Chapter 2
MARIENELLA
Araw ng Lunes ngayon, tinawagan ako ni Tito Samy na medyo agahan kung pumasok ng opisina. May gusto siyang ituro sa akin sa mga ibang negosyo namin at sa dairy factory. Mula ng nalaman ni Tito ang laman ng testament, na iniwan ni Lolo ay biglang nag-iba ang pakikitungo sa akin ni Tito. Minsan ay lumalambing siya sa akin, minsan naman ay tahimik lang siya sa akin. Pero mabait siya sa akin anak rin ang turing ni Tito sa akin.
As usual sinuot ko ang mahabang palda ko na kulay maroon at itim na top ko na long sleeve. Pagbaba ko sa aking kwarto ay ang demonyo na anak ni Tita Nova sa una niyang asawa. Panira ng araw ko ang lalaki na'to. Kung may hawak lang ako ng bato ay binato ko na si Aljur kung makatingin ay parang adik sa kanto. Walang ginawa kundi mag waldas ng pera ang gago na'to buti kung pera niya at mula sa kanyang bulsa.
"Bakit hindi na lang ako ang patulan mo pinsan kung manang?" kumulo ang dugo ko sa sinabi niya sa akin.
"Kahit wala ng matira na lalaki sa mundo Aljur, hinding-hindi kita papatulan. Tandaan mo iyan sa kokote mo. Never in my life na isang katulad mo na batugan maging ama ng anak ko. Kahit ganito ako manamit ay may lasa pa naman ako pagdating sa lalaki." Matapang na sabi sa kan'ya.
Kumunot ang kanyang noo sa akin. Hindi niya matanggap ang mga sinabi ko sa kan'ya. Sasampalin niya sana ako ay mabilis kung nasalo ang kanyang kamay.
"How dare you tell me that!" madiin niyang sabi sa akin.
"Kung ayaw mong makakarinig ng nakakabasag ng iyong tainga mo ay wash your mouth. Isa pa Aljur this is the last time na makita kung tinataasan mo ako ng kamay. Baka sa susunod na araw ay sa labas ka ng matutulog." Saad ko at banta ko sa kan'ya kahit na nanginginig na ang dalawang tuhod ko.
Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Nang marinig kami ng kanyang ina na nag-aaway sa living room ay mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan namin ni Aljur.
"Anong nangyayari dito? tanong ni Tita Nova. Tiningnan ko lang siya na nakatayo sa harapan namin ni Aljur.
Hindi ko siya sinagot at tinalikuran ko sila ng kanyang anak. Alam ko atat na atat na kasi si Aljur na pirmahan ko ang share ni Lolo sa kanila na pera.
Kahit anong tapang ko sa harap nila ay mahina pa rin akong minsan. Malaking hakbang akong lumabas ng mansyon. Mabuti nalang na naka-park na agad ni Manong Saldi ang sarili kung sasakyan sa labas ng gate. Pumasok ako sa sasakyan at mabilis kung pinaandar ang manibela ng aking sasakyan.
Habang nagmamaneho ako ay inilabas ko ang lahat ng luha ko na kanina ko pang gustong ilabas. Walang tigil ang bagsak ng mga masasagana kung luha sa aking pisngi. Bigla kung tinigil ang pagmamaneho at tinawagan ko si Tito Samy na sinabihan ko siya na ma-late ako ng dalawang oras at pumayag naman siya sa gusto ko.
Pumunta ako hidden house ni Papa at Mama. Kung nalulungkot ako at namimiss ko sila Mama at Papa ay dito ako nagpapalipas ng oras. Si Lolo Simon ang nagsabi sa akin tungkol sa hidden house ng mga magulang ko. Pagdating ko sa hidden ay pumasok agad ako. Kinuha ko ang malaking frame na may litrato si Mama na pinagbubuntis niya ako.
Niyakap ko ang litrato ni Mama at kinakausap ko ito. Sa litrato ko lang nakilala si Mama. Maraming nagsasabi na para kaming pinagbiyak ng bunga ng bayabas. Ang pagkakaiba lang namin ni Mama ay sa pananamit. Sabi ni Yaya ay napaka-fashionista ni Mama.
"Mama," naiiyak na sabi ko sa picture frame ni Mama habang yakap-yakap ko ito.
Umiyak ako na parang bata. Yes, mayaman ako. Nakakaya kung bilhin ang nais ko sa aking buhay. Pero iba pa rin kung may magulang ka na masasandalan. Nakakasama na'tin at nakakausap kung may mga bagay tayong gustong sabihin at may mga hinaing tayo na ipalabas sa ating sarili.
"Mama marami sana akong gustong sabihin sa'yo, Ma. Kung pwede lang Mama hindi n'yo ako iniwan agad ni Papa. Ano kaya Mama ang pakiramdam ng kayakap ang isang ina Ma? Siguro Mama ang lambot ng iyong mga kamay at buhok. I'm sure na maganda rin po ang boses niyo po sa real life. Kasi kahit sa voice record ay nakakaakit po ang tono ng iyong pananalita." Kausap ko ang litrato ni Mama.
Hindi mapigilan na bumuhos ulit ang mga luha ko. Hanggang sa humiga ako sa malambot na kama at niyakap ko ang litrato ni Papa at Mama. Dahan-dahan kung ipinikit ang dalawang mata ko habang umiiyak ako.
Kung hindi pa tumunog ng ilang beses ang cellphone ko ay hindi ako magising. Hindi ko rin kasi namalayan na nakatulugan ang pag-iyak habang yakap-yakap ko ang both picture ng parents ko. Bumangon ako at inayos ko ang sarili ko bago ako pupunta ng Viola Company.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa kumpanya na ako ni Lolo. Kahit sa ibang bansa ay nakikilala ang mga negosyo ni Daddy at Lolo. Isa sila sa mga kilalang businessman sa Pilipinas at sa ibang bansa.
"Good afternoon, ma'am Marinella." Nakangiting pagbati ng mga empleyado sa akin.
I smile at them. Ang iba ay pekeng ngiti ang ginawa nila sa akin at taas baba pa akong tinitingnan ng iba, I ignore them all. Dumiretso ako sa vip na elevator. Pagbukas ng elevator ay pumasok ako agad sa loob. I press the button kung saan ang floor ng opisina ni Tito.
Nang marating ko ang floor ng opisina ni Tito ay sinalubong agad ako ng kanyang sekretarya na si Agatha. Sinabihan niya ako na nasa conference room pa ang kanyang Tito. Nginitian ko siya nagulat ako ng bigla niya akong sinabihan na huwag daw ako pumasok sa loob ng sariling opisina ni Lolo. Nagtataka ako sa kilos ni Agatha dati ay 'pag dumadalaw ako dito ay allowed ako pumasok sa opisina ni Lolo. But this time ay hindi na.
"Sino ang may sabi sa'yo, Agatha na bawal akong pumasok sa opisina ni Lolo?" tanong ko.
"E- e, kasi ma'am pinaayos po ni Sir Samy." Magalang na sabi sa akin ni Agatha.
I nodded to her, hindi ako pumasok sa master opisina ni Lolo. Sa opisina ni Daddy ako pumasok umupo ako sa swivel chair ni Papa. I decided na ito ang gagawin ko na sarili kung opisina soon. Inabot din ako ng ilang minuto sa paghihintay. Lumabas ako at tiningnan ko kung na tapos na ang meeting ni Tito sa conference room.
"Hi, hija." Bati sa akin ng isa board of director na si Mr. Alabama kasing edad lang siya ni Papa.
"Good afternoon too po," bati ko at nginitian niya ako. May sasabihin sana siya sa akin ay bigla siyang pinigilan ni Tito Samy at hinawakan niya ito sa kanang braso.
Maya-maya ay sumunod na nakita ko si Tito Noel. Nang makita ako ay biglang nag salubong ang kanyang kilay. Alam ko na ayaw niya akong makita rito sa Viola Company. Hinatak ako ni Tito sa Samy sa loob ng kanyang opisina. Pagpasok namin ay agad niya akong pinaupo at tinanong niya ako kung ano ang gusto kung inumin.
"Pangalawang anak na ang turing ko sa'yo hija. Lagi ako concern sa kalagayan mo na lalo na ikaw ang may karapatan sa kumpanya na ito. Habang maaga pa ay sundin mo ang habilin ng Lolo mo. Huwag mong hayaan na ang Tito Noel mo ang hahawak sa kumpanya na'to. Nandito lang ako dahil nangako ako sa Papa mo na until hindi ka pa nakapag-asawa ay priority kita." Biglang tumulo ang luha ko sa mga sinabi ni Tito Samy sa akin.
"Don't worry Tito, actually soon po ang makilala rin n'yo po ang boyfriend ko," tila nagulat si Tito sa sinabi ko.
Hinawakan ni Tito ang noo ko, he smiled at me. Tiningnan niya kung may lagnat ba ako hindi kasi siya makapaniwala na may boyfriend ako. Para naman akong timang bakit iyon ang lumalabas sa bibig ko.
"Kailan pa hija? Bakit hindi nabanggit sa akin ng Ate Maritha mo na may boyfriend kana?" sunod-sunod na tanong ni Tito.
"Kasi Tito bago lang po kasi kami ni Sandro," mabilis kung tinakpan ang bibig ko ng kamay ko.
Napatapik din ako ng noo ko. What the heck? Ano ba itong lumalabas sa bibig ko. Tiningnan ko si Tito na ang mukha ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Nag-peace sign ako sa kan'ya.
"Anak, are you okay?" tanong ni Tito sa akin at mabilis akong tumayo.
"Sige na po Tito, see you around. May lakad pa po kasi ako. If mag-usap kayo ni Ate Maritha say hi to her. Please huwag n'yo munang sabihin na boyfriend ako." I said, hinalikan ko si Tito at mabilis na lumabas sa opisina niya.
Malaking hakbang ang ginawa ko. Wala na rin akong pakialam sa mga mata ng tao na nakatingin sa akin. Soon ako rin naman ang maging CEO ng Viola Company. Ihahatid sana ako ng driver ng kumpanya tumanggi ako sa alok niya sa akin.
Pumasok ako sa aking sasakyan na Beige Mercedes Benz. Hindi pa rin nawawala sa isip ko na bakit sa daming pwede kung banggitin na pangalan ay kay Sandro pa. Habang nagmamaneho ako ay tinawagan ko ang number ng kaibigan ko.
"Kylie, help me." Sabi ko sa kabilang linya.
"Ako naman ang kanang kamay mo. Ano po ang maitutulong ko boss?" pilyong sabi sa akin ni Kylie.
"Iyong pinag-usapan na'tin," I said. Tumawa ng malakas si Kylie sa lakas ng tawa ay nagulat ako. Mabuti na lang at loudspeaker ang gamit ko.
"Tatawagan sana kita para sabihin sa'yo na successful. I found someone, single at macho gwapo artistahin. Mare, be ready next week may maka-date kana, he's willing to meet you. Finally may nahanap din ako blind date sa internet baka siya na ang right man mo. Like what I say to you. Ang next move ikaw na ang bahala." Sabi ni Kylie sa akin. Bago namin binaba ang linya ay nagbeso-beso muna kami.
Biglang tumulo ang luha ko, nag-uusap ang isip at diwa ko kung kaya ko bang isuko ang bataan ko sa lalaking hindi ko kilala. Parang gusto ko ng mag-backout sa plano namin ni Kylie. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote? Pinunasan ko ang luha ko na tumulo at pinagpatuloy ko ang pagmamaneho.
Nang nasa mansyon na ako ay nakita kung may malaking truck na naka-parking sa labas. May mga new furniture din silang binababa at pinasok sa loob ng mansyon. Pinark ko ang sasakyan ko at mabilis akong lumabas. Nakita ko si Tita Nova na sinabihan niya ang labor na na ingatan niya ang bitbit.
"Tita what's going on?" tanong ko.
"Mga luma na kasi ang ibang gamit kailangan na na'tin palitan ang mga ito," she said.
Iniwan ko siya at pumasok ako sa loob ng mansyon. Namula ang magkabilang pisngi ko ng makita kung bukas ang kwarto ni Mommy at Daddy. Nilabas ng dalawang lalaki ang kabinet ng mga magulang ko.
"Don't touch that! Ibalik n'yo agad sa kinalalagyan ng mga gamit na ito!" sigaw ko.
I can't control myself kung may gumalaw sa mga gamit ni Daddy at Mommy. Nilapitan ako ni Tita Nova ng mapansin niyang galit na galit ang itsura ko ay pinatigil niya ang dalawang lalaki.
"Bumaba muna kayo at tatawagin ko lang kayo kung kailangan ko na kayo," utos ni Tita sa lalaki.
"Walang baba kung hindi n'yo naibalik sa dati ang mga gamit na'to." Madiin na utos ko at mabilis naman silang sumang-ayon.
"Marienella!" matigas na bigkas ni Tita Nova sa pangalan ko.
"No one can touch sa mga gamit sa kwarto na ito. No one!" walang takot na sabi ko sa harap ni Tita.