Chapter 16 Fall for me

1208 Words
Mahigpit siyang yakap ni Ford. Nagtataka man ay hinayaan niya itong yakapin siya ngunit dagling nataranta ng maramdaman ang maliliit na halik na itinatanim nito sa leeg niya. Tinangka niya itong itulak ng marahan para ilayo ang katawan rito pero hindi ito natinag ni katiting. "Ford," anas niya sa pangalan nito. Napalunok siya ng maramdaman ang kamay nito na masuyong humahaplos sa beywang niya. Tila iyon ang paborito nitong parte ng katawan niya. Simula ng nagkalapit sila nito ay ang beywang niya ang lagi nitong hinahaplos ng walang palya. "Barn," sambit nito. Naghatid ng bolta-boltaheng kuryente ang paraan ng pagsambit nito sa kataga na iyon kasabay ng paglalakbay ng pangahas na kamay nito. Ni walang halong pang-aasar o insulto. Masarap din iyon sa kaniyang pandinig. Hinatak siya nito at napaupo paharap rito habang nakasandal si Ford sa headboard ng kama. "Ford, why are you so exhausted?" tanong niya para pawiin ang pag-iinit na sinisimulan nitong paliyabin sa kaibuturan niya. "Because you keep running on my mind, Babe," sagot nito na hindi pa rin tumitigil sa paghalik sa kahit saan tamaan ng labi nito. Ang korni pero may hatid na kiliti sa kaniya. Itinulak niya ito. Bumuka ang labi niya para pagalitan ito sa hindi pagseseryoso pero nalunod ang kaniyang sasabihin ng mabilis siya nitong hinapit at siniil ng halik sa labi. "Uhmm," ungol nito ng mapagtanto na tinutugon na rin niya ang halik nito ng kaparehas na intensidad. Batid niya ang pagngiti nito sa labi niya. Napaigtad siya ng pisilin nito ang beywang niya na animo nanggigigil. Samutsaring mga bagay ang umiikot sa kaisipan niya habang magkalapat ang kanilang mga labi. Nagtatalo ang isip niya at ang katawan. Ang sabi ng isip niya ay mali ito at dapat ng pigilan si Ford bago pa man sila dalhin sa isang sitwasyon na pagsisisihan niya. Habang ang katawan niya ay tila hibang na gustong-gusto ang paglapat at dantay ng kamay at labi nito sa katawan niya. Sh*t! "Babe," anas nito sa punong tainga niya. Napakagat siya sa labi niya ng maramdaman ang mainit na dila nito na lumandas sa leeg niya. "Uhmm?" mas lamang na ungol iyon na lumabas sa bibig niya kaysa pagtugon. "Will you catch me?" pabulong iyon at halos hindi nga umabot sa kanyang tainga. Napamulat ang namimigat niyang mga mata at kumunot ang noo. "Ha?" "Will you catch me if I fall, Baby?" ulit nito sa sinambit. Sa pagkakataong iyon ay sigurado siyang tama ang narinig niya. Inangat niya ang mukha para makita ang mukha nito. Mapungay ang mga mata nito at walang bakas ng pagbibiro. Nalilito siya sa ikinikilos nito."What are you saying, Ford?" Ayaw niya mag-assume, pero nagtatapat ba ito sa kaniya? Lumunok siya at kumibot ang labi. Hindi niya maapuhap ang isasagot niya. Sa kabilang banda ay tila natutunaw ang puso niya sa sinambit nito pero may takot din na lumulukob sa kaniya. Nasa misyon siya at walang puwang ang pag-ibig sa plano niya. Lalo at hindi pa alam kung may kinalaman ba ito sa pagkamatay ng kapatid niya. Hindi maari, hindi. May kirot na dumaan sa dibdib niya sa isiping iyon. Pumikit siya ng mariin. Ngunit pagmulat niya ay napasinghap siya ng kabigin nito ang batok niya at muling lumapat ang labi nito sa labi niya. This time mas mapaghanap ang paraan nito ng paghalik at paghaplos. Ang mga kamay nito ay pangahas ng pumasok sa suot niyang t-shirt at mabilis na nakalas ang hook ng kaniyang bra. "Please say yes, Viel. Please..." pagsusumamo nito. Itinaas nito ang t-shirt niya kasabay ng bra nito. Humantad dito ang malulusog niyang dibdib. Kita niya ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa dalawang bundok niya na mayabang na nakatayo. Napatili siya ng ihiga siya nito sa kama at mabilis na dinaganan. Tumingin siya sa braso nito na may tama at kita ang bakas ng muling pagdurugo niyon dahil sa pwersa. "Ford, ano ba nangyayari sa iyo? Umayos ka nga, ang sugat mo dumudugo nanaman!" pilit niyang pinatapang ang boses niya pero ang totoo ay parang kakapusin na siya ng hininga sa puwesto nila. Umakma siyang babangon ngunit napabalik din ang ulo sa kama ng sakupin ng labi nito ang isang tuktok ng bundok niya. "Ahhh sh*t!" wala sa loob na ungol niya na sinabayan ng pag-arko ng kaniyang katawan. Bakit ba masyado siyang ipinagkakanulo ng katawan niya sa bawat haplos at halik ng lalaking ito?! Tinitigan niya ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya habang pinapaikot ang dila sa tuktok ng dibdib niya. Nakagat niya ang kaniyang labi at napapikit. Pilit kinokolekta ang natitirang katinuan sa sistema niya. Misyon, Viel. Misyon! Paulit-ulit niyang isinisiksik sa isip niya ang mga katagang iyon. Pero matigas ang ulo ng kaniyang katawan. Gustong-gusto niya ang ipinararanas nito sa kaniya. Tila ba handa siyang isuko rito ang lahat. Natigilan siya. Handa nga ba siya isuko na ang lahat? Ang itaya pati ang pato at pamanggulo? Handa ba siyang kalimutan ang misyon? Talikuran ang paghahanap ng hustisya para sa kuya niya? Para siyang biglang napabalik sa ulirat niya. 'No! Hindi! I need to give justice on my kuya's death!' sigaw ng isip niya. Iniangat niya ang ulo mula sa pagkakabaon sa unan para sana itulak ito pero kapwa sila natigilan ng biglang bumukas ang pinto ng adjacent room ng nursery at pumasok si Klein na pupungas-pungas. Kinukusot nito ang mga mata. "Papa, I can't open the main door of the nursery po," sambit ni Klein na sinabayan pa ng paghikab. Oo nga pala, ini-lock niya ang pinto kanina mula sa labas. Nawala sa isip niya! Mabilis niyang itinulak si Ford mula sa pagkakadagan sa kaniya. Napaigik ito na tila nasaktan pero sinabayan din naman ng ngisi. Pero bago pa man siya makakilos para ayusin ang sarili ay muli siya nitong hinatak at mabilis na nagnakaw pa ng halik sa kaniyang labi bago gumulong pahiga sa kama. Sinamaan niya ito ng tingin pero tila balewala lang dito ang kaniyang ginawa. Mabuti at hindi kita agad ng direkta ang kama dahil may nakaharang na partition mula sa pinto ng adjacent room. Inayos niya ang damit at mabilis na ini-hook ang kaniyang bra at bumaba ng kama. Sakto paglapat ng paa niya sa sahig ay ang paglapit ni Klein. "Mama, you're here!" sambit nito ng makita siya at mabilis na humakbang palapit. Lumingon ito kay Ford at kumunot ang noo ng makita ang benda nito sa braso na may bahid ng dugo. "What happened, Papa?" Umakyat ito sa kama at tumabi kay Ford sabay haplos sa braso nito. "Papa just had a little accident, Bud. But don't worry, I'm okay. Mama is taking care of me kaya mabilis lang ako gagaling," sagot nito sa bata sabay gulo sa buhok nito at lumingon sa kaniya habang nakakagat ang labi. Napairap siya rito. 'Ang landi-landi talaga!' Gigil na angil ng isip niya. 'Ang rupok-rupok mo naman!' Ganti naman ng kabilang isip niya. Hays! Nababaliw na yata talaga siya! Maygad! Napabalik siya sa ulirat ng marinig ang iyak ni Baby Ri. Agad siyang tumalikod para takbuhin ang nursery pero bago niya marating ang pinto ay narinig niya ang boses ni Ford. "Fall for me, Mama!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD