CINGCO

997 Words
[After one thousand four hundred sixty- four days] Lhurielle's PoV, "Miss Lhur naihatid na po yung mga flowers sa puntod ni ma'am Gail" Magalang na sabi ng isang maid. "Sige salamat." Tipid na sabi ko dito saka lumabas, wala dapat akong balak pumunta ngayon sa death anniversary ni Gail dahil tuwing birthday niya lang ako pumupunta pero wala naman akong ginagawa ngayon. "Ahm.. Miss may another box nanaman po ng white rose perfume at bouquet ang dumating kaninang umaga, baka di niyo po napansin kakalagay ko lang po as kwarto niyo." Habol pa nito sakin. Bakit parang dumadalas yata? Dati kasi every three months lang yun nagpapadala but now monthly na. Ang totoo since secondary college pa ako nakakatanggap ng mga white rose perfume na made in France pero sa halos isang dekada kong nakakatanggap nito hangga ngayon di ko parin alam kong saan galing ang mga iyon. Nung una ay di ko pa iyon pinapansin at ginagamit pero nung meron ng kasamang letter at white rose bouquet ay parang gumaan ang pakiramdam ko, at isa pa mabango naman yung perfume at may sense yung mga nakasulat sa letter. Pero bakit hanggang ngayon di parin siya nagpapakilala sakin? May ganun palang secret admirer inaabot ng halos ten years, tibay ah. "Ah, okay thank you ulit." Umakyat ako kaagad upang tinggnan iyon at tulad ng dati perfume at white rose bouquet with letter. Kinuha ko sa bouquet ang blue card na parang stationary paper dahil may scent din iyon ng white rose perfume. _________________________________________________ ᪥༻༺᪥༻❁༺᪥༻❁༺᪥༻❁༺᪥༻༺᪥༻ ∣✾                           ✺✺✺✺✺✺✺✾∣ ∣✾ Good day Miss cool gorgeous! ✾∣ ∣✾ I know that your day wasn't good ✾∣ ∣✾ because its your sister's death ✾∣ ∣✾ anniversary, but I hope this white ✾∣ ∣✾ roses will make you happy just a ✾∣ ∣✾ little. ✾∣ ∣✾ Even a fake smile can make feel ✾∣ ∣✾ better in the most worst days, ✾∣ ∣✾ so don't forget to smile Ms. Gorgeous! ✾∣ ∣✾ ✾∣ ∣✾✺✺✺✺✺✺✺                 -IamvilaC✾∣ ᪥༻༺᪥༻❁༺᪥༻❁༺᪥༻❁༺᪥༻༺᪥༻ _________________________________________________ Wow ah! 'Even a fake smile can make your feel better even in the most worst days' Para akong iwan na biglang napangiti. Hindi ko alam pero parang gumaan nga ang pakiramdam ko. Ba't di nalang siya mag confess sakin di naman ako nangangain ng buhay na tao. Tinabi ko na ang mga iyon at bumaba dahil tumataas na din ang araw bibisitahin ko pa si Gail. Sinuot ko ang helmet ko saka sumakay sa motor at pinaharurot ito ng takbo. [Few moments later] Pagkarating ko doon ay sinindihan ko ang kandilang dala ko at inalis ang ilang mga dahong nakakalat doon sa gilid ng puntod ng ni Abegail na galing sa punong malapit dun. Humiga ako sa gilid ng puntod niya at ginawang unan ang dalawa kong palad saka tumingin sa asul na kalangitan. "Kumusta na? Masaya ka na ba? Habang ako lugmok parin. Unti-unti ko ng natatanggap ang lahat ng nangyari pero sa tuwing bibisitahin kita dito meron paring kirot sakit paring tanggapin na wala na akong pasaway na palaging pagagalitan." Ilang minuto akong nasa ganoong pwesto habang pinagmamasdan ang mga ulap na may iba't-ibang hugis. Unti-unti na akong nakaramdam ako ngawit sa kamay at init dahil tumataas na din ang araw. "Baka mas madalas na akong makadalaw sayo sa mga susunod, pero magpapaalam muna ako ngayon." Medyo sumakit ang likod ko kaya hirap akong tumayo dahil sa tagal ng pagkakahiga ko... ng biglang may naglahad ng kamay sa harap ko, tinakpan nito ang sinag ng araw na dumadapo kanina sa aking mukha. Tiningnan ko ito mula paa hanggang ulo at ng mapagtanto ko kung sino ito ay nakaramdam ako ng inis pero di na yun sing lala tulad ng dati. Hindi ko inabot ang kamay nito at kusang tumayo kaya napahiya siyang binaba ito. Lalampasan ko na sana siya ng magsalita ito. "Di ko inaasahang nandito ka rin pala." Nakangiting wika nito. "It's been four years since our last meet." Habol pa niya. "Oo nga eh.... Di ko din inaasahan na buhay ka parin hanggang ngayon." Sarkastikong sabi ko dito. "Kailan mo ba ako mapapatawad?" "Kailan ka ba mamamatay?" Napangiti ito ng mapait at umiling. "I'm really sorry for everything I did Lhurielle." "Kung nakakabuhay ng patay ang 'sorry' baka mahalin pa kita." "Talaga?" Napataas ang kilay nito at ngumisi. "Siraulo." "Di mo ba ako kayang tingnan ng hindi nanlilisik iyang mga mata mo?" "Sa tuwing nakikita kita naiisip kong ang sarap maging kriminal kaya huwag kanang umasang mapapatawad pa kita." Saka tatalikuran na dapat ito pero hinawakan niya ang braso ko. "Kung magkakaron lang ako ng choice na makapag isip ng tama nung mga panahong yun hinding hindi ko magagawa yun kay Gail sobrang nagsisisi talaga ako." Malumanay na sabi nito. "Kung nagsisi ka talaga dapat nagpatiwakal ka nalang pagkatapos mong malamang nadisgrasya mo ang kapatid ko. " Marahas kong sabi dito. "Owz! What the H?! Don't tell me, nagka-affair kayo after all what happened." Maarting sabi ng babaeng biglang sumulpot sa likod nito. "What the hell you're thinking Valerie?" "Bakit hawak mo ang kamay niya?" Nakasimangot na sabi nito at parehas kaming napatingin sa braso at di naman kamay ang hawak nito kaya agad ko itong binawi. "Sa itsura nito, tsk... Mas type pa nga kita eh. Tch!" Nakangisi kong wika saka tuluya. "Eww.. She's a lesbian? The heck!" maarti pang habol nito. 'Napaka OA talaga ng mga tao ngayon.' Pagkaalis ko sa lugar na iyon ay dumiretso na ako sa isang branch ng bar na pinapa-hold sakin ni Daddy ako na muna ang nagmamanage nun pansamantala. Unang beses ko itong humawak ng bar dahil kadalasan ng pinapahold sakin ni Dad ay mga restaurant. . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD