Adrianna Hindi ako makapaniwala sa inaasal ni Giovana. Feeling niya talaga ay close na kami. Nandito kami ngayon sa isang boutique shop sa bayan at nagsisimula na siya magsukat ng mga dress sa fitting room habang ako naman ay naka-upo lang at natingin sa mga magazine na nakapatong sa may coffee table. "Miss Adrianna," ang tawag niya sa akin. Tumayo naman ako at pumunta sa tapat ng pinto ng fitting room kung nasaan siya. "Bakit Miss Giovana," ang sagot ko naman dito. "Pwede ka ba'ng pumasok dito, kailangan ko ng help sa pagsara ng zipper sa may likod ko. "Okay. no problem," at binuksan na niya ang pintuan para makapasok ako sa loob. "Wow," ang hindi ko mapigilan komento pero nainis agad ako at bakit ko naisatinig iyon dahil sa totoo lang ay ang sexy niya dito sa suot niyang red mer

