CHAPTER 8
MARINELLA
Nagising ako na masakit ang ulo ko at braso. Dahan-dahan ko minulat a ang mata ko. Namilog ang dalawang mata ko na hindi familiar ang kwarto. Inikot-ikot ko ang mata sa loob ng kwarto.
"Oh God!" Mabilis akong bumangon natataranta ako at kumakabog ang dibdib ko.
“Kylie,” tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi siya sumagot paano naman siya sasagot ay ibang kwarto ito.
"Nasaan ako at kaninong kwarto ito?" tanong ko sa sarili ko.
Nang maalala ko ang nangyari kagabi ay natapik ko ang noo ko. Ngayon ko lang napagtanto na iba na pala ang suot ko na damit. Lumaki ang mata dahil damit panlalaki na ang suot ko. Nakaramdam ako ng takot. Ang ginawa ko ay mabilis akong kumilos at natataranta ako, I roll my eyes again, puro gamit ng lalaki ang nakikita ko sa loob ng kwarto na hindi ko alam kung kanino. Pang lalaki rin ang amoy ng silid at may nakita akong suit sa maliit na sofa at white jeans naman sa sahig. Tinakpan ko ang bibig ko at hinawakan ko ang aking harapan nanginginig ang kamay. Chinect ko rin ang sarili ko at pribadong parte ng katawan ko.
“I'm fine, I'm still a virgin.” I said nakahinga ako ng maluwag hawak-hawak ko ang dibdib na walang tigil na kumakabog.
“I'm sure na hindi ako lasing kagabi. Pero bakit wala akong maalala kung paano ako na punta dito at sino ang tumulong sa akin sa ilalim ng pool?” maraming akong tanong sa sarili ko. Naalala ko rin na nakainom pero galing yun sa kaibigan ko.
Malalim akong huminga at hinawakan ko ang dibdib ko. Ang ginawa ko ay inayos ko ang sarili ko at sinuklay ko ang buhok ko ng sarili kung kamay. Hindi na ako gumawa ng ingay. Nagmamadali na akong lumabas sa kwarto ng estranghero hindi na rin ako lumingon ng nasa labas na ako ng kwarto tuloy-tuloy ang lakad ko.
Malaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa tumakbo patungo sa sarili naming kwarto ni Kylie. Nakatingin ang ibang tao sa akin na nakasalubong ko. Sobrang nahihiya ako yumuko ako at hindi ko kayang iangat ang mukha ko hindi ko alam kung ano ang iniisip nila sa akin. Ang mahalaga ay marating ko na ang kwarto namin ni Kylie.
Who's that girl naligaw ba siya ng ibang kwarto poor girl ano kaya ang ginawa niya?" Narinig ko na tanong ng babae sa kasama niya.
"Baka nakipag-one night stand siya." Sagot ng isa lalo akong nahihiya sa sarili ko. Hindi ko na sila pinansin ang mahalaga wala akong ginawa na masama.
Ilang sandali nasa tapat na ako ng kwarto naming dalawa ni Kylie kinatok ko ng ilang beses ang pintuan pero hindi ito naririnig ni Kylie ang sunod-sunod na katok ko
“Kylie!” tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Hanggang sa binuksan na niya ang pintuan. Mukhang hindi pa gising ang ulirat niya.
“Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” tanong ko humikab ang kaibigan ko halatang ayaw pang gimising.
“Mabuti naalala mo pa ang kwarto natin? Kagabi pa kita hinahanap saan ka ba natulog?” pagtataka a tanong ni Kylie sa akin at hinila niya ang kamay ko papasok sa loob ng kwarto.
“Hindi ko alam,” mabilis na sagot ko.
“Marie paano mong hindi at kaninong damit ang suot mo?" tanong ni Kylie magulo rin ang kanyang buhok tulad ko.
“Let me explain dahil kahit ako wala ako maalala at hindi naman ako lasing last night." Sabi ko.
" Sige mag explain ka," utos ni Kylie sa akin.
Umupo ako sa at sinabi ko ang lahat kay Kylie ang nangyari. As usual ang kanyang reaksyon natataranta at masaya para siyang doktor ng e-check niya ang buong katawan ko.
“I'm Virgin nakakasiguro ako dahil malinis pa rin ang pribadong parte ng katawan ko wala akong kakaiba na nararamdaman sa pagkababaë ko.” Sabi ko.
"Marinella sino kaya ang tumulong sa'yo."
"Hindi ko nga alam eh."
Teka nga pero sure ka ba na hindi ka nakainom kagabi?” tanong ni Kylie sa akin.
Naalala ko may hawak mo na kopita ng alak at ininom ko yun." Namilog ang dalawang ni Kylie sa sinabi ko.
“Oh no, may gamot pala ang wine na'yun para yun sa pinsan ko." sabi sa akin ni Kylie.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin." Sabi ko.
“Malay ko at medyo lasing din ako kagabi bahagya mo lang inagaw sa kamay ko. Kahit kailan ay pahamak talaga ang alak.
Ang alak ang may kasalanan. Kylie this is the last time na sasama ako sa'yo.
"Teka teka girl hindi ba gusto mong mabuntis? Don't tell me you changed your mind nah!" Natahimik ako dahil muntik ko rin makalimutan ang mission ko.
"Hindi ko nakakalimutan yun." Saad ko pero sa totoo parang e give up ko na ang lahat at mamuhay na lang ako ng simple at malayo sa kanilang lahat.
"Siguro bakla ang tumulong sa'yo dahil hindi ka niya ginalaw. Kung lalaki yun sure na nawasak na ang bataan at perlas ng silanganan. Magkakababy kana sana naidulot pa.’’ Biro ni Kylie
“Hindi porket na walang ginawa sa akin ang lalaki na yun ay bakla na. Baka may respeto siya sa babae.” Correction ko.
"Baka nga pero swerte mo pa rin dahil bihira lang ang lasing na hindi one night stand ang labas parang nobela. I'm still sleepy Marie. Nginitian ako ni Kylie na inaantok.
"Sino kaya ang tumulak sa akin?" tanong ko.
“Hmm baka isa sa mga babaeng insicurities. Pero palagay ko si Sandro ang tumulong sa'yo.”
“I don't think so dahil that time, hinila siya ng babae at lasing din si Sandro.” Saad ko.
“Okay baka siya talaga ang tumulong sa'yo bumalik siya para sagipin niya ang kanyang reyna. Sabi pala ni Kuya si Sandro ang nanalo sa game kagabi hindi kilala ni Kuya kung sino ang babae ang binuhat ni Sandro sa pool. Wala kasi ako sa pa-games ni kuya. Sinundan ko si Ethan palabas. Alam mo naman na crush ko yun. I'm sure na magulat si Kuya kapag nalaman niya na ikaw ang babae na'yun binuhat ni Sandro. Alam mo Marie tadhana na yata ang kusang nag papalapit sa inyong dalawa. Hindi na natin kailangan humanap ng lalaki na pipikutin dahil kusang si Sandro na ang nagparamdam sa'yo. Alam ko na hindi ka na naniniwala sa pag-ibig pero ang sperm lang ni Sandro ang kailangan mo.” Seryosong sabi ni Kylie sa akin.
"Yan ka naman Kylie. Kylie huwag mo na lang sabihin sa kuya mo na ako ang babae na'yun. Ayokong may makaalam pa ng iba. Baka hindi ako patahimik ng mga babaeng humahabol sa kay Sandro.” Pakiusap ko.
“Don't worry hindi ko sasabihin sure na hindi matanggap ng mga babae baliw kay Sandro kay Sandro na ikaw ang babaeng binuhat ni Sandro. Kahit sinong babae ay hahabol kay Sandro Sander magselos tingnan mo ang ginawa nila sa'yo wala silang konsensya na may mapahamak silang buhay ng tao. Kaibigan pala ni Kuya si Sandro bagong kaibigan.” Inangat ko ang mukha ko sa kaibigan ko.
“Talaga?” tipid na tanong ko.
“Talaga lang ah, pero sa totoo sayang ang 500 hundred thousand pesos.” Sabi sa akin ni Kylie tila siya pa ang nanghihinayang sa pera. Tiningnan ko siya.
“Kay Sandro naman niya ibibigay ang pera at hindi ko naman kailangan yun." Sabi ko at tumayo ako.
"Dahil apo ka ng billionaire kaya hindi mo kailangan.” Parang batang ngumoso si Kylie.
Mayaman din naman sila Kylie pero ang gusto ng magulang niya sarili niyang pawis at sikap ang pera na gagastusin ni Kylie.
Binuksan ko ang maleta ko at kumuha ako ng bagong damit at kinuha ko rin ang extra na antipara ko. I'm sure na basag at durog na durog ang antipara ko sa nangyari kagabi kagabi. Mamaya ay magpapatulong din ako kay Kylie na hanapin ang phone ko pag hindi siya busy.
“Back to sleep muna ako Marinella antok na antok pa ako." Paalam ni Kylie tumango ako sa kanya.
"Morning night." Sabi.
Nagpaalam dinako sa kaibigan ko na maligo muna ako at tinanong ko rin siya kung anong oras kaming babalik sa Maynila.
“Mga alas dose tayo babalik ng Maynila. Marinella ano kaya kung baguhin mo na ang look mo sayang lang ang ganda mo at kaseksihan mo.” Nilingon ko si Kylie ilang beses na niyang inuulit-ulit sabihin yan sa akin.
“Kylie komportable ako sa ganito at masaya ako sa style ko. Sige maligo muna ako at matulog kana.
Hindi na sumagot si Kylie at tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha. Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo. Tinanggal ko ang suot ko na damit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa damit na'to. Nagdadalawang isip din ako kung balik ba ako sa kwarto na'yun para magpasalamat at maibalik ko ang damit niya.
Nakagat ko ang labi ko at nahihiya ako sa sarili ko sa katangahan ko. Habang naliligo ako ay kung ano ang pumapasok sa kokote gusto kung sumigaw sa inis pero hindi ko magawa. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi.
Ilang sandali psgkatapos kung maligo at ayusan ko ang sarili ko ay tahimik lang ako lumabas sa banyo ayokong magising ang kaibigan ko.
“Mainella, are you feeling okay?” tumango lang ako.
“Akala ko ba matutulog ka ulit?” tanong ko.
Naalala ko sasamahan ko ang dalawang pinsan ko sa clinic may insekto daw kumagat sa kanya.” Saad sa akin ni Kylie.
“Hahanapin ko muna ang cellphone ko.” Sabi ko at hindi ko na hinintay na sumagot si Kylie.
“Okay madam,” nakuha pa akong biruhin ng kaibigan ko may nalalaman pang madam.
Sabay kami napalingon ni Kylie na may kumatok sa labas ng pintuan. Ako ang nagbukas.
"Good morning ma'am ikaw po ba si ma'am Marinella?"
"Ako nga po." Saad ko
Ang gamot n'yo naiwan n'yo sa room ni sir at inutusan niya ako na ibigay ko sa inyo." Sabi ng babae.
"Gamot wala akong naiwan na gamot baka hindi yan sa akin."
"Inutusan lang po ako ni Sir ma'am alis na po ako ma'am may gagawin pa po ako." Paalam ng babae.
"Teka sino ang sir mo?" tanong ko.
"Hindi ko po siya kilala ma'am nautusan lang ako."
"Baka admirer mo Marinella."
Lalo tuloy ako naguguluhan tinawanan lang ako ni Kylie.
"Anong gagawin ko sa gamot na'to?" tanong ko.
"Baka gamot sa tïbok ng puso kabig ng dibdib. Pilyong sagot ni Kylie sa akin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako at pinuntahan din ni Kylie ang kanyang pinsan. Paglabas ko ang dumi-retso ako sa venue kung saan ginanap ang party last night. I rolled my eyes may dalawang babae na naglilinis tatanungin ko sana sila ay may lumapit na lalaki tila manager ng resort
Ginawa ko hinanap ko na ang cellphone ko pero hindi ko nakikita. May nakapulot na siguro sa dami ng tao kagabi. Hindi ko rin maalala kung saan ko nabitawan ng kargahin ako ni Sandro kagabi.
“Miss my hinahanap po ba kayo?” tanong ng lalaki sa akin.
“Opo ang cellphone ko ko pero hindi ko po maalala kung saan ko na iwan kagabi pero dito po ako nakatayo kagabi.” Saad ko kumunot ang noo ng lalaki ng makita niya ako. Alam ko na nasa isip niya kundi ang suot ko.
“May dumi ba sa mukha ko?” matapang na tanong ko.
"No, I'm curious sa suot mo ngayon lang ako nakakita ng babaeng sobrang inosente. You look pretty,” I sighed baka malabo ang mata ng lalaki. Napangiti ako dahil he's the only one na na pretty ang unang reaction ng makita niya ako ang iba kasin punong-puno ng pangungutya sa kasuotan ko.
“I'm Rico,” he said.
“Marinella.” pakilala ko.
"Nice to meet you. By the way, may I know your number, maybe some other day pwede kitang yayahin sa labas having coffee or lunch kung walang magagalit." Nagulat ako sa sinabi na walang magagalit.
"Po," nahihiya na sagot ko.
"May magagalit ba?" panigurado na tanong sa akin.
"Wala po. Nagulat lang kasi ako."
"Ah okay. Kung hindi lang ako may importanteng appointment ngayon niyaya na kita for coffee.” Sabi niya sa akin at binigay ko sa kanya ang number ko.
"Till may ilang minuto pa sa appointment ko tulungan na kita na hanapin ang phone mo." Hindi ko siya hinayaan na tulungan niya ako.
"Okay lang po baka mahuli kayo sa appointment nyo." Sabi ko nginitian niya ako.
Okay it's up to you beautiful lady ayokong pilitin kita.
"Tatawagan kita." nakangiting sabi nito at nagpaalam na siya sa akin. I smile at him.
Ilang sandali muli kung hinanap ang phone ko. Hindi ko talaga ito makita kahit sa mga gilid ng halaman ay hinanap ko. Lalapitan ko sana ang dalawang naglilinis ay may biglang nagsalita sa likuran ko.
“Ito ba ang hinahanap mo?” ang lakas ng sipa ng puso ko sa baritonong boses ng lalaki. Kilala ko ang boses niya si Sandro ang lalaking tumawag ng pangalan ko. sa likod ko.
Nilingon ko ang baritono na boses sa likod ko ng makita ko siya ay haawak-hawak niya ang
phone ko. My lips parted.
"Sandro," sambit ko paawang ang labi ko.
"Yes it's me Sandro." Natameme to the bones na ako sa baritono niyang boses.
“Paano napunta sa'yo ang phone?" pagtataka na tanong ko.
He sighed and smiling at me. Nagtitigan kami. Nakatunaw at nakamatay ng diwa ang kanyang mga mata. Napalunok ng sunod-sunod tila natutuyo ang lalamunan ko.