CHAPTER 5
THIRD PERSON POV
Sinundan pa ng mata ni Marinella ang kulay dilaw na sasakyan ni Sandro. Tila abot tenga na ang ngiti ng dalaga. Kinikilig siya ng sobra. Hindi kaagad na pumasok si Marinella sa gate ng bahay ng kanyang kaibigan na si Kylie kahit hindi na niya nakikita ang likod ng sasakyan ni Sandro ay nakatanaw pa rin ang kanyang mga mata sa malayong sasakyan ni Sandro.
“Magkita pa kaya tayo ulit Sandro?” tanong niya sa kanyang sarili at ngumiti siya ng tipid nakagat din niya ang kanyang ibabang labi.
Sa totoo kanina pang namumula na sa init ang magkabilang pisngi ni Marinella dahil sa sunod-sunod na nangyari sa kanila ni Sandro Sander. Kung anu-ano na ang iniisip ni Marinella hanggang sa kinurot niya ang sarili.
“Marinella tumigil ka sa iniisip mo kung ayaw mong…” Hindi natuloy ni Marinella ang sasabihin sa sarili ng bahagyang nagsalita ang hardinero ng kaibigan
“Marinella,” nakangiting sabi ng hardinero at binuksan niya ang gate para sa dalaga.
“Good afternoon po.” Magalang na bati ni Marinella.
“Good afternoon too hija, hindi kaba naiinitan hija sa suot mo e tag-init pa naman ngayon.” Concern na sabi ng lalaki.
“Hindi naman po Manong.” Saad ni Marinella tumango lang ang matandang lalaki.
Pagpasok ni Marinella sa gate ay bumukas naman ang malaking pintuan ng bahay ng kanyang kaibigan sa lakas ng boses ni Kylie ay nagulat si Marinella.
“Marinella, ano ba ang nangyayari sayo at hindi mo sinasagot at tawag ko ng makausap kita kanina hindi kana makausap bigla ka nalang nawala sa linya? Ano kumusta ang blind date nyo ni Mr. Bandolf?” tanong sa kanya ng kaibigan hindi na alam ni Marinella kung alin uunahin niya sasagutin sa mga tanong ng kaibigan.
“Kylie parang kang reporter ka sa bilis ng bibig mo. Mike Enriquez number 2 kana yata.” Nginitian lang siya ni Kylie.
“Excited lang ako. Tell me pogi ba, macho ba o yummy ba si Bandolf?” Sunod-sunod na tanong ni Kylie humalalak sa tawa si Marinella.
“Mas lalo mo yata ako ipapahamak sa nahanap mo na ipapa-blind date mo.” Saad ni Marinella sa kaibigan.
“Anong ibig mong sabihin? Akala ko ba nag enjoy ka dahil kakaiba ang ngiti sa labi mo at nagba-blush ka pa.” Huminga ng malalim si Marinella.
“Kung alam mo lang Kylie.” Mahinang sabi ni Marinella.
“Bakit ano ba talaga ang nangyari, kung hindi mo sasabihin sa akin paano ko malalaman.” Mahinahon na sabi ni Kylie at hinatak niya ang kamay ni Marinella papasok sa loob ng bahay.
“Dahan-dahan lang Kylie baka mahiwalay ang kamay ko sa katawan ko sa lakas ng hatak mo sa akin.’” Umiling-iling lang si Marinella sa kilos ng kaibigan.
“Can't wait na kasi sa sasabihin mo Marie.” Masayang sabi ng kaibigan
Nang nasa loob na sila ng bahay ay sa sala silang dumeretso na dalawa. Pinaupo ni Kylie ang kaibigan na parang may something ang tingin niya kay Marinella napapansin ni Kylie na lalong nagba-blush si Marinella.
Hanggang sa tinawag ni Kylie ang kanyang kasambahay inutusan niya ito na bigyan sila ng meryenda ng kaibigan.
‘‘Magsalita ka na please.” Pakiusap ni Kylie hindi na kasi ito makapaghintay.
Huminga ng malalim si Marinella at inalis niya ang kanyang makapal na antipara nilagay niya ito sa ibabaw ng mesa.
“Marinella kanina pa ako naghihintay sa sasabihin mo, ano ba talaga ang nangyari?” tanong ni Kylie.
Marinella sighed at masama niyang pinukol ang mata sa kaibigan. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Kaylie sa titig ni Marinella. Kilala ni Kylie ang kaibigan kapag badtrip ito dahil hindi na madrawing ang mukha ni Marinella.
Tinali muna ni Marinella ang mahaba niyang kulot na buhok bago siya nag umpisa na magsalita. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaalam-alam si Kylie sa nangyari kanina sa restaurant hindi pa siguro ito nag online sa kanyang social media account.
Tiningnan ni Marinella ang kanyang kaibigan. Hinilot ni Marinella ang kanyang sendtido hanggang sa nagsalita na siya.
“What? Ano in tagalog? Kasing edad ng Lolo mo si Bandolf? Napa-tayo sa gulat si Kylie sa mga sinabi ni Marinella hindi rin siya makapaniwala.
‘‘Scam ang matandang lalaki na'yun Kylie uso pa naman ngayon ang internet na scam lover. Oh God na scam tayo sa kalokohan mo. Muntik na talaga ako sa kalokohan mo Kaylie.” Tinapon ni Marinella ang unan sa kaibigan.
“Sorry na isa pa blind date diba at hindi natin alam kung sino ang tao na maka-date natin. Ikaw naman ang may gusto na hanap kita ng ka date mo at gusto mo lang makakuha ng sperm dahil gusto mong magpabuntis. Eh ayaw mo naman kay Narex o baka si Sandro talaga para ang para sa'yo.” Tudyo ni Kylie.
Hindi naman masisi ni Marinella ang kaibigan dahil sumang-ayon siya. Kiniliti ni Kaylie ang tagiliran ni Marinella hanggang sa nagtatawanan silang dalawa.
“Isipin na lang kung natin paano tayo mapalapit kay Sandro. Don't worry this time hindi na palpak at matanda ang ipapa-date ko sa'yo kundi si Sandro na mark my words darling.” Suggestion ni Kaylie kinindatan ang kaibigan.
“Alam mo naman ang situation ko diba?” biglang na lungkot ang boses ni Marinella.
“Marinella may solution ang problema mo ang Tito Noel mo nayan at ang tita mo tatadyakan natin yan sila palabas ng mansyon mo lalo na ang Aljur na'yun ako mismo ang sisipa sa kanya palabas.” Matapang na sabi ni Kaylie sa kaibigan.
Kung Hindi lang talaga kinakailangan na gawin niya ang nakasulat sa testament ay hindi niya sasayangin ang oras niya. Pero iniisip din ni Marinella na paano kung hindi na niya sundin ang habilin ng kanyang Julio ay baka ang Tito niya ang makinabang sa lahat ng mga pinaghirapan ng kanyang Lolo.
“Change topic masyadong madrama tayong dalawa. Hulaan mo after kung umurong ako sa matanda na'yun at sino ang na kasama ko." Tila kinikilig ang boses ni Marinella at tinaasan siya ng kilay ni Kylie.
“Hindi ako manghuhula Marie.” Mataray na sagot ng kanyang kaibigan.
Tumayo si Marinella nilapitan ang kanyang kaibigan. Kinuha ni Marinella ang kanang kamay ng kaibigan at nilagay niya ito sa kanyang dibdib namilog ang mata ni Kylie sa gulat sobrang lakas ng t***k ng puso ni Marinella.
“Marinella puso mo ba ito?” tanong ng kaibigan.
“Hindi puso ng kapitbahay ko.” Biro ni Marinella. Kinurot ni Kylie ang tagiliran ni Marinella.
“May gusto ka bang sabihin dahil hindi naman ganito kalakas ang t***k ng puso mo?” tanong ng kaibigan.
“Si Sandro ang kasama ko kanina at dinala pa niya ako sa kanyang apartment at siya rin ang naghatid sa akin dito.” Sagot ni Marinella.” Diretsang saad ni Marinella. Hindi maka paniwa si Kylie sa narinig sa kaibigan.
“Marinella baka nag de-daydreaming ka o baka naman may nahulog na bato sa ulo mo o may nakain ka na kakaiba kanina ko lang sinabi tungkol kay Sandro tapos ikaw pala ang may magandang balita.” Umiling-iling si Kylie at hindi pa rin ito naniniwala sa kwento ng kaibigan.
“Nagsasabi ako ng totoo kung ayaw mong maniwala e-di ‘wag. Para maniwala ka buksan mo social media mo,” Utos ni Marinella.
“Heto na bubuksan ko na,” sagot ni Kylie at nagmamadali siyang buksan ang cellphone. pagbukas niya sa kanyang social media account ay tila na shock ito at napaawang ang kanyang labi.
She's shook her head halos mahilo na siya sa kakailing ng kanyang ulo ang mga mata ay sa hawak na phone.
“Marinella, Marinella ikaw nga ito how come? Nagsasabi ka nga ng totoo. Oh my gosh hinalikan ka nga ni Sandro. Ikaw ba talaga ang babae na kahalikan ni Sandro? Seryosong tanong ni Kaylie.
“Bakit sino pa ba ang maliban sa akin na ganyan ang fashion na manamit?” instead na sumagot si Kylie tumawa ito ng malakas sa sobrang kilig.
“Marinella! Masarap bang humalik si Sandro anong lasa ng kanyang laway? Malambot ba ang labi niya mabango ba ang kanyang hininga?” Sunud-sunod na tanong ni Kylie sa kaibigan.
“Hindi ko alam,” sagot ni Marinella
“Anong hindi mo alam eh dumikit ang labi niya sa labi mo. Naku Marinella baka mabuntis ka ng halikan nyo ni Sandro. Sana all girl sana all nahalikan ni Sandro. Ang swerte mo babae ka.” Kinikilig na sabi ni Kaylie tumawa lang si Marinella.
Tila pati si Kylie ay feeling niya ay naka kissing scene niya rin si Sandro sa sobrang saya. Pinatayo niya si Marinella at sumayaw-sayaw sila.
“Mula ngayon babaguhin natin ang outlook mo.”Sabi sa kaibigan at tinulak siya ni Marinella.
“Ayoko hindi ayoko huwag mong galawin ang style ko. Isa pa ginawa lang yun na halikan ako ni Sandro para makaiwas siya sa mga media.” Sagot ni Marinella at kinuha niya ang kanyang makapal na antipara sa ibabaw ng mesa.
"Malay mo magayuma ng labi mo ang labi ni Sandro at hanap-hanapin niya ang virgin na labi mo. Hindi mo pa nasasagot ang mga tanong ko di porket natikman mo ang labi ni poging Sandro ay ayaw mo ng e share da akin.” Nagtatampo ang boses ni Kylie. Umiling-iling lang si Marinella dahil kukulitin naman siya ng kanyang kaibigan.
Samantala si Sandro pagdating niya sa harapan ng malaking gate ng mansion nila ay may mga media na hinaharangan ng kanilang mga tauhan.
Mabilis na binuksan ng guard ang gate para makapasok ang sasakyan ni Sandro.
“Logan calm down hintayin mo muna natin magpaliwanag ang anak natin.” Sabi ng ina ni Sandro sa asawa.
“Monette, hindi pa ba titigil ang anak mo kung sino-sinong babae ang pinapatulan!” sigaw ng ama ni Sandro.
Pagbukas ni Sandro sa sa pintuan ng mansyon nila ay nadatnan niyang nagtatalo ang kanyang magulang.
Tinapon ng ama ni Sandro ang hawak na mga litrato ni Sandro na may kahalikan na babae.
Sa daming babae sa buhay ni Sandro sa isang babaeng saan nanggaling wala na ba siyang pinipili!” galit na sigaw ng ama ni Sandro.
“Dad!" sigaw ni Sandro.