Adrianna Unang araw ng pagtatrabaho ko ngayon sa opisina ni Brion. Sa totoo ay parang hindi pa rin palagay ang loob ko na magtrabaho dito pero kapag naaalala ko si Giovana eh dapat lang na nandito ako para mabantayan ko sila. Grabe ganito ang magiging routine ko araw-araw, mga 6:30 AM ng umaga eh nandito na kami sa may tanggapan niya. Dapat sanayin ko na matulog ng maaga eh sa aga ba naman namin gigising araw-araw pero paano mangyayari yo'n eh lagi ako'ng pinupuyat ni Brion. Imbes na hindi ako nainom ng vitamins ay mapapainom na ko dahil lagi ako'ng kulang sa tulog. Nakababa na kami ng sasakyan at ang magaling na si Brion ay gusto pa'ng makipag-holding hands. Pinalo ko ang kamay niya. "Napag-usapan na natin ang tungkol dito di'ba? Bakit mo hahawakan ang kamay ko?" Ang suway ko sa k

