Chapter 12
MARINELLA
Ano Marinella lalaban ka, lalaban ka ba!” madiin na sabi sa akin Ciara. Tumayo ako ng maayos at nilakasan ko ang sarili ko.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Sarah kay Ciara. Hindi ako magpapatalo sa mabangis na titigan naming dalawa ni Ciara.
“Matapang ka lang dahil kay Tito Noel pero kapag wala si Tito look at yourself hindi mo kayang buksan ang bibig mo babaeng losyang.” Sabi ni Ciara sa akin tumawa naman si Sarah.
Pinaalala mo naman sa akin ang salitang losyang. Naalala ko tuloy beshe ng madulas siya sa loob ng banyo dahil sa katangahan niya.” Mapang inis na sabi ni Sarah. Umakyat ang init ng dugo sa inis ko sa kanilang dalawa. Matalim ang mata ko na titigan ko si Sarah ininom niya kopita ng alak.
“Nagkakamali ka Ciara kung iniisip mo na lumalaban lang ako dahil nakikita ako ni Tito maling akala mo lang at n your dream lang. Kahit wala si Tito bakit ako matatakot. Maski isang hibla ko ay hindi natatakot sa'yo. Ang kapal ng mukha mo hindi kayo nahihiya sa mansyon ko na kung umasta kayo may karapatan kayo dito Ang lakas ng loob nyo umaangkin na mga bagay na hindi naman sa inyo. Sa bagay wala da inyo ang hiya dahil trabaho n'yo na yun. Kaya nga kayong mag inay ang papa mo mismo ang nag gplayas sa inyong dalawa at hindi ko na kailangan sabihin pa sa'yo dahil alam mo ang dahilan. Kung ang iniisip mo na maggawa n'yo rin dito sa mansyon ang ginawa ng mama mo tandaan mo hinding-hindi yan mangyayari. Hindi porket na asawa ni Tito Noel ang tita mo may kapangyarihan na siya.” Sabi ko hindi ko na talaga makontrol ang sarili ko at namumula na ang magkabilang pisngi niya sa inis sa akin.
Hindi niya kasi matanggap ang mga sinabi ko. Akala niya ay wala akong alam sa totoong buhay at hindi siya totoong anak ng kanyang Papa dahil anak siya ng ibang lalaki ng malaman ng Papa niya na hindi siya totoo na anak at nagsisinungaling ang kanyang ina ay pinalayas sila. Nalaman ko kay Nanay Belen ang tungkol sa kanya.
“Ano ang pinagsasabi niya?" tanong ni Sarah sa kanya.
“Bakit hindi mo alam sa Sarah? Mag best friend kayong dalawa, bakit wala kang alam sa kaibigan mo?" Tanong ko.
Nagulat ako at bigla akong sinampal ni Sarah at mabilis ang kanyang kamay na hinila niya ang suot ko na antipara at hinagis niya ito Kay Sarah. Ang ginawa naman ni Sarah ay binitawan niya ito sa sahig at inapak-apakan hanggang sa durog na durog na antipara ko.
Sa inis ko at galit ko hindi ko matanggap ang kanilang ginawa. Hinila hinila ko ang buhok ni Ciara pupunta sa sink ng sinubsub ang mukha niya sa sink. Sinubukan niyang harapin ako pero hindi niya magawa. Lasing siya at mas malakas ako sa kanya.
“Hayop ka bitawan mo ako! Humanda ka sa akin babae ka!” malakas na sigaw niya lalo, kung diniin ang kamay ko sa buhok niya para hindi siya makagalaw.
“Dipa ito ang gusto mo, diba kanina mo pa ito hinahanap." Sabi ko nanginginig ang mga katawan ko sa galit.
“Nasasaktan ako! Hindi ako makahinga!”
“Marinella binitawan mo siya!” Sigaw ni Sarah.
Lumingon ako sa kanya kitang-kita ko ang takot sa mukha niya nakatingin siya sa kaibigan niya.
Hanggang sa inangat ko ang ulo ni Ciara at hinarap ko siya sa akin.
“This is the last time Ciara. Kung uulitin mo pa akong pakialam at saktan ng kamay mo hindi lang ito ang aabutin mo sa akin tandaan mo yan!” galit na sabi ko at this tinulak ko siya sa sahig. Nakahiga siya nahihirapan siyang bumangon.
Lalapitan sana ako ni Sarah para sabunutan ay mas aktibo ako. Instead na siya ang sasabunut sa buhok ako ay kabaliktaran ang nangyari.
Hinila ko ang buhok niya palabas ng kusina ay nagsisigaw siya ng tulong. Hanggang sa nagising ang lahat ng tao sa loob ng mansyon.
Narinig ko na tinatawag nila ang pangalan ko pero hindi ako nakikinig sa kanila punong-puno na ako.
“Marinella,” boses ni Tito Noel gusto niya akong awatin.
“Nanay buksan mo ang pintuan.” Utos ko.
Mabilis na binuksan ni Nanay ang pintuan ng mabuksan na niya ito ay pinalabas ko si Sarah.
Ayokong makita pa ang pagmumukha mo dito Sarah subukan mo lang na gawin sa akin ang dati kundi makatikim ka talaga sa akin ng higit pa d'yan!” Sabi ko sa kanya.
“Pagbabayaran mo ito sa akin Marinella at gagantihan kita hindi ko ito palalampasin. Tandaan mo yan!” galit na sabi niya sa akin.
“Gawin mo hindi ako natatakot lumayas ka dito!" Sigaw ko at sinarado ko ang pinto ng malakas lahat sila ay hindi nakaimik nakatingin sila sa akin.
Nakita ko na umiiyak si Ciara feeling victim din ang bruhā. Nakayakap siya sa kanyang ina. Para akong nasisindak klasi ng titig ni Tita Nova at ina ni Ciara.
“Marinella baliw ka ba anong ginawa mo wala ka talagang disiplina. Wala kang karapatan na saktan ang anak ko!” madiin na sabi ng ina ni Ciara.
Bakit sila lang ba may karapatan na saktan ako at kung anong-ano ang mga pinagsasabi nila sa akin. Tandaan nyo mansyon ko ito walang sino man may karapatan na liitin ako.” Sabi ko hihilain sana ni Tita Nova ang kamay ko ay pinigilan siya ni Tito.
“Nova,” narinig ko.
Huwag na huwag mong subukan Tita baka makalimutan ko na may respeto ako sa'yo!” banta ko sa kanya. Pwedeng umalis ang gusto ng umalis." Sabi ko at tinalikuran ko silang lahat.
“Aling Rita pwede po ba dalhan mo ako ng tubig sa kwarto ko please." Utos ko kay Aling Rita.
"Oo hija." sagot niya sa akin.
Nang nasa kwarto na ako ay umupo ako sa gilid ng kama ko at umiiyak dahil hindi ko akalain na magagawa ko ito sa kanila. Nakahinga ako ng maluwag. Pero sa totoo ng makita ko na pinapatahan ni Tarhata si Ciara ay nakaramdam ako ng selos at pangungulila ng ina. Kung buhay sana si mama ganun din siguro ang kanyang gagawin sa akin.
“Tuloy po,” sabi ko ng may kunmatok sa labas ng pintuan.
Si Nanay Belen ng makita niya ako na umiiyak ay mabilis niya akong nilapitan nilagay niya sa table side ang isang hawak niya na pitcher na may tubig at baso.
Umupo siya sa tabi ko az niyakap niya ako na mahigpit.
Tahan na anak, tahan na alam ko hindi mo iyong gagawin kung wala silang ginawa sa'yo.” Sabi ni Nanay.
“Nanay, kahit anong mangyari wag nyo po ako iiwan ‘nay.”
Oo anak hindi kita iiwan lagi ako sa tabi mo anak." Lalo akong umiiyak at walang tigil ang buhos ng luha ko.
Sinabi ko ang lahat kay Nanay. Mabuti na lang nandito si Nanay at nasasabihan ko siya ng saloobin ko.
May gamot ako na dala para sayo anak para makatulog ka ng maayos at huwag kang mag isip ng kung ano-ano lahat ng problema ay may solution. Magagawa mo rin ang nasa testament ng Lolo mo.” Sabi sa akin ni Nanay hinalikan niya ako sa pisngi. Sinabihan ko rin siya bumaba at magpahinga rin matanda na rin si Nanay.
Bago lumabas si Nanay ay she make sure na nakahiga na ako. Ipinikit ko ang mga mata hindi ko rin namalayan na nakatulog na ako.
Kinabukasan nagising masakit ang ulo ko at buong katawan ko. Bumangon ako at inunat ko ang dalawang kamay ko kamay ko pataas. Bumangon ako kinuha ko ang cellphone ko. Alas nueve ng umaga ang oras.
May sampung miss call from Sandro. Sinugurado ko muna na siya ba talaga ang nag misscall sa phone.
Siya nga ano naman ang kanyang kailangan. Makulit din talaga siya ang ginawa ko ay tinawagan ko siya tatlong ringing bago niya sinagot.
“Hello, hello Tulog pa si Sandro,” babae ang sumagot phone ni Sandro
Magsasalita sana ako ay narinig ko na umungol ang babae at malandi siyang tumawa. Parang may matulis na bagay ang tumusok sa dibdib ko ng makilala ko ang boses ni Sandro, agad ko pinatāy ko ang linya dahil nakikiliti ang babae sa linya.
Hindi ako mapakali nakatingin ako sa phone ko kung ano-ano ang naisip ko. Nagulat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kinuha ko ito si Tito Sammy ang nasa linya.
“Hello, Tito good morning,” magalang na bati ko.
Good morning too anak kung hindi ka busy ay hihintayin kita sa opisina ko mamaya at gusto rin kita yayain na mag lunch na tayo lang at napag usapan natin nakaraang araw sa ibang papers na kailangan ang pirma mo tungkol kumpanya.”
“Sorry po Tito pero hindi ko po nakalimutan actually pupuntahan talaga kita ngayon. After an hour nasa opisina na po nyo ako.” Sabi ko.
Hindi nagtagal mabilis umikot ang oras ay tahimik lang ang loob ng mansyon lumabas ako nakita ko si Tita Nova n garden may kausap na lalaki hindi ko kilala hindi naman nila ako nakita ay pinuntahan ko kung saan naka-park ang sasakyan ko.
Pinaandar ko ang manibela ng sasakyan ko.
While I'm driving ay tumunog ang cellphone ko si Sandro ang nasa linya. Sinagot ko loudspeaker ang ginamit ko.
“Hello,” Sagot ko
“Marinella, saan ka ngayon pwede ba tayo magkita at mag usap.” Sabi niya sa linya.
Sandro, pwede ba wag mo na akong tawagan at kukulitin please lang magulo ang utak ko. Itapon mo na lang sa basurahan ang pera na yan kung hindi mo alam ang gagawin.” Inis na sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at pinatāy ko ang linya.
Pagdating ko sa opisina ni Tito Sammy ay may nakita akong lalaki na lumabas sa kanyang opisina. Parang nakita ko hindi ko lang matandaan.
Pumasok na ako sa loob ng makita ako ni Tito ay masaya niya ako sinalubong. Pinsupo niya ako. Nag usap muna kami bago niya pinakita sa akin ang mga pipirmhan ko na papeles. Hindi ko na ito binasa dahil tungkol daw ito dairy factory.
Kumusta ang ate Maritha, kailan po siya uuwi?” tanong ko.
Sabi niya kailangan pa raw niya mag stay ng dalawang buwan bago siya babalik ng Pilipinas." Tumango ako sa sinabi ni Tito Sammy.