bc

HERA THE EXPLORER

book_age18+
488
FOLLOW
3.4K
READ
one-night stand
family
HE
opposites attract
kickass heroine
powerful
gangster
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
city
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Hera Snow Madrigal ay isang journalist sa isang malaking kompanya.She's bold,confident and fierce kaya sya ang tinuturing nilang ace at best candidate for editor in chief. Ang pagiging ambisyosa nito ang magtutulak sa kanya para makilala ang kanyang pag-ibig. Mapromote din kaya ito sa buhay pag-ibig nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
HERA'S POV Pagpasok ko pa lang sa opisina ay dinig na ang malakas na boses ng aming bureau chief. Sya ang tinaguriang boss naming mga journalists. Siguradong may pinapagalitan nanaman itong kasamahan ko. "Sinabi ko naman sa iyo na ikaw na lang ang gumawa ng pinapagawa ko sa kanya. Ang tigas din ng bungo nyong dalawa. Ngayon,imbes na nakatapos na tayo ng isang irereport,uulitin pa natin dahil sa kapalpakan nyong dalawa!" Napayuko na lang ang kasama ko sa pagkapahiyang nararamdaman. Si Jaynard iyon na matagal nang empleyado sa kompanyang ito. Ewan ko ba kasi kung bakit pumapayag payag itong sinusungitan ng aming chief,pwede naman itong sumagot basta alam nitong nasa tama ito. Hindi na ako nakatiis kaya pumagitna nanaman ako. "Boss,ang sabi mo naman kasi sa kanila ay pwede namang huwag na munang gawin tutal matagal pa naman ang dadline niyon,narinig ko kasi mismo sa bibig mo nung isang araw,ngayon,kung kailangang- kailangan na pala ay kasalanan mo yan boss diba?" Napatingin ito sa akin na hindi makapaniwala at itinuro pa ang sarili. "Ako ba ang tinutukoy mo Miss Hera?" "Yes boss wala na pong iba.",saka ako patay malisyang umalis. Kinindatan ko si Jaynard na parang sinasabi ko ditong "it's ok,no worries." Narinig ko na lamang nang sabihin ng boss namin na, "Ganun ba talaga yung babaeng yon? Sino bang boss? Diba ako?" Napa oo nalang si Jaynard dito. Bahala sya sa buhay nya. Sa lahat ng pinakaayoko ay yung ginagamit ang kapangyarihan sa trabaho para manghamak ng kapwa empleyado. Matagal na ako sa trabahong ito kaya alam ko na ang hilatsa ng mga mukha nila. Kaya pangarap kong mapromote nang sa gayon ay magamit ko sa tama ang prinsipyo ko. Sa dalawang taong pagtratrabaho bilang isang journalist ay nakita ko na ang lahat ng klase ng tao. May mga tao talagang sadyang nakapasama. Kung sino pa ang mga nakakaangat ay sila pa ang nagawa ng kasamaan sa kapwa nila. Wala naman akong pinanghuhugutan,ika nga nila,serbisyong totoo lamang. Walang labis walang kulang. Nagsasalita ako base sa alam kong tama. Wala akong pakialam kahit sino pa ang masagasaan, basta ang alam ko ay nasa tama ako,doon ako. Kaya marami ang galit sa akin dahil sa pagrereport ko, minsan nga ay malapit na akong mapahamak dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo ko. Nasa live broadcast kami noon at ako ang news anchor sa araw na iyon. Iba ang binigay sa aking script na babasahin ko sa pinasa kong report. Pero dahil matigas ang ulo ko,nireport ko ang alam kong tama at impormasyong nakalap ko. Kinabukasan ay sabog ang mga telepono at email sa opisina. Katakot-takot na sermon ang narinig ko mula sa aming editor in chief. May nagtangka pa sa buhay ko ngunit buti na lang ay maswerte akong nakaligtas. May sapusa yata ako at may siyam na buhay kaya wala akong kinatatakutan. Kaya nga Hera ang pangalan ko dahil sa matapang ako,kinuha iyon ng aking mommy sa greek mythology,dinagdag na lang ang Snow dahil maputi ako at makinis. Kaya nga ako pumasok na journalist eh para sa sambayanang Pilipino,serbisyong tapat nga ang peg ko eh,pero ang walanghiya naming editor in chief ay nasunod sa taas dahil may lagay. Kaya atat na atat na akong mapromote dahil balita na aalis na raw at mangingibang bansa na ang aming editor-in-chief. Mababakante ang pwesto at ipinangako na sa akin iyon ng may-ari ng kompanya. Kinabukasan pagpasok ko uli sa trabaho ay sinalubong ako ng aking junior na si Jaynard. "Miss Hera,pinapatawag ka ni Chief,gusto ka daw makausap." "Sige,papunta na,salamat." Pinuntahan ko ang opisina ng boss namin. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. "Boss,pinapatawag mo daw ako?" Busy itong nanonood sa computer screen nito at napalingon sa gawi ko nang marinig nito ang aking boses. "Yes. May pinapagawa sayong report ang CEO." "Ano yon boss?",naiintriga kong tanong dito. "Well,sabi nya,ibigay ko daw sayo ang trabaho kung gusto mo parin ang posisyon ni EIC. Kapag nagawa mo raw ay may pag-asa ka sa promotion. Pero kapag tatanggihan mo naman daw ay magbalot-balot ka na raw at maghanap ng ibang media na papasukan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Sige,ano ba yon?" "s*x EXPERIMENT" Nalaglag yata ang panga ko sa sinabi nito. "Pakiulit nga po boss,nabingi yata ako." "I said it's a s*x experiment." Nakalabas na ako sa opisina nito pero umaalingawngaw parin sa utak ko ang dalawang salitang iyon. "s*x EXPERIMENT" Tang ina,bakit ako? Pagdating ko sa aking table ay sinearch ko agad kung mayroon na bang journalist ang nakagawa ng s*x experiment at may lumabas namang resulta pero mga lalaki iyon. Nakakaputang ina talaga. Sila lalaki,ako babae! Bakit binigay sakin sa dinami-dami namin dito? Wala na yata akong natitirang swerte sa katawan,nagamit ko na yata lahat. Tang inabit na yan. Mapapamura ka talaga sa katayuan ko ngayon. Anong alam ko sa s*x experiment na yan eh virgin pa ako! Never been kissed,never been touched! Sumakit bigla ang ulo ko. Panahon na yata upang lumipat ako ng kompanyang papasukan. Hindi na kinakaya ng powers ko ang pangongontrol ng aming CEO. Pero pano naman ang pangarap ko? Paano na lang ang inaasam-asam kong promotion? Ang tagal king hinintay iyon. Ito na ang chance ko para mapromote pero ipagkakait pa yata iyon sa akin ng tadhana. Ilang beses kong pinag-isipan kung gagawin ko o hindi ang iniisip ko hanggang sa namalayan ko na lamang ang aking sarili na nasa loob na ng isang night club!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.8K
bc

Too Late for Regret

read
273.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
136.0K
bc

The Lost Pack

read
377.0K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook