Chapter 3

2241 Words
Third Person Tatlong araw ang nakalipas, pakiramdam ni Marinella ay mas lalong nag-iba ang pakikitungo sa kan'ya ng kanyang Tita Nova. Lagi rin itong wala sa mansyon parang anak na rin niya na si Aljur. Minsan Kung sino-sinong babaeng dinadala ni Aljur sa mansion. Gusto man sitahin ni Marinella si Aljur ay hinahayaan na lang niya parang walang gulo. Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa Viola Company na si Marinella. Masaya siyang pumasok hanggang sa dumating siya sa sariling opisina ng kanyang Tito Samy. Nakita rin niya ang Tito Noel isang tipid na ngiti ang tinapon ng kanyang Tito. "Magandang umaga Tito Samy," bati ni Marinella sa kanyang Tito na busy ito sa mga papeles na hawak. "Good morning too hija, how's your morning going?" he asked her. "Great, Tito." Masiglang sagot niya sa kanyang Tito. Sinabi ng kanyang Tito na ang maging opisina niya soon ay ang opisina ng kanyang Lolo. "Tito, si Tito Noel hindi po ba siya galit na sa akin ang opisina ni Lolo?" medyo takot na boses ni Marinella. "Doesn't matter hija, kung magalit siya isa pa ikaw naman ang masusunod dito sa kumpanya. In a while anak ay darating ang sasama sa'yo bisitahin ang mga bakahan sa Batangas be ready." Sabi sa kan'ya ng kanyang Tito. Nang dumating ang dalawang lalaki at isang babaeng may edad ay agad nila pinakilala ang kanilang sarili. Hindi akalain ng mga ito na dalaga pala ang nag-iisang apo ng Julio Viola. Hindi kasi nagpapakilala si Marinella ayaw kasi niya nakikilala sa siya gusto kasi niya ay private ang kanyang buhay. Pagkalipas ng ilang oras inikot nila ang pagawaan ng mga cheese factory at iba pa. Nag- enjoy naman si Marinella sa mga trabahador. Nagpasalamat siya sa mga trabahador dahil sinalubong sila nito ng maayos. Hanggang sa may nakita siyang matandang babae nilapitan niya ito at kinausap ang babae. "Magandang hapon po ale," magalang na bati niya sa matanda. "Magandang hapon din hija," saad ng babae at tinulungan ni Marinella ng makita niya babaeng nahihirapan tumayo. "Ale bakit nandito po kayo sa init ng araw, dapat po ay nagpapahinga po kayo?" Pag-alala na tanong ni Marinella sa babae. Sasagot sana ang matanda ay biglang may batang babae na tumawag sa kan'ya. Nang makita niya ang babae mabilis na lumapit sa kinatatayuan niya narinig pa ni Marinella na nangangailangan ng pera ang babae dahil nasa hospital ang kapatid. Nang mapansin ni Marinella na nalilito ang may edad na babae ay tinanong niya ito at kinausap. Nahihiya sana ang babae na sabihin ang kanilang problema ay makulit si Marinella. Napaluha siya ng sabihin ng babae ang ang problema nila. Sensitive and sincere kasi siya, nagulat ang dalawang babae na abutan sila ni Marinella ng ten thousand pesos. Akala ng dalawang babae ay isang bagong trabahador si Marinella dahil sa suot nito na napaka-simple. Ayaw sana nilang tanggapin ang pera ay nilagay ni Marinella sa bag ng babae ang pera. "Maraming salamat po ma'am," naiiyak na pasasalamat nila kay Marinella at niyakap niya ang dalawang babae. Ito isa sa mga gusto ni Marinella na makatulong sa mga mahihirap na tao. Lalo kapag nakikita niya ang isang ina na nagsasakripisyo para sa mga anak nila. Hindi man niya naranasan magkaroon ng ina pero kahit sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa ay nakaramdam siya ng saya sa kanyang puso. Apat na araw mula ng bumisita siya sa cheese factory nila sa Batangas. Hindi rin siya umuwi sa mansyon nila, pansamantala muna siya sa kanyang sariling penthouse tumutuloy. Paglabas niya ng kanyang unit ay hinila siya ni Kylie pasakay sa kanyang yellow na Lamborghini. "Marinella, don't tell me na nakalimutan mo ngayong araw ang date mo?" tanong ni Kylie sa kan'ya. "Hala! Ngayon ba akala ko kasi next week pa e. Teka alam mo ba ang buong information ng lalake baka isang adik iyan?" umiling-iling si Kylie at pinakita niya sa kanyang kaibigan ang picture ng lalake. Hindi masyadong clear ang mukha ng lalaki. Hanggang sa ipinaliwanag ni Kylie ang gagawin ni Marinella. Sinabi din niya ang table at suot ng lalake si Mr. Bandolf Emper ang pangalan ng lalaki. Malalaman lang daw niya ang kanyang edad kapag maka-face to face niya ang lalaki. Ilang sandali ay nasa malaking restaurant na sila binaba siya ni Kylie sa harap ng restaurant dito sa Makati. Nag-best of luck nalang si Kylie sa kan'ya dahil kahit sasabihin sa kan'ya ng kaibigan na baguhin ang kanyang look ay hindi nakikinig si Marinella. Nang nasa restaurant na si Marinella ay parang gusto na niyang umurong. Kung hindi niya magugustuhan ang lalaki ay free to backout naman. Tinanong niya ang receptionist ng makita siya ng babae kumunot ang noo ng babae. Hindi kasi siya makapaniwala na isang tulad ni Marinella na manang manamit ay afford niya ang restaurant na'to. "Ms. baka hindi po rito ang lugar na papasukan nyo." Maarteng sabi ng receptionist. Hindi nakinig si Marinella sa babae dahil alam na niya ang iniisip ng receptionist. "Table number 16 Mr. Bandolf Emper nagpa-reservation," sabi niya sa receptionist. Gusto sana niyang sitahin ang receptionist ay pinigilan niya ang kanyang sarili. Nakita rin niya ang dalawang babae nagbubulungan. Ginawa ni Merinella ay tinungo niya ang table number 16. Habang naglalakad siya ay tinitingnan siya ng mga tao sa dahil halos ng mga tao ay napaka-classy ng mga suot. Nang makita ni Marinella ang lalaking makaka-date niya ay hindi siya mapakali. Napaawang ang kanyang labi at muntik ng mahulog ang kanyang dalawang mata na kulay hazelnut. Napatakip siya ng bibig ng makita ang lalaki na nasa 70 years old na'to. Pakiramdam niya ang nanlalamig ang kanyang buong katawan at nanginginig din ang kanyang tuhod. Hindi siya makapaniwala na ang ipapa-date sa kan'ya ni Kaylie ay kasing edad pa ng kanyang Lolo. She's trying to call her friend number, pero naka-off ang number ng kaibigan. Kinusot ni Marinella ang dalawang mata, she makes sure na hindi nahulog ang mata niya sa kakatitig sa matandang lalaki. Hindi niya itinuloy ang paghakbang dahil hindi niya kayang e-date ang matandang lalaki. Baka isipin ng mga tao sa kan'ya ay naghahanap siya ng apat na M. She roll her eyes, nakita niyang may bakanteng upuan. Umupo siya at tinawagan niya ulit ang kaibigan naka-off pa rin ito. Nang hindi masagot ng kaibigan ay nagpadala siya ng voice messages. Kung anu-ano na ang sinasabi niya sa voice message. Akala ni Marinella ay ay wala siyang kasama sa table. Ang mata niya ay sa lalaking matanda. Gusto man niyang lapitan at e make sure na siya ba si Bandolf Emper pero hindi niya kayang igalaw ang kanyang paa. Hindi niya namalayan na kinuha niya ang basong may lamang alak. Parang tubig niya itong ininom pinawisan kasi siya akala niya kasing edad niya ang lalaki. Walang tigil si Marinella sa kakadaldal sa voice message. Kung anu-ano na ang pinagsasabi sa voice message pati ang tuksuhan nila ni Kylie ay sinabi na. Hanggang sa ng maubos niya ang iniinom ay kinuha niya rin ang isang baso na may lamang tubig. Muntik na siyang mabulunan kung sino ang lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Halos nahulog na ang kanyang puso sa lakas ng t***k nito tila hinahabol ng hindi niya alam kung ano. Kung nakakamatay lang ang mata ng lalaki ay kanina pa siyang nahimatay. Bahagyang tumikhim ang lalaki mas lalong kinabahan si Marinella. Hindi siya comfortable sa kanyang sarili. Gusto sana niyang alisin ang kanyang makapal na antipara para make sure niya kung sino ang kaharap kinurot niya ang kanyang kamay napa-aray siya sa ginawa niya sa kanyang sarili. "Hey woman! Are you done?" mas hindi mapakali si Merinella sa tanong ng lalaki. "Sandro Sander, huwag mo nga akong titigan ng ganyan baka himatayin ako ng wala sa oras gusto ko pang magka-baby," mahinang sabi ni Marinella at kumunot ang noo ng lalaki. "How did you know me?" tanong ni Sandro sa kan'ya ang mata niya ay kay Marinella. "Nakita mo ba ang matandang lalaki na'yun siya sana ang ka-date ko ngayon." Tumawa ng malakas si Sandro sa dalaga. "Date?" gulat na tanong niya sa dalaga. Ngumuso naman si Marinella sa tanong ng binata. Nang mapansin ni Marinella na nakilala siya ng lalaking nasa kabilang table ay agad siyang yumuko at walang paalam na hinawakan ang dalawang kamay ng binata. Nagtataka naman si Sandro sa kilos ng dalaga hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan ng babae. Pero kung kausapin siya ng dalaga ay feeling close na ito sa kan'ya. "Please pwede sabayan mo muna ako Mr. Sander pakihamas naman po ang kamay ko." Pakiusap niya sa binata. "Hindi ba siya ang ka-date mo bakit hindi mo puntahan," saad ni Sandro sa kan'ya. "Akala ko kasi ka-edad ko ang ipapa-date sa'kin ng kaibigan ko. Kasing edad lang kasi ng Lolo ko e," inosenteng sagot niya. Umiling-iling ang binata at kinikilatis niya ang dalaga. Natatawa siya ng lihim sa lakas ng loob ng babae hindi niya na pigilan ang sarili na sabihin sa dalaga na sure ba siya ang ka-date ng lalaki sa kabilang table. Familiar kasi kay Sandro ang lalaki isa ito sa businessman. Ang sa isip ni Sandro ay baka kailangan ng dalaga ng pera. Natawa rin siya sa suot ng dalaga na sinaunang panahon. Tanging sa movie on o drama lang niya nakikita ng ganitong suot hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay may ganitong babae na nasa old generation ang lasa sa pananamit. Nang tumunog ang cellphone ni Sadro ay sinagot niya agad ang kanyang cellphone dahil ang kanyang driver ang nasa linya sinabihan niya ito na may mga media sa loob ng restaurant. Pagkatapos niyang kausapin ang kanyang driver ay lumingon siya tama nga ang sabi ng kanyang driver. Dahan-dahan niyang pinatayo ang dalaga sa harapan niya nagtaka naman si Marinella sa biglang kilos ng binata. Nang mapansin ni Sandro na kinukuhanan siya ng video at picture ay walang paalam na hinalikan niya sa labi ang dalaga. Sa gulat ni Marinella ay hindi niya alam ang gagawin. Lumaki ang kanyang mga mata ng hapitin ni Sandro ang kanyang baywang at mas diniin ng binata ang paghalik sa dalaga. Magprotesta sana si Marinella ay hindi siya makapagsalita dahil halos sakupin ni Sandro ang kanyang labi. "Don't move please, sabayan mo na lang ang halik ko sa'yo. Then I will help you," bulong niya sa punong-tenga ng dalaga. Nang ibuka ni Marinella ang kanyang bibig para iwasan ang paghalik sa kan'ya ni Sandro ay agad na sinalubong ng binata ang mapupulang labi ng dalaga. Sinubukan itulak ng dalaga ang binata ay parang pader ang tigas ng dibdib ng binata. Naramdaman ni Sandro na hindi marunong humalik ang dalaga. Sa daming nahalikan ni Sandro na babae ngayon palang siya nakahalik ng inosenteng babae. Nagulat ang binata ng kagatin ni Marinella ang kanyang labi. Tinigil ni Sandro ang paghalik sa dalaga. Pupunasan sana ng dalaga ang kanyang labi ay agad na pinigilan ng binata ang kanyang kamay. Muntik ng mapamura si Marinella ng makitang sunud-sunod ang-flash ng camera sa harapan nila ni Sandro. Tiningnan niya ang binata at cool lang ito at parang wala siyang pakialam sa mga camera. Sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib ay gusto niyang lumayo at tumakbo sa harap ng media na walang tigil na kinukuhanan sila ng litrato. "Baby can we go," matamis na sabi niya kay Marinella. Mr. Sandro sino siya sa buhay mo?" "Mr. Sandro," walang sagot si Sandro sa mga reporter. Hindi talaga maintindihan ng dalaga ang kilos ng binata. Parang isang prinsipe si Sandro ng ilahad niya ang kamay niya sa dalaga. Hindi sana kukunin ni Marinella kamay ng binata ay wala siyang choice dahil nakita niyang tinitigan siya ng lalaki na ka-date sana niya. Nginitian ng dalaga ang binata at parang na starstruck si Sandro ng makita niya ang nakakaakit na ngiti ng dalaga. Ngayon lang siya tinamaan ng killer smile sa buong buhay niya. Natulala siya at napaawang ang ang kanyang labi. Bumalik lang ulirat niya ng sapakin siya ng dalaga. Kung tiningnan sila ng mga reporter ay may relasyon ang dalawa dahil sa kilos na ni Sandro na nakakakilig. Kahit hindi aminin ni Marinella ay kinikilig din siya sa kagwapuhan ni Sandro. Ilang segundo ay lumabas sila ng restaurant at hawak-hawak ni Sandro ang kanyang isang kamay ni Marinella. Sumakay sila sa magarang sasakyan, pagpasok nila sa loob ay nakasunod pa rin sa kanila ang mga reporter. "Sir saan tayo?" tanong ng driver kay Sandro. "Apartment ko sa Pasig," sagot niya sa kanyang driver. "Paano ako, bakit mo ako isasama?" sunod-sunod na tanong ni Marinella. "Much better kailangan muna na'tin makilala ang bawat isa sa atin," muling nilahad ni Sandro ang kamay sa dalaga. Bumuntong hininga muna si Marinella bago siya nakipag-shakehand. "Marinella Viola," pakilala niya. "Nice name Ella, okay lang ba sa'yo na Ella ang itawag ko sa'yo," nakangiting sabi niya sa dalaga. Tumango lang si Marinella. "Sir, huwag muna n'yong ihatid si ma'am Ella sa kanyang bahay. Dahil nasa social media na ang nakunan sa inyo na litrato at video sa loob ng restaurant, kung malaman ito ng Papa mo ay malaking eskandalo. Siguradong hindi nila lulubayan si ma'am Ella." Seryosong sabi ng driver. Nagkatinginan si Marinella at Sandro. Tila kinabahan si Marinella ito 'yung Iniiwasan niya na makilala siya sa social media lalo na hindi siya pina-public ng kanyang Papa at Lolo. Umupo siya ng tuwid at napansin ni Sandro na pinapawisan ang dalaga. "Ella, may problema ba?" mahinahon na tanong ni Sandro sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD