DOS

779 Words
Sa Cebu muna pansamantalang nanirahan si Gail. Sinusuportahan ko siya sa lahat ng mga pangangailangan niya sa pagbubuntis at ilang beses ko siyang ainubukng dalawin pero di siya pumapayag. Lumipas ang mga araw hanggang sa naging buwan na ito, walang ibang nakakaalam ng nangyari sa pagitan namin ni Gail. Dalawang buwan nalang ay ikakasal na kami ni Valerie at lalo akong nakokonsensya dahil sa panloloko ko sakanya. Knock, knock, knock! Nabalik ako sa ulirat ng may biglang kumatok sa office ko. "Come in." Pumasok ang secretary kong si Hannah. "Excuse me sir!... may naghahanap po sainyo sa may lobby, sinabi ko na pong kailangan ng appointment pero importante daw po.." "Sige, papasukin mo." Walang gana kong sabi tsaka ito lumabas. Habang nagbabasa ng isang proposal ay naramdaman kong may pumasok na sa office ko pero nasa papel parin ang paningin ko ng bigla itong magsalita. Kung di pamilyar ang boses nito sakin ay mapagkakamalan talaga siyang lalaki. "Mawalang galang na sa pang-aabala." Kunwaring magalang na salubong nito saakin pero bakas sa tono ng pananalita niya ang pagiging sarkastiko. Na-miss ko ang presensya niya pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa sadya niya ngayon sakin. "Oh Lhurielle, what kind of air brings you here?" Tanong ko dito at tumingin sakanya ng diretso. She's Lhurielle Shawn, Gail's older sister. Malaki ang agwat ng edad nila ni Gail mga 8 years something yata dahil halos magkasing edad lang kami ni Lhurielle at naging classmate ko siya nung college sa ilang subject at kung gaano kalaki ang age gap nila ay ganun din kalayo ang ugali nilang magkapatid masyadong friendly at girly si Gail kompara sa ate niyang quite person at may pagka-weirdo ang kathimikan. "Masyado namang nakakababae ang tawag mo sakin parang di mo ko kilala, just call me Lhur." Malamig na sabi nito kaya bahagya akong napalunok (kahit yata ipunin ko lahat ng angas ko sa katawan ay walang-wala iyon sa lakas ng datingan ng babaeng kaharap ko ngayon. "Didiretsohin na kita Mr. Arcazon. Mag- aanim na buwan na kasing di umuuwi ang kapatid ko, oo tumatawag siya para sabihing nasa mabuti siyang kalagayan pero nararamdaman ko parang may maling nangyayari talaga eh." Mahabang sabi nito habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng opisina. "So, why are telling this to me?... Pinagsususpitsahan mo ba ko?" Pa-inosenteng tanong ko pa. "Tss! Masyado ka namang defensive... Wala akong sinabing ganyan ikaw ang nagsabi nun." Nakangisi niyang saad. "Pumunta ako dito dahil malapit ka sa kapatid ko at sa pagkakaalam ko kasi ikaw ang huling nakasama niya bago ito umalis at...para sa kaalaman mo, magkaiba ang pagsususpitsa sa nagbabakasakaling baka alam mo kung nasaan si Abegail." Seryoso nitong sabi. "At bakit ko naman itatago si Gail?" Pagsisinungaling ko pa. "Uy! Hep, hep!... Tsk, tsk, tsk." Napailing ito. "Ang isda nga naman sa bibig din talaga nahuhuli." Nakangising sabi niya. "Tinatanong kita kung alam mo kung pero wala akong sinabing tinatago mo siya." Nakaramdam ako ng kaba sa pagkahuli niya saking iyon pero hindi niya pweding malaman ang lahat ng nangyayari kay Gail. "Alam mo bang pwedi kitang kasuhan ng defamation for suspecting me." Nasisiraan na ba ako? Saan ko ba nakuha iyong sinabi kong iyon. Ang hirap talagang magsinungaling sa isang tulad niya. Ngumisi lang ito at tinaasan ako ng kilay. "Kung magsisinungaling ka lang rin naman sana galingan mo sa susunod, kasi kapag nalaman kong may ginawa ka sa kapatid ko, magsimula ka ng mag-ingat." Nagbabanta ang tuno ng pananlita niya. Halos mapatalon pa ako sa gulat ng pabagsak niyang isara ang pinto sa lakas ng kalabog. May balak ba siyang sirain yung pinto? Mukhang di siya nagbibiro sa mga sinabi niya, tsk.. Nakaramdam ako ng matinding kaba. "Who's those, hon.. Nag-away ba kayo nun?" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Valerie. Aatakihin na yata ako sa puso sa sobrang kaba at sunod-sunod na gulat. Pinakalma ko ang sarili ko at lumapit sakanya at hinalikan ito sa pisnge. "Oh hon, what are you doing here? Di mo ako sinabihan." "Sorry di na kita na update busy ka ba?" Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa pisnge. "Busy, pero okay lang basta ikaw." binigyan ko ito ng pilit na ngiti dahil hindi parin ako nakaka-recover sa pagbabanta ni Lhur. "Mom call me earlier, kailangan daw nating i-check ang venue ng reception ngayon kung exact ba sa mga visitors." "Ang aga naman hon two months pa before yung wedding natin ah." "Kilala mo naman si mom hon palaging ina-assure ang lahat ng maaga." Nakangiting pailing-iling nitong sabi. "Okay, no problem." Sinuot ko na yung coat ko saka siya nilapitan. "Let's go!" Yaya ko sakanya at inalalayan siya palabas ng office. . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD