Chapter 4
THIRD PERSON POV
“Kumain ka muna hija,” sabi ng may edad na babae kay Marinella,” nakangiting tumango si Marinella sa babae Hawak-hawak pa rin ni Marinella ang kanyang labi kung saan siya hinalikan ni Sandro. Hindi pa naman gutom si Marinella pero nahihiya siya tumanggi sa babae.
Malalim siyang bumuntong hininga hanggang sa nilagyan na niya ng konting pagkain ang kanyang plato. Hindi kasi siya hinayaan ni Sandro si Marinela na umuwi lalo na nasa harap ng apartment niya ang ibang media.
Samantala si Sandro ay umakyat siya sa taas at pumasok sa loob ng kanyang kwarto at tinawagan niya ang isa sa kanyang kaibigan. Pagkatapos niyang kausapin ang kanyang kaibigan na si Ethan ay mabilis niyang dinayal ang number ay kanyang kanang kamay na si Fareed.
“Hello Fareed please gumawa ka ng paraan na umalis na ang mga media sa d'yan.” Utos ni Sandro.
“Yes Sandro huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kanila." Saad ni Fareed sa kanyang boss.
‘‘Thank you Fareed." Pasalamat niya kay Fareed.
Ilang sandali ay pumasok na ng banyo si Sandro para maligo dahil may birthday party siyang dadaluhan. Nawala tuloy sa isip niya si Marinela na sa baba ilang minuto rin si Sandro sa loob ng banyo.
Habang naliligo si Sandro ay natapos na rin kumain si Marinella. Tumayo siya para ligpitin niya ang kanyang pinagkainan ay bahagya siyang napalingon likod niya ng marinig niya ang boses ng babae na si Yaya Lorita.
“Hija trabaho ko iyan at bisita ka ni Sandro.” Hindi na tuloy ni Marinella ang gagawin ng kunin sa kanya ni manang Lotita hawak ni Marinella ang hawak niya na plato.
“Yaya Lorita hayaan na nyo po ako na tulungan ko po kayo.” Magalang na sabi ni Marinella.
Hindi na rin nagprotesta si Manang Lorita sa dalaga. Nakatingin si manang sa suot ni Marinella dahil pakiramdam niya ay nasasasakal sa damit ng dalaga. Mabuti na lang ay may air conditioner kung wala siguro ay siya himatayin sa init sa suot ni Marinela.
“Matagal na ba kayong magkaibigan ng alaga ko hija dahil ngayon lang kita nakita?” tanong ni Manang.
‘’Po, umm opo…” tila nagulat si Marinella at nauutal hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot sa tanong sa kanya ni Manang.
Nakagat ni Marinella ang ibabang labi. Nakahinga siya na maluwag ng marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Hanggang sa sinabihan siya ni manang na tingnan niya ang kanyang cellphone.
Nilagay ni Marinella ang hawak niyang plato sa loob ng sink. Paglabas ni Marinella ay hinahanap ng mata niya bag niya. Nang makita niya ay mabilis niyang binuksan at kinuha niya ang kanyang phone.
Ang kanyang kaibigan na si Kylie ang bumungad sa screen ng kanyang cellphone.
“Marinella kanina pa kitang tinatawagan at naka sampung libong message na ako sa'yo. Nasaan ka ba ngayon at bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” kumabog tuloy dibdib ni Marinella sa lakas ng boses ng kanyang kaibigan sa linya.
Nagdadalawang isip si Marinella kung sasabihin ba niya sa kanyang kaibigan na nasa apartment siya ni Sandro.
“Marinella!” sigaw ng kaibigan sa linya.
“Ano kasi Kylie nandito ako sa a…’’ Hindi natuloy ni Marinela ang sasabihin ng makita niyang pababa ng hagdanan si Sandro na bagong bihis at bagong ligo. Napaawang ang labi ni Marinella tila na estatwa siya sa kinatatayuan niya at nabitawan niya ang kanyang cellphone.
“Anong klaseng nilalang ito bakit ba ang gwapo niya! Tao pa ba ito o hindi?” tanong ni Marinella sa sarili.
Ang lakas ng dagundong ng kanyang dibdib. Sino ba kasi ang hindi kabugin ang dibdib kung isang Sandro Sander ang masisisilayan ng kanyang mata. Wala na yatang maipintas na hindi maganda sa binata sa taglay nitong kaakit-akit na kagwapuhan. Napapikit ng mga mata si Marinella ng pumasok sa loob ng kanyang ilong ang masculine scent ng binata.
“Miss,” sambit ni Sandro sa dalaga. Natapik ni Sandro ang kanyang noo ng makita niya ang dalaga na natulala ang mata ay nakapako sa kanya.
“Sandro,”mahinang sambit ni Marinella.
Huminga ng malalim ang dalaga. Her lips form into an O shape.
Tiningnan siya ni Sandro lalo tuloy na hindi mapakali ang dalaga.
“I'm sorry nakalimutan ko na dinala pala kita dito sa apartment ko.” Paumanhin ni Sandro sa dalaga pero umiling-iling ng lihim si Sandro.
“Okay lang po Sandro.” Kunot ang noo ni Sandro ng e-opo siya ni Marinella.
“Yaya aalis na kami I'm not sure kung uuwi ako mamayang gabi dahil birthday ng kaibigan ko.” Sabi ni Sandro sa kanyang Yaya.
“Okay hijo kung sakali na uuwi ka rin mamayang gabi pakiusap Sandro huwag kanang magdadala ng babae mo dito sa apartment mo.” Gumalaw ang sulok ng labi ni Marinella s narinig tila nag-iba ang t***k ng kanyang puso ng hindi niya maintindihan.
“Yaya don't worry hindi na maulit.”
“Siguraduhin mo lang Sandro dahil ako na naman ang seisirmunan ng papa at mama mo.” Panigurado ni ng kanyang yaya.
Nilingon ni Sandro si Marinella na nakayuko tila nagbago ang itsura ng dalaga. Yumuko si Marinella at inaayos niya ang mahaba niyang kulot na buhok at ang suot na makapal na antipara.
“Miss ano na nga ba ang pangalan mo?” nagulat si Marinella ng bahagya siyang tanungin ni Sandro ng kanyang pangalan.
Kahit si Yaya Lorita ay nagulat nagkatinginan sa mata sa mata si Marinella at Sandro.
“Ano ka ba Sandro nagbibiro ka ba pati pangalan ko nakalimutan mo. Sa dami na kasi ng babae mo pati ako na kaibigan mo ay nakalimutan mo” Sabi ni Marinella ar
at hinampas niya ang braso ni Sandro parang totoo na sila na magkaibigan.
“Oh yeah, I'm sorry Marinella binibiro lang kita.” Saad ni Sandro nagtataka si Marinella kung nagbibiro ba ang binata o baka totoo nga nakalimutan agad ni Sandro ang kanyang pangalan.
“Sandro hindi kapanalalahiyan ay nagiging makakalimutin kana. Oh siya hija dalasan mo ang pagbisita mo dito.” Nakangiting sabi ni Yaya Lorita kay Marinella at tipid lang na ngumiti si Marinella. Sandro sighs.
Hanggang sa nagpaalam na silang dalawa pinulot ni Marinella ang kayang phone at nagmamadali siyang sumunod sa binata. Nang nasa harapan na sila ng elevator ay naapakan ni Marinella ang kanyang mahabang palda at muntik na siyang madapa.
Mabuti nalang sa malapad at matigas na likod siya ni Sandro napasubsub. kung hindi sa malaking salamin ng elevator sumalpok ang mukha ni Marinella. Minsan kasi may pagka-slow ang dalaga.
“Sorry hindi ko sinasadya.” Paumanhin ni Marinella at pinulot niya ang kanyang antipara. Nilingon siya ni Sandro.
“It's fine, be careful next time.” Saad sa kanya ni Sandro tumango lang si Marinella at pumasok na sila sa elevator.
“Ibigay mo ang address mo para ihatid muna kita.” Muling sabi ni Sandro.
Agad naman ito binigay ni Marinella ang address pero ang address ng kanyang kaibigan ang binigay ni Marinella.
“Marinella sure ka ba na ka date mo ang matandang lalaki na'yun? Kilala ko ang lalaki na'yun.” Inangat ni Marinella ang ulo niya kay Sabridro.
“Opo,” magalang na sagot ni Marinella.
“Fückéd!” malutong na mura ni Sandro.
Nahawakan ni Marinella ang kanyang dibdib sa gulat.
“Galit po ba kayo?” tanong ni Marinella.
“Fückéd!" mura ulit ni Sandro.
"Bakit po kayo nagmumura Sandro?” Malalim na huminga si Sandro pakiramdam ni Marinella ang hihigupin na siya ng mainit na hininga ni Sandro.
Tumaas ang mapulang sulok ng labi ni Sandro at naghihintay ng sagot si Marinella.
“Damn!” umurong na lang si Marinella dahil parang nag-iba ang ihip ng hangin ng binata.
“Pasensya na po.” Sandro sighs.
“Lady stop calling me po at opo kung ayaw mong hahalikan ka dito sa loob ng elevator.” Napaawang ang labi ni Marinella at namilog ang dalawang niyang mata.
Paglingon niya sa dalaga ay mabilis nag zipper mouth si Marinella at tinitigan siya ni Sandro sa mata. Kahit medyo makapal ang antipara ni Marinella at napansin ni Sandro ang magandang kulay ng mata ni Marinella na kulay hazelnut.
Tinitigan siya ni Sandro at hinawakan ni Marinella ang gilid ng kanyang labi. Baka kasi may dumi ito dahil naka-pukol ang mga mata ni Sandro sa kanya
Sa totoo lang ay kinabahan din si Marinella ng bantahan siya ni Sandro na hahalikan siya nito. Hindi pa nga siya maka-move on ng halikan siya ni Sandro kanina.
Tumahimik din si Marinella at naisip niya baka allergy si Sandro kapag ginagalang siya. Sa buong buhay ni Marinella ngayon lang siya naka-encounter ng nilalang na nagmumura kapag nakarinig ng opo at po.
Pagbukas ng elevator si Sandro ang unang lumabas.
“Good afternoon Mr. Sander.” Bati ng mga tao kay Sandro at iba ay nakatingin sila kay Marinella. Kahit sino ay mapatingin sa ayos ni Marinella na panahon pa ng sinaunang panahon manamit.
“Bagong alalay ba ni Sandro ang nerd na yan?”
“Hmm siguro baka yan ang kapalit sa isa niyang katulong mahirap kung maganda at sexy ang maging katulong ni Sandro ay baka akitin lang niya si alam mo na ang mangyari hindi naman siguro bulag si Sandro na patulan ang isang manang na nerd. ”Nakaramdam ng inis si Marinella sa dalawang babaeng nag-uusap.
Isa pa ayaw ni Marinella gumawa ng eskandalo ayaw na niyang dagdagan pa ang nangyari kanina nila ni Sandro sa restaurant.
Hanggang sa lumabas na sila ni Sandro. Sa entrance pa lang sila ay nagsipag-labasan ang media na nagtatago para bantayan nilang lumabas si Sandro.
“Oh,shït!” galit na mura ni Sandro. Akala ni Sandro ay wala ng media. Mabilis naman hinirang ng mga tauhan ni Sandro ang mga media at hindi alam ni Marinella ang gagawin.Tinakpan ni Marinella ng sling bag niya ang kanyang mukha.
“Let's go,” sabi ni Sandro at kinuha niya ang isang kamay ni Marinella at hinila niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Agad naman binuksan ni Fareed ang sasakyan.
“Pasok,” utos ni Sandro.
Maliit kasi ang loob ng sasakyan dahil Lamborghini kasi ito. Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay nagtagpo ang mukha nilang at dumikit ang labi ni Sandro sa malambot na labi ng dalaga.
Sa lakas ng t***k ng puso ni Marinella parang hindi ito makahinga. Hanggang sa tinulak ni Marinella ang binata.
“Ano ba ang ginagawa mo. Palabasin mo na lang ako at hayaan bakit kailangan mo pa ako isama eh ikaw naman ang hinahabol nila.” Inis na sabi niya sa binata.
“Palagay mo kapag hahayaan na lumabas ay hindi ka rin nila susundan nagkakamali ka. Isa pa ikaw ang gusto nilang alamin kung sino dahil ako pati yata ang kuko ay alam na nila."
"What, pwede naman natin sabihin na katulong mo ako!”
“Damn lady, hindi na'yan sila maniniwala dahil tayo na ang laman ng social media.” Pinakita ni Sandro ang kanyang cellphone at binuksan niya ito. Lumaki ang mata ni Marinella na makita niya ang video nila ni Sandro na hinalikan siya ni Sandro.
Nahawakan ni Marinella ang dibdib at kumunot ang noo niya. Mabuti na lang hindi nakikita ang mukha niya.
“Sandro ang Mama mo puntahan mo daw siya ngayon sa bahay at ang papa mo gusto ka nilang makausap tungkol sa isyu na'to.” Sabi ni Fareed.
“Paandarin mo ang sasakyan at ihatid muna natin si Marinella sa kanila at siguraduhin mo Fareed na hindi tayo masundan!” Madiin na sabi ni Sandro.
“Yes sir!”
Para silang aso't pusa sa loob ng sasakyan na nagtatalo.
"This is all your fault Sandro." Nilingon ni Sandro si Marinella.
"What did you say na ako pa ang may kasalanan! Kung hindi mo ako nilapitan at humingi ng tulong na hawakan ko ang kamay mo hindi sana ito mangyayari sa atin." Madiin na sabi ni Sandro.
"Aba, aba ako pa talaga ang sinisi mo. Kung hindi mo ako hinalikan at dinala sa apartment mo eh malaya sana ako ngayon at hindi hahabulin ng mga media.
"Come on lady. Baka ang matandang manyak na lalaki na'yun ang gusto mong humabol sa'yo. " Napaawang ang labi ni Marinella.
"Manyak ba ang mokong na'yun?" tanong ni Marinella tumawa lang si Sandro gusto na niyang inisin ang dalaga.
Lahat ng babae na nakilala niya ay hindi ito nskikipagtalo kundi inaakit siya.
"Yes, please zip your mouth ayokong makarinig ng anong ingay may kakausapin ako sa phone." Utos ni Sandro.
Gwapo sana kaso ang sungit, gusto pa naman sana ikaw ang bubuntis sa akin." Kausap ni Marinella ang sarili.
"May sinasabi ka ba?" Taas balikat lang ginawa ni Marinella.
"Kinakausap kita,"
"Sabi mo -zipper ko bibig ko.''
"Pero tinatanong kita." tanong ni Sandro.
"Bingi ka ba zipper mouth nga ako ang kulit mo. Si Bingi at si Pipi tayo ngayon." Saad ni Marinella." Umigting ang panga ni Sandro.