TRES

1551 Words
Ilang buwan na ang nakakalipas pero kahit kaunti ay hindi humupa ang kaba at takot ko sa dibdib. Habang papalapit ng papalapit ang kasal ay lalong tumitindi ang kabang nararamdaman ko. Nababalot ng karuwagan ang buong pagkatao ko ngayon at wala talagang matinong bagay ang pumapasok sa utak ko. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinapa ko iyon sa bulsa ko. *Iya's calling Siya yung maid na kasama ni Gail sa resthouse na palaging nag-u-update sakin. ["H-Hello sir Caliv."] Kabadong sabi nito sa kabilang linya. "Oh! What happened Iya?" Matinding kaba ang naramdaman ko dahil sa toono ng pananalita into ay parang may di magandang nangyayari. ["S-sir ano po kasi... si maam Gail po sinugod sa hospital."] Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. "Why? What happened? Di ba kagagaling niyo lang sa hospital last week para sa monthly check-up niya?" Nag-aalala kong wika dito. ["Dinudugo po siya sir at di na po maganda ang lagay niya ngayon dito sa hospital--"] di ko na pinatapos sa pagsasalita si Iya dahil binaba ko agad yung phone ko. "Hannah! Hannah!" Sigaw ko sa secretary ko. "Ano po yun sir." nagmamadali nitong sagot. "Magpa-book ka ng flight pa Cebu, bilisan mo." Sigaw ko ulit dito. "Okay po sir!" Agad na sagot nito saka lumabas. Menisage ko si Valerie para i-cancel yung dinner date namin. 'Sana naman walang masamang mangyari kay Gail' Di ako mapakali habang hinihintay si Hannah. "Ayus na po ang lahat sir mamayang 2:00pm po ang flight niyo." -Hannah. "Okay thanks, you may go." Dali dali na akong umuwi ng bahay para mag-impake. [A few hours later] Ng makarating ako sa Cebu ay tinawagan ko kaagad si Iya. "Hello, Iya saang hospital naka-confine si Gail kakababa ko lang ng airport." ["S-sir *sob* ano po k-kasi..."] Malat ang boses niya kompara kanina kaya halatang kanina pa ito umuiiyak. "Iya ano bang nangyari." Sigaw ko sakanya sa kabilang linya. Parang di ko kakayanin ang mga susunod niyang sasabihin. ["Sir Caliv wala na po si m-maam Gail at yung baby niyo."] Saka ito tuluyang humagulhol. Halos mabitiwan ko na ang cellphone ko sa gulat. "You're just kidding right?!.. HAHAHA." Tumawa ako ng parang baliw saka napatingala upang di bumagsak and mga luhang nagbabadyang pumatak. ["Di po ako nagbibiro sir kaninang around 1:00pm po kasi kailangan ng ilabas yung baby dahil marami ng dugo ang nawala kay maam Gail nailabas naman yung baby ng buhay kaso dahil premature yung bata kaya sobrang hina pa nito a-at makalipas po and ilang minuto nawalan na ng heartbeat and baby, sinubukan itong i-revive ng mga doctor kaso wala na po talaga, saka sabi po ng doctor sobrang bata pa ni maam Gail para magbuntis kaya di kinaya ng katawan nitong magdalang tao at ilang sandali lang mula ng sabihin ng doktor ang time of date ng baby ay huminto narin ang heart beat ni ma'am Gail. "] Umiiyak ngunit seryosong sabi nito. No, no,... No way! Hindi ito pweding mangyari. Mahabang katahimikan ang namagitan. "Ba't di mo ko kaagad tinawagan?" Naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko. ["Eh, kasi po may isa pa tayong problema."] "What? Ano na naman iyon?!" ["Nandito po yung ate niya at alam na nito ang lahat kaya huwag na huwag po kayong pupunta rito dahil galit na galit si Miss Lhurielle ngayon."] "Ano? Nandiyan si Lhurielle?" Ng dahil sa matinding sakit na dulot ng mga nangyayari ay nawalan ng puwang ang takot sakin. "No. Hindi ito pwedi." Pagmamatigas ko dito. ["Sir di po ito ang tamang panahon dahil abot langit ang galit ni Miss Lhurrielle kahit mga doctor at mga staff ng hospital ay natatakot na sakanya."] Pagmamakaawa nito. "Hindi, pupuntahan ko siya... Text me the address kung hindi malilintikan ka sakin." Binaba ko na ang phone at di nagtagal ay tinext din niya ang address sakin. Halos paliparin ko na ang sasakyan papunta sa hospital na sinabi ni Iya kaya ilang minuto palang ang nakakalipas ay nakarating na ako dun. Pumasok na kaagad ako sa loob at nagtanong tanong sa mga nurse at pinasunod ako nito kung nasan ang kinaroroonan ni Gail. Halos bumagsak ako sa sobrang panlalambot ng tuhod ko ng aking mapagtanto kung san kami papunta walang iba kundi sa morgue ng hospital. "Nasa room no. 36 po ang pasyenteng hinahanap ninyo maiwan ko na po kayo sir." Yung nurse "Sige salamat." pagtapos kong sabihin iyon ay saka ito umalis. Di ko inaasahan ang biglang paglabas no Lhurielle sa kwartong iyon. "Ang lakas din naman talaga ng loob mong magpakita dito ngayon." Madiing sabi nito sa mismong mukha ko. "I-I need to see her." Kabado kong wika. "Ano? Masaya ka na? 'PATAY' na yung salot na tinago mo oh." Nakangising tanong nito sakin. Binalot ng kilabot ang buong pagkatao ko sa bawat tingin na inukol niya sakin. "L-Let me explain Lhurielle m-maniwala ka din ko toh ginusto--" "Di kita binibigyan ng karapatang magsalita!" biglang sigaw niya na nagpatikom sa bibig ko. "Maayos kitang tinanong nitong nakaraang araw kung nasaan si Gail pero wala kang sinabing kahit ano..... Alam mo ba kung ilang taon palang ang kapatid ko, ha?... 'Seventeen' palang siya, at di pa siya dapat nakaratay dun." Garalgal na sabi nito sakin at kasabay ng pagpatak ng mga luha na unang beses kong nakita sa isang tulad niya. Parang may kung anong sumaksak sa dibdib ko ng makita ko ang mga luhang iyon. Sa haba ng panahon na nakilala ko so Lhurielle ngayon palang siya nagtaas ng boses at ngayon ko lang nakitang nagkaroon ng emosyon ang mukha niya.... isang emosyon na kailan man ay di ko pinangarap na masaksihan. "Sa pagkakaalam ko, isa kang matalinong tao pero bakit sa ginawa mong katarantaduhan sa kapatid ko bakit namangmang ka, ha?" Nagulat ako ng bigla nitong daklotin ang kwelyo ko saka pabato akong sinandal sa pader. Halos hindi na ako makahinga sa labis na pagkakadiin niya sa leeg kong nanginginig pa sa sobrang galit. "Kung hindi dahil sa anak 'mo' di mamatay ang nag-iisa kong kapatid. Saiyo ko lang siya pinagkatiwala kasi akala ko mapagkakatiwalaan kang tao pero ikaw pa pala ang papatay sakanya." Muling sigaw nito tsaka inamba as mukha ko ang kamao niya. "Sa totoo lang di ako marunong manumbat at kayang-kaya kitang patayin ngayon ng di nalalaman ng kahit sino sa mundo." Sobrang bigat ng bawat paghinga niya at animo itong isang tigre na handa akong lamunin ng buo. "Pero iwan ko ba kasi sa pagkakataong ito di kita magawang saktan, siguro dahil sa sobrang pandidiri at pagkamuhi ko sayo ni hindi ko kayang idampi sa mukha mo ang kamao ko." "Kaya sa ibang paraan nalang kita pahihirapan at hindi ka lang magdudusa. Kilala kita Arcazon masyado kang malambot at mababaw kaya papatayin kita gamit ang konsensya mo." saka ito ngumisi na parang nababaliw at biglang someryoso. "Ikintal mo sa utak mo na hindi kalang nanira ng buhay dahil bunga ng kagag*hang ginawa mo ang dahilan kung bakit nawala si Gail." "Simulan mo ng ipagdasal sa lahat ng santong sinasamba mo na sana ito na ang huling araw ng pagkikita natin. Dahil kung hindi isasama kita sa hukay ng kapatid ko kahit humihinga ka pa." Pagtapos niyang sabihin iyon ay pabagsak niya akong binitawan pero pakiramdam ko ay lalong humigpit ang pagkakasakal sa leeg ko. Unti-unti kong nararamdaman ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga mata. Kahit sobra ng nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit ko parin pumasok upang silipin ang aking mag-ina. 'I'm really, really sorry Gail!' Halos takasan ako ng hininga ng makita ko ang kahabag-habag na itsura ng anak ko. 'Napakaliit niya at nangingisay ang kulay' Lhurielle is right, it's all my fault.' Sobrang nahihiya ako sa sarili ko ngayon, hindi dahil isa akong lalaking umiiyak at humahagulhol ngayon kundi dahil, sa naging epekto ng isang pagkakamaling di ko inaasahang mangyayari sa buhay ko. Paanong umabot sa ganito ang lahat! Di ko na nagawang magtagal sa lugar na iyon dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Habang palabas ng hospital ay may biglang tumawag sakin mula sa likuran kaya nilingon ko agad ito "Sir Caliv ayus lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Iya. "I'm fine physically." At binigyan siya ng isang mapait na ngiti. "Sir pasensya na po talaga kayo kung di ko naalagaang mabuti si maam Gail, maniwala po kayo ginawa ko naman po lahat ng alam kong makabubuti kay ma'am. " Nayukong hingi ng tawad nito. "Wala kang dapat ihingi ng tawad, wala kang kasalanan... Sige mauuna na ako marami pa akong dapat asikasuhin sa Manila ikaw na muna ang bahala dito hangga't may maitutulong ka sa pamilya ni Gail gawin mo." Tinapik ko siya sa balikat at muling nginitian. Akmang aalis na ako ng muli itong magsalita. "Sir kabilinbilinan po pala ni Miss Lhur huwag na huwag ka pong magpapakita sa burol ni ma'am Gail dahil baka di na siya makapagtimpi at kung anong magawa niya sayo." Nag-aalalang wika nito. "I can't do that. Handa along harapin ang galit ni Lhurielle pero hindi ko maatim na hindi makita ang mag-ina ko as mga huling gabi na pwedi ko silang makasama. Maiiwan na muna kita, I need to go back to Manila." Tuluyan na akong lumabas sa hospital na iyon at tinawagan si Hannah para magpa-book ulit pabalik ng Manila. . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD