CUATRO

1251 Words
[A few days later] Unti-unti ng lumalabas ang mga balita at usapin patungkol sa mga nangyari, at ang karamihang balita ay kung hindi pawang imbento ay halos wala ng katutuhanan. At ang buhay ko noon na tinitingala at nirerespeto ay madali nilang nahusgahan at binatikus. 'Ang mga taong pumalakpak at pumuri saiyo habang ikaw ay nasa taas ay siya ring aapak at dudurog sayo kapag nasa ibaba ka na. Ang totoo hindi nila tinututikan ang pag-angat mo dahil mas inaabangan talaga nila kung paano kang babagsak ulit.' *PAAAAKK! PAAAKK! Dalawang magkabilang sampal ang dumapo sa aking mukha mula kay Dad, ngunit di ako natinag nito sa pagkakatayo. "Ano itong pinasok mong kahihiyan Caliv, ha? Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo?" Nakakakilabot na sigaw ni Dad sa mismong mukha ko. "Huminahon ka Oliver! Hindi naman ginusto ng anak natin ang mga nangyari." Pagpapakalma ni Mom kay Dad na nag-aapoy na sa galit. "Anong hindi sinasadya sa maka-disgrasya ng isang minor de edad? At sa dinamirami pa talaga ng babae, bakit isa pa sa mga Zaruento ang kinanti mo? Alam mo bang napakarami pa ng pangarap ng batang iyon pero sinira mo lang." Muling inamba ni Dad ang palad niya pero napigilan ito ni mommy. Halos tumiklop ako sa katotohang sinasabi ng lahat sa akin ngayon. "Oliver please, calm down! Huwag kang magpadala sa emosyon mo nasasakgan mo na ang anak natin." "Siguraduhin mo lang na di maaapektohan ang kompanya sa kahongh*ngang ginawa mo lalo pa't isa ang mga Zaruento sa may pinakamalaki nating investors. Dahil sa oras na mangyari iyon kahit nag-iisa kitang anak wala kang mapapala sakin." May diing sabi nito saka umalis. Lumapit kaagad sakin si mom at hinawakan ang mukha ko. "Are you okay son? Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo galit lang siya ngayon pero huhupa din iyon." nag-aalalang tanong ni Mom habang hinihimas ang pisnge kong tila namamanhid sa sakit, pakiramdam ko labis itong namumula. "It's okay Mom I deserve it.... By the way I have to go may kailangan pa po akong puntahan." Pagpapaalam ko dito. "Where are you going?" "Pupuntahan ko po si Gail ngayon na po ang libing niya." Diretsang sagot ko kay Mom. "Anak naman baka kung anong magawa ng galit ng pamilya nila sayo lalo at nasa teritoryo ka nila. Pwedi bang huwag muna ngayon, masyado pang sariwa sakanila ang kasalanang ginawa mo Caliv." Pagmamakaawa sakin ni Mommy. "Don't worry Mom I'll be fine. Di ko maaatim na di makita ang mag ina ko kahit sa huling pagakakataon." Binigyan ko ito ng mapait na ngiti tsaka nagpatuloy sa paglalakad at di niya na naman ako pinigilan. [A few hours after] Nasa dulong parte na ako ng tent pero tanaw ko parin ang itsura ng isang babaeng kahit walang pumapatak na luha sa kanyang mga mata ay bakas ba bakas ang lungkot sa mga ito habang tinatabunan ng lupa ang kabaong ni Gail at ng anak ko. 'I'm really sorry Gail for bringing you here. I know it's all my fault, sana dumating pa yung araw na mapatawad niyo ako.' "Caliv!" Nagulantang ako ng may biglang humawak sa braso ko at laking gulat ko ng makitang si Valerie ito. "H-hon... W-what are you doing here?" Nauutal na tanong ko rito. "Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan... What are you doing here Caliv? Please tell me, hindi totoo ang lahat ng nalaman ko diba?" Nagsusumamo nitong wika. Kasabay ng malumanay na tanong niyang iyon ang pagtulo ng mga luha niya. "Aba't dito pa talaga kayo gagawa ng eksena." Isang sarkastikong lalaking boses ang sumingit sa usapan namin ni Valerie mula sa aking likuran. "Saan ka ba humuhugot ng lakas ng loob para humarap pa sakin Arcazon alam mo ang kaya kong gawin? Di ba't binalaan na kita." Di ko inaasahan ang bilis ng kamao niyang dumapo sa mukha ko at di pa siya nakontento at dinakma niya ang kwelyo ko saka sinapak ako ulit ng dalawang magkasunod kaya napahiga ako subalit kahit dama ko ng dumudugo ang labi ko di ko ramdam ang kirot nun. "Hey! Ms. Can you please stop." Pigil ni Valerie dito pero do parin ito humihinto. Sinubukan kong tumayo pero muli niya akong sinipa at inapakan ang leeg ko pero hindi iyon ganoon kadiin. "Akala mo ba hindi ko tututuhanan yung sinabi kong isasama kita sa hukay ng kapatid ko?" Unti-unti kong naramdaman ang pagsikip ng hininga ko dahil sa diin pagkakatapak niya. "Lhurielle anak, stop." Hinawakan ito ng daddy niya at saka lang nagpaawat. "Caliv, iho pwedi ba umalis ka na muna ngayon masyado pang magulo ang isip ng pamilya namin ngayon. Sinusubukan naming i-consider ang side mo pero kami yung nawalan at ikaw lang ang nakikita naming dahilan ng ugat nitong lahat kaya umalis ka na." Pagmamakaawa ng mommy ni Lhur. "Don't worry tita we're almost leaving. I'm really sorry! Maniwala po kayo hindi ko ginusto ang mga nangyari kaya sana dumating yung araw na mapatawad niyo din po ako." Nakayukong sabi ko rito saka tumalikod. "Kahit mamatay ka pa mismo ngayon sa harap ko hinding hindi kita mapapatawad 'itaga mo sa walang kwenta mong pagkatao, dadatnan ka ng karma sa oras na pinaka di mo inaasahan kaya pag-aralan mo ng maging matibay dahil pwedi mong ikamatay ang sakit na maidudulot nun sa buhay mo." Nilingon ko uli siya at tiningnan sa mata. "Kahit anong sakit ang maidulot sakin ng karmang sinasabi mo buong puso ko iyong tatatanggapin ng habang pinagsisihan ang lahat ng kasalanang nagawa ko, pero sana lang sa oras din na malampasan ko iyon mapatawad mo na ako." "Mauuna na po ako tita, tito! I'm really sorry for your lost." Tumango ako sakanila bago bumaling kay Valerie. "Let's go Valerie." Yaya ko dito papunta sa parking ng mga sasakyan. "How could you do this to me Caliv? Pano mo ako nagawang lokohin sa mismong gabi ng engagement party natin at kay Gail pa talaga? I thought she's your younger sister at alam mong naging malapit na din ako kay Abegail." Umiiyak na sabi nito. "Hindi ko sinasadya ang mga nangyari nung gabing iyon hon, at hindi namin parehong ginusto iyon. Hon, please believe me I didn't mean to hurt you." Pagsusumamo ko ditong paniwalaan niya ako. "Caliv next month na tayo ikakasal oh, tapos kung kailan maayos na lahat saka ko malalaman lahat ng ito." Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya sa sobrang hiya. "Alam mo ba kung anong pinakamasakit ngayon?... Dahil wala na akong karapatang magalit, kasi nga wala na si Gail... At ikaw, alam kong sobra kang nahihirapan sa mga nangyari. Pero Caliv kahit anong intindi ko sa sitwasyon mo hindi ko parin mapigilang masaktan, kasi hindi ko naman pweding i-schedule yung nararamdaman ko kung kailan ako pweding masaktan dahil lang mas affected ka sa nangyayari." "I'm sorry." Tanging nasabi ko nalang. "We're done Caliv. I'm breaking up with you." Kasabay ng pagkasabi niyang iyon ay binalik niya sakin ang ang engagement ring na binigay ko sakanya at saka sumakay sa kotse niya. Gusto ko siyang habulin at gusto kong magmakaawang patwarin niya ako, pero parang may kadenang nakatali sa mga paa kong wari'y nagpapahiwatig ng kahihiyang di ko maaaring takas. WHAAAAAAA!!! NAPAKA WALA KONG KWENTANG TAO! ! ! Napasuntok ako ng paulit-ulit sa sasakyan ko.... at natigil lang iyon ng maramdaman ko ang pagdurugo niyon saka wala sa sariling napaupo na lang sa semento. I FAILED being brother!..... I FAILED being father!... I FAILED being boyfriend!.... 'I FAILED being a Man!' . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD