HERA'S POV Ngayon lang ako nakakikta ng lalaking mas malala pa ang saltik kaysa sa akin. Parang nagsisisi yata akong sya ang napili kong gapangin nang gabing iyon. Malala na kasi,sino bang normal na tao ang bibili ng kompanya at maging assistant ko para lang makalapit sa nangidnap dito? O baka naman may hidden agenda ito. Di kaya pinagtritripan lang ako ng kumag na to? Pinag-isipan ko ang inaalok nitong kasal. Hindi ko naman kailangan ng pera nya dahil may pera din naman ako. Galing naman ako sa prominenteng pamilya kaya hindi ko pag-iinteresan kung mayaman man ito. Wala akong pakialam doon. Ang tagal ko kasing hinintay ang pagkakataong to,ngayong nasa kamay ko na ay bakit hindi ko na lang kunin. May diborsyo naman kaya pwede din naman mapawalang bisa ang kasal pag ok ok ang na ang lah

