabura sa internet ang video at ibang litrato namin ni Sandro at hindi rin ulit kami nagkita. Tahimik din ang kanyang pangalan sa social media. Wala sila Tito Noel dahil nasa bakasyon sila ni Tita Nova kasama rin nila si Aljur. Kaya ang tahimik ng mansyon kasama ko lang ang mga kasambahay namin. Sana hindi na sila bumalik pa rito sa mansyon. Wala pa naman ako na karapatan na palayasin sila dahil hangga't hindi ko magagawa ang nakasulat sa testament na iniwan ni Lolo Julio ay sila Tito Noel pa rin ang makakasama ko. Kahit na gusto ko rin silang lahat na palayasin. “Nay lalabas na po ako,” paalam ko kay Nanay Belen. “Mag ingat ka anak, huwag mong kalimutan na mamayang gabi ang dating ng Tito mo.” Kumunot ang noo ko sa sa sinabi ni Nanay. “Po akala ko ba ‘nay sa susunod na linggo pa uwi nila." Napansin ni Nanay na nalukot ang mukha ko. “Yun din ang akala ko anak eh kakatawag lang sa akin ni ma'am Nova at sinabihan din niya ako na ihanda ko ang guest bedroom dahil darating din ang kanyang pamangkin na Ciara.” Napaawang ang labi ko sa sa sinabi ni Nanay. I sighed at kinalma ko ang sarili ko hindi ko kasi nagustuhan ang narinig ko na pati si Ciara ay kasama nila Tito Noel at Tita na uuwi. Bakit dito pa talaga sa mansyon. I took a long deep breath. “Okay huwag lang nilang galawin ang kwarto ni Mama at papa. E-lock mo rin ang kwarto ni Lolo Nanay.” Mahinahon na sabi ko. “Huwag kang mag-alala anak." I smile at her. Sumang-ayon si Nanay Belen. Si Nanay Belen sanggol pa lang ako siya ang nag-alaga sa akin ina na ang turing ko sa kanya. Paglabas ko ng mansyon ay sinalubong ako ni Manong Hirohito. Magalang ko siyang binati. “Hija nasa labas ng gate ang kaibigan mo na si Kylie.” “Po," gulat na sabi ko. "Oo hija sasabihin ko sana kay Belen eh nakita na kitang lumabas." "Salamat Manong pupuntahan ko na lang siya." Paglabas ko ng gate ay nakita ko nasa labas na ng sasakyan si Kylie nakapamewang. Abot tenga ang ngiti. “Hello girl,” masayang bati ni Kylie sa akin. “Biglaan yata ang punta mo rito?” tanong ko sa kaibigan ko Dahil may pupuntahan tayo ngayon.” Saad niya sa akin at hinila niya ang kamay ko. "Saan naman tayo pupunta?” Tanong ko ulit at binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Pumasok na ako at umupo sa fronsseat mabilis din pumasok si Skylie sa driver seat. “Put on your seatbelt.”Utos niya sa akin. Hanggang sa pinaandar na ni Kaylie ang kanyang sasakyan. Pangiti-ngiti siya habang nagmamaneho ng sasakyan. “Saan ba tayo pupunta?” tanong ko “Surprised, pero mag mall muna tayo.” “Kylie ano naman ang gagawin natin sa Mall?” "Marinella naman, syempre e-di mag shopping yan ang ginagawa sa loob ng mall kung sasabihin ko sa'yo masira ang surprise ko. Malalaman mo rin pag nasa loob na tayo ng Mall.” Umiling-iling nalang ako sa trip ng kaibigan ko. Binuksan ko bintana ng sasakyan at tumingin ako sa labas ng bintana. Nang inangat ko ang Mukha ko ang malaking litrato ni Sandro ang bumungad sa mata ko. Naka-jeans siya at walang damit. Napalunok ako ng makita ko ang hubad niyang katawan. Parang Greek god ang kanyang masculine body. I feel frozen ng makita ko ang katawan ni Sandro. He has perfect body at sigurado ako na maraming babae na nababaliw sa ganun na katawan. "Ang yummy ng katawan ni Sandro hindi nakakabusog sa mata ang sarap e imagination. At least ikaw natikman mo ang mahiwagang halik ni Sandro Sander mabuti na lang hindi na nagkalat sa internet ang misteryosong halikan n'yong dalawa.” Sabi ni Kylie. "Good, kung hhanggang ngayon ay guguluhin ako ng media baka kung saan ako nakabuntot sila sa akin alam mo naman maraming basher baka sindakin ako ng mga admirer ni Sandro." Saad ko. 'Malay mo ipagtanggol ka ni Mr. Right mo," biro ni Kylie. "Nagpapatawa ka ba Kylie, kaya nga agad na binura sa internet dahil ayaw nilang eskandalo at isang nerd ang bagong babae ni Sandro.” Sabi ko. “Pero apo ng billionaire ang nerd na sinasabi mo. Kung malaman nila na Ikaw ang nag iisang apo ni Julio Viola baka itali ka ng magulang ni Sandro sa anak nila.” “Kung ano-ano na ang pumapasok sa kokote mo magmaneho ka na lang.” Bigla akong nagulat ng tumunog ang cellphone ko binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang phone ko. Nang buksan ko ang cellphone ko si Tito Sammy ang nasa linya. “Hello hija, saan ka ngayon?” “Po nasa labas po ako Tito kasama ko ang aking kaibigan.” Saad ko sa linya. Ganun ba hija walang problema enjoy your day. Bukas na lang tayo mag usap dahil may ibang documents dito na kailangan ang pirma mo anak. I can wait till tomorrow.” Saad ni Tito Sammy sa linya. “Kung importante Tito pupunta ako dyan mamaya sa opisina mo,”sagot ko. “Marinella bukas na lang.” Mahinang sabi ni Kylie. “It's okay hija, ayokong sirain ang araw mo kasama mo ang kaibigan mo.” “Okay Tito bukas na bukas pupuntahan kita." Sabi ko hanggang sa binaba ko na namin ang linya. Anong kailangan ng Tito mo?” tanong ni Kylie. “May mga ibang documents na kailangan kong pirmahan." "Mabuti nandiyan ang Tito Sammy mo at natutulongan ka niya sa mga yaman ng Lolo mo.” “Oo nga eh kailangan din kasi gamapanan ni Tito ang responsibility niya sa akin till hindi ko pa nagawa ang gusto ni Lolo dahil nakasalalay din sa akin ang pag aari ni Tito na sarili niyang negosyo.” Saad ko sa kaibigan ko. “Grabi ka talaga Marie dahil ikaw pala ang susi ng lahat.” "Kaya nga eh, ang kinatatakutan ko kung may gagawin sa akin si Tito Noel lalo na maliit lang ang iniwan sa kan'ya ni Lolo. Ilang araw din ako hindi nakatulog ng maayos sa kakaisip kung paano ako mabuntis.” Tumawa ng malakas ang kaibigan ko. “Loka paano ka ba mabuntis eh walang bubuntis sa'yo. 23 kana Marinella huwag mong hintayin na umabot ka sa kalendaryo na hindi mo pa natikman ang langit. Trust me once na e makeover kita baka lahat ng lalaki ay lumuhod sa'yo. Sayang ang ganda mo kung tinatago mo sa likod ng sinaunang panahon ang fashion mo.” Tahimik lang ako. Hanggang sa dumating na kami sa Mall of Asia. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin siguro ang iba iniisip nila ay alalay ako ng kaibigan ko. Sexy at parang model ang kaibigan ko kasing tangkad lang kaming dalawa. Hinawakan ni Kaylie isa kung kamay at nginitian ko siya. Gustong-gusto na talaga kitang baguhin para mga mata ng mapanglait na ibang tao at Maluwal kapag makita nila ang kaibigan ko na soon to be a Miss Universe.” Natawa ako sa biro ni Kaylie kinurot ko ang kanyang kamay. Hanggang sa pumasok na kami sa swimwear. May isang babae na sinalubong kami at nakangiting nakatingin kay Kylie. “Good afternoon ma'am Kylie.” Bati ng babae hindi niya ako pinansin. “Hi, kailangan ko new at sexy na two-piece.” “May bagong labas kami ngayon na bikini. I'm sure na bagay na bagay sa'yo ma'am.”Saad ng babae. “Hindi lang para sa akin sa best friend ko rin.” Nagulat ang babae at nakatingin sa gawi ko. Nagkatinginan kami ni Kylie at kinindatan ako. “Kaibigan kita Marinella gusto ko malaman ng lahat na ikaw ang best friend ko kahit na magkaiba tayo ng taste of fashion bff forever dahil may percent din ako pag ako sa yaman ni Lolo Julio pag Ikaw na ang mamahala bff.” Sabay kaming tumawa sa kanyang biro. Ilang sandali ay inilabas ng babae ang mga sexy na bikini namilog ang dalawang mata ko ng ipakita ni Kylie sa akin ang two-piece na kulay pula. “No no no.” Pagtanggi ko. “Marinella kailangan mo ito,” umiling ako at umurong. “Hindi ko kailangan yan at kailan mo pa ako nakita na nag suot ng bikini?" tanong ko. Marinella kung hindi mo babaguhin ang sarili mo paano tayo makakita ng lalaki alalahanin mo ang mission mo.” Nanahimik ako sa sinabi ni Kylie. Not necessary naman na magsuot ng bikini para magustuhan tayo ng lalaki. May ibang lalaki na hindi sexy ang hanap nila kundi maganda ang ugali.” Mahinang sabi ko. “Binibiro lang kita Marinella huwag ka ng magtampo smile na para ito sa akin ang mga bikini na'to dahil road to Tagaytay tayo ngayon. Kaarawan ni Kuya syempre invited tayong dalawa.” Masayang sabi ni Kylie at niyakap niya ako hinalikan. "Ha, pa Tagaytay tayo ngayon? Bakit hindi mo sinabi na birthday ni Kuya Sherwin. Yan ba ang surprise mo sa akin na pupunta tayo ng Tagaytay?” sunod-sunod na tumango si Kylie sa sinabi ko. "Oo at maraming gwapo na bachelor na kaibigan si Kuya baka isa sa kanila ang maka-solve ng problema mo kaya pumili ka ng gusto mong swimwear dahil mag na-night swimming tayo.” Sabi ni Kylie at hinila niya ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi pumili ng pang swimming. Dalawang short na kulay brown ang pinili ko. Hindi ako nakapili ng top dahil puro maliit at sexy. Kaya sa iba kami naghanap ni Kylie hinayaan lang ako ni Kylie sa pipiliin ko kung saan ako ako comfortable ay support niya ako. Hindi nagtagal ay nabili na namin ang mga kailangan namin. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay tinawagan ko si Nanay sinabi ko sa kanya na hindi ako uuwi mamayang gabi at kasama ko si Kylie. Ilang oras ang biyahe namin ni Kylie. Pagdating namin sa isang resort ay sabay kaming pumasok ni Kylie bitbit namin ang gamit naming dalawa. Nakatingin ang ibang tao sa amin ni Kylie isang sexy at isang nerd ang magkasama. Nakaramdam ako ng hiya ng may matang nanlait sa akin. Parang gusto ko tuloy na lumabas at bumalik sa Manila. Habang kausap ni Kylie ang receptionist ay umupo ako at inikot-ikot ko ang mga mata ko. Hanggang sa nakita ko na dumating si Kuya Sherwin kasama niya ang kanyang foreigner na girlfriend. Lumapit ako at binati ko silang dalawa. “Nice to see you here Ella.” He smile at me ganun din ang kanyang girlfriend. “Happy birthday Kuya Sherwin next na ang regalo,” sabi ko. “It's okay masaya ako at mag enjoy kayong lahat sa birthday ko.” I sigh. Hanggang sa nagpaalam na si Kuya Sherwin sasalubungin nya ang ibang bisita niya. “Let's go sa room natin.” Yaya sa akin ni Kylie. Nang bigla akong lumingon ay may familiar ang mukha na nasagip ng mata ko. Hindi ako nagkakamali na si Sandro ang nakita ng dalawang mata ko. “Kylie,” sambit ko sa pangalan ng kaibigan ko. “Yes." Saad ni Kylie. "I dunno kung guni-guni ko lang ang nakita ko or namamalikmata mata lang ako.” Sabi ko. “Bakit sino ba ang nakita mo?” "Si Sandro invited ba siya sa birthday ni Kuya Sherwin?” tanong ko. “Ah hindi ko alam basta basta ang alam ko mga hot bachelor ang mga bisita ni Kuya at mga businessman edi-wow kung dito rin si Sandro sulit ang gabi natin baka magkita ulit kayong dalawa." Saad ni Kylie. Biglang lumakas ang dagundong ng dibdib ko. Hinanap ng mata ko si Savdro ay hindi ko na makita. Ngumiti ako parang ang saya ng nararamdaman ko na hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD