Chapter 10
MARINELLA
PAANO napunta sa'yo ang phone ko? pagtataka na tanong ko. He smirks hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa akin tila kinikilatis niya ako.
“Sino ang lalaki na'yun? Isa naman ba sa e-date mo dahil hindi ka nag tagumpay kay Mr. Bandolf?” nag salubong ang kilay ko sa tanong niya sa akin. Tila galit pa ito at suplado ng boses niya. Ano naman ang pakialam niya sa akin.
“Mr. Sandro mawalang galang sa'yo. Ano naman ang pakialam mo sa akin ay tila ang curios mo sa akin?” tanong ko.
Nagtama ulit ang mga as usual tahimik naman ulit siya. Mahirap basahin ang kanyang itsura. Bakit ba kasi kung saan ako ay bigla nalang siya sumusulpot ng wala sa oras. Hindi ko naman masabi na kapatid ng mga kabute dahil hindi nababagay sa itsura niya.
“Pera ba ang kailangan mo at kahit dito ay naghahanap ka ng maka-date mo? Kung pera ang kailangan mo. Kayang-kaya kung ibibigay sayo kung magkano ang gusto mo. Hindi kung sino-sino lang ang lalaki ang hinahanap mo e-date. At ibibigay ko pa sa'yo ang 500 hundred thousand pesos.” Nagulat ako at uminit din ang ulo ko sa kanyang sinabi.
“Cellphone ko ang kailangan ko hindi ang 500k mo kung ang iniisip mo na pera ang kailangan ko nagkakamali!" madiin na sabi ko.
Nagtitigan kaming dalawa ang isa niyang kamay ay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. Ibig sabihin ay naaalala niya ako kagabi kahit lasing siya?
“So bakit nandito ka?” tanong niya.
“Bakit bawal ba ako pumunta sa lugar na ito?Pwede ba wag kang mangialam sa buhay ng ibang tao daig mo pa ang mga Marites na ang buhay ng ibang tao lang ang binabantayan. Hindi rin ako bayaran na babae huwag na huwag mo yan sasabihin sa akin dahil hindi mo pa ako kilala!” galit na sabi ko. Hindi siya sumagot
“Sumama ka ngayon sa akin!” ma-awtoridad na sabi niya sa akin at hinila niya bigla ang kamay ko.
“Ano ba, bitawan mo ako. Saan mo ako dadalhin, ano ba ang kailangan mo sa akin? tanong ko pilit kung kinakalas ang kamay ko sa kamay niya.
“Huwag maraming tanong ibibigay ko sa'yo ang pera.”
“Hindi ko kailangan ang pera mo,” sabi ko at hinila ko ng malakas ang kamay ko sa kamay niya.
"1 million ba ang gusto mo?” tanong niya.
“Anong pinagsasabi mo?” galit na tanong ko. Huminto kami at matapang kaming nagkatitigan na dalawa. Kinuha ko ang phone ko sa kanya at tinulak ko siya ng malakas.
Tumaas ang isa kung kilay.
Ibaba mo ang kilay mo lalo tuloy nagiging gloomy ang panahon.
“Ang yabang mo, bakit ba kasi sunod ka ng sunod sa akin type mo ba ako?’’ Mataray na tanong ko.
“Hindi kita type iba ang taste ko sa babae at hindi ko nakikita sayo.
Gusto lang kita makadate.” Sagot sa akin.
“Date? Para guluhin ng mga media ang buhay ko?” Umiling-iling siya sa tanong ko
“Gusto mo ba ako maka-date o sasabihin ko kay Mr. Bandolf na ikaw ang babae na hinahanap niya.” Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi.
“Si Mr Bandolf pa talaga ang e-dahilan mo sa akin.”
"Yes," sagot niya at seryoso siya nakatingin sa akin.
“Hindi ako takot kahit tawagan mo pa siya ngayon. Walang hiya rin ang matanda na'yun e kasing edad lang siya ng Lolo ko!” matapang na sabi ko. Ang totoo ay kinakabahan din ako dahil ang mukha ni Sandro na'to ay hindi nagbibiro.
“Really? Para matapos na ang usapan natin kunin mo na ang pera na 500k.
“Ayoko nga. Sa'yo na ang 500k mo at meron ako niyan.” Saad ko.
“Seriously?” hindi naniniwala ang anak ng teteng na'to.
"Oo iba ang hinahanap ko higit pa sa 500K na'yan 1 million nayan.” Sabi ko.
"Nagpapatawa ka ba? Ano ba ang kailangan mo?” tanong niya sa akin.
“Kailangan ko peace of mind and stay away from me. Ikaw ano ba ang kailangan mo sa akin. Bakit ba kasi nangungulit na ibigay ang pera sa akin at e-date ako. Akala ko ba hindi mo ako type. Sana ang babae mo na lang ang binuhat mo kagabi para hindi mo ako makulit. Please lang Mr Sandro ayoko ng dagdagan pa ang iisipin ko at hayaan mo ako. Isa pa baka isipin ng ibang tao ay may gusto ka sa akin.” Sabi ko, he laughed.
“Nagpapatawa ka ba?”
“Hindi pero natawa ka naman sa sinabi ko.” Seryosong sabi ko.
Hindi na siya nagsalita napansin na siguro na hindi na ako nagbibiro. Nagbago rin ang reaksyon ng mukha niya.
“Ayaw mo ba talaga sa 500k?” naging mahinahon na ang kanyang boses. I sighed para tuloy ako nakalabas sa awla.
“Hindi nga ang kulit mo tulong mo na lang sa charity ang pera. Nang dahil sa ginawa mo sa akin kagabi ay muntik na ako…” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko.
Kumunot ang aking noo ko na makita unknown number. Nilingon ko si Sandro seryoso ang kanyang mukha. Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko ay muntik ko na masabi sa kanya muntik na mapahamak ang buhay ko kagabi.
Hanggang sa tinalikuran ko na siya at sinagot ko ang linya.
“Hello,” sagot ko sa phone ko.
“Hi, Marinella, it's me Rico.’’ Are you free tonight?” tanong niya sa akin sa line.
“Hello Rico I'm sorry at 12 Noon ay babalik na kami ng Maynila ng kaibigan ko.” Sabi ko.
“Really ang bilis naman, pero yayain muna kita kita for coffee before 11.” I sighed.
“Okay,” Sabi ko na lang hindi ako makatanggi dahil mukhang mabait naman si Rico sa akin. Hindi ko nararamdaman sa kanya ang yabang at sa kilos at pananalita niya ay may respeto siya. Hindi gaya ni Sandro.
“E-message ko sa'yo ang coffee shop dito rin sa loob ng resort.” Masayang sabi ni Rico sa linya.
Nilingon ko si Sandro ay wala siya doon sa kinatatayuan niya. Hinanap pa ng mata ko pero hindi ko na siya makita. Dahil bangayan agad kami ay hindi ko natuloy nag itanong ulit paano napunta sa kanya ang phone ko. Parang may iba siyang pakay sa akin. Hindi ko siya maintindihan ang gulo niya. O baka iniisip niya kailangan ko talaga ang pera.
Ilang sandali ay muli akong bumalik sa kwarto namin ni Kylie ng masend ni Rico ang pangalan ng coffee shop. Hindi naman date ang gagawin naming dalawa kundi magkape lang.
Tumayo ako sa harapan ng salamin tiningnan ko ang sarili ko. I feel comfy naman ako sa suot ko. Kung papalitan ko ay ganun din ang style ko. Naglagay lang ako ng konting lipstick at powder foundation sa pisngi ko.
Ang bilis umikot ng oras tumunog ang cellphone ko one-message from i Rico na akin na naghihintay na daw siya sa akin. Ang bilis niya.
Nang nasa coffee shop na ako natataranta ako dahil hindi ko maiwasan na ang mata ng ibang tao ay sa akin nakatingin. Maraming mata na mapanghusga. I prefer na ignore ko na lang. Nagulat ako ng makita ko si Sandro may kasama siyang babae sa kabilang table. Siya ang babaeng nakita ko kagabi na hinalikan niya. Kahit si Sandro ay tila nagulat din siya na makita ako na nakatayo. Hinanap ng mata ko si Rico.
“Marinella,” nakangiting tawag ni Rico tinaas niya ang isa niyang kamay. Masamang tiningnan ni Sandro si Rico at palipat-lipat ang kanyang mata sa amin ni Rico.
Hindi ko na lang siya pinansin at nakangiti ako na tinungo ko ang table ni Rico. Baka si Rico na hulog ng langit sa akin at masolve ko na ang problema ko. Hindi siguro si Sandro dahil baka oras oras ay bangayan lang kami. Instead na masolusyunan ang problema mo lalong sumakit ang ulo ko sa kanya.
“Hi Marinella, thank you pinagbigyan mo ako. I really appreciate it.’’ Sabi niya sa akin. Nginitian ko siya.
Pakiramdam ko ay hindi inaalis ni Sandro ang mata niya sa ako akin. Hindi tuloy ako maka concentrate sa mga tanong ni Rico sa akin.
“Next day may business trip ako. Pagbalik ko ng Pilipinas okay naman sayo na maulit ang ganito.” Sabi niya tumango ako.
Muling kung tingnan si Sandro pero parang tuko na ang babae masyado siyang dumikit kay Sandro para bang ikulong na nya si Sandro. Nakita ko na mabilis na sinagot ni Sandro ang kanyang telephone. Tumayo siya para bang emergency ang dumating sa kanya na tawag. May sinabi siya siya sa babae at naglagay din siya ng pera sa mesa.
Nagmamadali silang dalawa na lumabas. Nilingon pa ni Sandro ang mesa naming dalawa ni Rico.
Kinabahan tuloy ako.
‘‘Marinella, are you okay?” I nodded.
“Ano nga ba ang pinag-uusapan natin?” tanong ko.
Nakinig na ako sa mga sinasabi ni Rico sa akin. Marami din kaming napag usapan hindi ko sinabi sa kanya kung sino talaga ako.
Nang malapit ng alas dose ay nagpaalam na ako sa kanya baka naghihintay na si Kylie sa akin. Nakasalubong ko si Sandro na nagmamadali siya nakasunod naman sa kanya ang babae.
Marinella!" malakas na tawag ni Kylie sa akin. Nakasunod din ang mata niya sa likod nila Sandro.
"Si Sandro 'di ba yun?" tanong ni Kylie sa akin.
"Oo." Malumay na boses ko.