Chapter 11
MARINELLA
Pasadong alas nueve na kami dumating sa Maynila. Hindi kami hinayaan ni Kuya Sherwin na kami lang dalawa ni Kylie bumiyahe kaya kasabay namin siyang bumalik ng Manila. Ang kanyang fiancee ay nag paiwan sa Tagaytay dahil darating din ang iba niyang kaibigan isa pa may biglaan din na appointment si Kuya Sherwin dito.
Nang nasa tapat na kami ng gate si Manong kaagad ang nakita ko na nakatayo sa labas ng gate may kausap na lalaki hanggang sa pinark ni Kuya Sherwin ang kanyang sasakyan.
“Maraming salamat sa paghatid nyo sa akin.” Masaya akong nagpasalamat sa kanilang dalawa.
“My pleasure Ellah, thank you din, hopefully nag-enjoy ka po pasensya na sa nangyari sayo last night.” Saad ni Kuya Sherwin, I smile at him. Wala naman siya sinabi sa akin tungkol sa nangyari kagabi baka hindi sinabi ni Sandro sa kanya. Pero may something sa mga titig niya sa akin.
“Sobra Kuya thank you ulit.” Sabi ko ulit hanggang sa umurong ako at muling nagpaalam sa kanya. Gusto ko rin magpahinga ng maaga.
“Marinella mag-usap tayo bukas importante at mag-ingat ka rin dahil makakasama mo naman ang mga dracula sa mansyon. Kung sakali na kailangan mo ng backup tawagan mo lang kami ni Kuya.” Sabi sa akin ni Kylie.
“Kylie.” Narinig ko na sinuway ni Kuya Sherwin si Kaylie.
“Oo na sige papasok na ako mag ingat kayo sa biyahe.” Paalam ko tinaas ni Kylie ang kanyang phone sign tatawagan niya ako.
Ilang sandali ay umalis din ang sasakyan nila Kylie. Masayang sinalubong ako ni Manon malayo pa lang ay nakangiti na siya sa akin. Mabuti na lang ay nandito pa sila ni Nanay hindi nila ako iniwan kahit minsan nakikita ko na pinapagalitan sila ni Tita Nova at Tito.
“Hija kumusta ang unwind mo ni Kylie?” tanong ni Manong sa akin.
“Ayos lang po manong, nasa sa mansyon na po ba silang lahat?” magalang na tanong ko kay Manong.
“Oo hija, pati ang kapatid ni ma'am Nova nandiyan din may pa-dinner ang tita Nova at Tito mo ngayon.” Sagot sa akin ni Manong.
“Ganun po ba, may bisita pala sila?” saad ko. tumango si Manong. Hanggang sa nagpaalam na ako papasok sa loob ng mansyon.
Pagpasok ko sa loob ay nakarinig ako ng ingay sa living room at dining area. Masayang nag-uusap sila Tita kasama niya ang kanyang bisita at ang kanyang kapatid. Sa sobrang saya nila ay hindi nila ako napansin na dumating. Si Ciara at Aljur at iba pa nilang kasama ay nagtatawanan sa living room. Kagabi lang sila dumating kung umasta sila parang sila na ang may ari ng mansyon ni Lolo.
“Nasaan na ang nerd na pamangkin ng Tito Noel mo?” narinig ko tanong ng babae kay Ciara ng makita ang mukha ng babae ay naaalala ko siya at kaya medyo familiar ang boses niya. Siya si Sarah isa siya sa grupo ng binu-bully nila ako sa Brent high school Manila.
Lagi nila akong pinapahiya sa campus at ilang beses din nila ako kinulong sa loob ng CR at binuhusan pa nila ako ng tubig na may halong white vinegar. Mabuti na lang hindi ako pinabayaan ni Kylie ng high school life namin. I remember na tinapon pa ni Sarah ang antipara ko sa basurahan at pinagtatawanan pa ako ng ibang estudyante.
Pangit, pangit badoy kawawa naman ang badoy na Marinella much better na umalis ka na dito sa school na'to dahil hindi ka nababagay dito. Yan ang isa hindi makalimutan na lagi nilang sinasabi nila sa akin at kung ano pang pang iinsulto nila sa akin inaapi pa nila ako. Hindi kasi ako matapang noon mahina ang loob ko. Konte rin ang gusto akong kaibiganin at lapitan dahil sa itsura ko. Ang ginagawa ko na lang para maiwasan ko sila nagbabasa ako ng libro mag-isa kapag hindi ko kasama si Kylie.
Hanggang sa narinig ko ulit na nagsalita si Ciara parang ang sarap niyang ipalamun sa mga buwaya sa lawa sa sama ng kanyang ugali.
“Baka kasama niya sa labas ang mga katulad niya na baduy at manang. I hate her sana hindi na babalik yun at mapapasakin na ang kanyang kwarto. Sila Mama naman sa kwarto ng kanyang Lolo.” Kumuyum ang kamao ko sa inis sa narinig ko.
Matagal ko rin siya hindi siya nakita. Oh gosh naalala ko ng high school kami she's so disgusting. Ano kaya ang itsura niya ngayon Lola basyang pa rin ba?” maarteng tanong ni Sarah at tumawa.
“Nothing changes to her manang at super badoy pa rin." Sagot ni Ciara kay Sarah. Hanggang sa nagtatawanan silang dalawa
Nang makita ako ni Aljur na nakatingin ako sa gawi nila matalim ang mga mata ko sa kanila tumayo si Aljur nakita rin ako ni Ciara tinaasan niya ako ng kilay.
“Dumating ka pa, akala ko wala ka ng balak na umuwi?” mapang-asar na tanong ni Aljur sa akin.
“Mansyon ko ito kahit anong oras uuwi na sa akin yun. Akala ko rin Aljur hindi kana babalik sa mansyon ko at ilang beses ko rin sinasabi sa'yo na wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan dahil alam mo kung sino ka sa sariling pamamahay ko.” Sagot ko. Kinalma ko lang ang sarili ko.
Mukha pa lang ni Aljur ay umiinit na ang dugo sa kanya. Umigting ang panga ni Aljur sa sinabi ko. Sasagot sana siya sa sinabi ko ay pareho kaming napalingon ng marinig naming na bahagyang nagsalita si Tito.
“Marinella,” tawag ni Tito Noel sa pangalan ko nginitian niya ako. Nakatingin naman sa akin si Tita Nova at ang kanyang kapatid. May sinabi ang kapatid ni Tita sa kanyang pero hindi ko ito narinig.
“Kumain ka na ba hija? Hinintay kita kagabi pero sabi ni manang kasama mo ang kaibigan mo sa labas.” Sani ni Tito pero alam ko na pakitang tao lang siya.
“Tito, dito ba sila tutuloy sa mansion?” deritsang sa tanong ko tila nagulat si Tito sa tanong ko.
“Bakit bawal ba Marinella bisita ko sila at hindi silang ibang tao. Kailangan pa bang komunsulta muna ako sa'yo kung sino ang pinapa-tuloy ko dito sa mansyon!?” madiin na tanong ni Tita Nova.
“Nagtatanong lang po ako Tita.” Sagot ko.
“Gusto ko lang ipaalala sayo Marinella na wala ka pa rin karapatan sa mansyon dahil hindi pa ito nakapangalan sayo at kahit kailan ay hindi mangyayari na ikaw ang magmamana ng mansyon.” Sabi ni Tita Nova. Tinaasan niya ako ng kilay na walang takot.
“Nova,” Saway sa kanya ni Tito Noel.
“Noel huwag mo ngang ipagtanggol ang babae nayan!” sigaw ni Tita Nova.
“Ako dapat ang nagppaaala sa inyo kung ano ang katayuan n'yo dito. Alam n'yo kung sino kayo dito kahit hindi pa ito nakapangalan sa akin ang mansyon may karapatan ako na palayasin ko kayo alam n'yo naman kung ano nakasulat sa testament na iniwan ni Lolo. Kahit na sabihin pa natin na kinakailangan na nasa poder n'yo pa ako hanggang hindi pa malipat sa pangalan ko ang mga iniwan ni Lolo sa akin.” Sagot ko na walang takot.
Kitang-kita ko sa mukha ni Tita Nova ang gigil niya sa akin. Hanggang sa hinila ni Tarhata ang kanyang kapatid na si Tita Nova.
“Ang talas ng dila mo.” Gigil na saad ni Tita Nova.
“Pagpasensyahan muna ang Tita mo mainit lang ang kanyang ulo.” Mahinahon na sabi ni Tito tumango lang ako dahil alam ko na pakitang tao din si Tito Noel ko.
Natahimik si Sarah at Ciara napaawang ang labi nilang dalawa. May binulong si Sarah kay Ciara sunod-sunod na tumango si Ciara.
“Marinella ikaw naba yan?” tanong ni Sarah hindi ko siya sinagot dahil alam ko kaplastikan lang siya baka ano pa ang magagawa ko sa kanya.
‘‘Ciara bawal kang pumasok sa silid ko at gusto ko ipaalala sayo na wala kang karapatan sa sarili kung pamamahay.” Matapang na sabi ko.
“Marinella calm down,” saad ni Ciara sa akin. Hindi nagustuhan ng kanyang ina ang sinabi ko at Tita Nova.
“Oh wow Marinella. Kakaibang Marinella,” sabi ni Sarah hindi ko siya pinansin.
Hanggang sa tinalikuran silang lahat. Alam ko na hindi ito papalampansin ni Tita Nova ang mga sinabi ko sa kanila. Sa kwarto ako nila Mama at Papa dumiretso. Narinig ko ang malakas na boses ni Tita Nova alam ko na mag-aaway naman sila ni Tito.
Ilang minuto ang lumipas ay hindi ko namalayan ang sarili ko nakatulog ako. Bumangon ako at inunat ko ang dalawang kamay ko. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ko ang oras. Pagbukas ko ng screen ng phone ko may unknown number na miss call at may one message din.
Unknown number: Save my number incase na magbago ang isip mo na kukunin mo ang pera sa akin. Sandro.
Lumaki ang mata ko at paano nakuha ni Sandro number ko. Makulit din akala ko ba na naiintindihan niya na hindi ko kailangan ang pera at natapos na ang usapan naming dalawa.
Me: Makulit ka rin noh.
Sandro: Wow ganyan ka ba ang tagal mong mag reply ng message.
Me: Pakialam mo bye.
Sandro: Baka matulungan kita sa problem mo?
Namilog ang dalawang mata ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
Me: What did you mean? Wala akong problema.
Sandro: I help you para hindi ka mahirapan sa kaka-search sa online-dating.
Nahawakan ko ang dibdib akala ko alam niya ang plano ako.
Me: Hindi ko kailangan ang tulong mo pwede ba wag ako ang pag-tuunan ng oras mo you have so many girls. Bye!
Hanggang sa biglang na lowbat ang phone ko. Ginawa ko kinuha ko chinarge ko ang phone ko. Nang makita ko ang picture ni Papa at mama ay tumulo ang mga luha ko. Kung buhay pa sana sila ngayon ay masaya sana kami na pamilya at hindi sila Tito Noel ang kasama ko. Malapit na rin ang birthday ni Mama lalo ko siyang namimiss. Niyakap ko ang kanyang litrato. Ano kaya ang amoy ng aking ina. Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking pisngi.
Ilang sandali bumaba ako nakaramdam kasi ako ng gutom.
Nang nasa kusina na ako ay binuksan ko agad ang fridge may mga leftover akong nakita na makita ko ang chocolate cake nilabas ko ito at nag slice ako ng maliit. Umupo ako. Nakarinig ako ng yapak ng tao papasok ng kusina. Si Sarah at Ciara ang nakita ko na may hawak na baso ng alak hindi pa pala silang natutulog. Hindi rin umuwi pala umuwi si Sarah.
“Gising pala ang reyna ng mansyon na'to.” Sabi ni Ciara sa akin. Lasing silang dalawa.
Tumayo ako para umalis sa at maiwasan ko rin silang dalawa pinagtawanan nila ako.
“Oh takot siya kawawa naman siya.” Sabi ni Sarah.
“Hindi ako takot sa inyong dalawa!" madiin na sabi ko.
Kinuha ko ang mainit na gatas at hindi ko na tinapos ang cake na kinakain ko. Lalabas na sana ako ay bahagya akon tinulak ni Ciara nabitawan ko gatas na pinsinit ko at hinarangan naman ni Sarah ang pintuan.
“Umalis kayo sa daanan ko.”
Tingnan natin ang tapang mo ngayon. Ang lakas ng loob na sigawan sa kagabi kagabi ina dahil nandoon si Tito pero ngayon kung magagawa mo ngayon. Muli niya akong tinulak ng malakas tumama ang likod ko sa upuan.