Chapter 15 You are my comfort

1399 Words
Isang putok ang naulinigan niya pero wala siyang naramdaman na tumamang bala sa kaniya. Dumilat siya at napalingon ng may kumalabog sa likod niya. Bumulagta ang isang nakaitim na lalaki. Bumaling siyang muli kay Ford para lang manlaki ang mga mata. May kalaban sa likod nito. "Ford sa likod mo!" sigaw niya sabay putok ng baril dito pero nagpaputok din ang lalaking nakaitim. Sabay na humandusay ang kalaban at si Ford. Mabilis siyang lumapit dito sapo ang kaliwang braso. Dumudugo iyon. "Sh*t! May tama ka!" sambit niya. Tinulungan niya itong makatayo para maipasok niya sa loob ng bahay. "I'm okay, Viel. Arghh!" napaigik ito. Isinukbit niya ang isang braso nito sa balikat niya. Kahit malaking babae siya mas malaking bulas pa rin ito sa kaniya idagdag pa na malaki rin itong tao. Tinapik niya ng marahan ang pisngi nito. "Pa-okay okay ka pa riyan eh may tama ka na ng bala!" sermon niya rito. Nilingon niya ito at nahuli na mariin ang pagkakatitig nito sa mukha niya. "Bakit marunong ka humawak ng baril, Viel? Bakit may baril ka?" sunod-sunod na tanong nito. Inirapan niya ito. "Baka instinct ko? Eh paano kasi iyong si Mr. Ford Damien Montecillo ay laging missing in action. Abah, kailangan kong kumilos para maprotektahan ko ang dalawang alaga ko!" Sa gilid ng mga mata niya ay may nakita nanaman siyang bulto ng tao. Umalerto siya at hinigpitan ang hawak sa baril. Nang nasa hamba na sila ng pinto ay isinandal niya si Ford at mabilis na pumihit at inasinta ang papalapit na lalaking nakaitim. Nilapitan niya ang lalaki at sinipa para tignan kung buhay pa para sana madagdagan ang mga pwede nila pagkuhaan ng impormasyon pero wala na ito. Naasinta kasi niya mismo sa dibdib. Dinampot niya ang mahabang baril na dala nito at sinipat. Napailing siya. Mga latest model ng De kalibreng baril ang gamit nila. Hindi basta-basta ang nasa likod ng mga ito. "Viel," mahinang tawag ni Ford sa pangalan niya. Nilingon niya ito at mabilis na dinaluhan. Isinukbit niya ang baril na kinuha sa lalaki at muling inakay si Ford. Mukhang nahihilo na ito dahil sa walang humpay na pag-agos ng dugo mula rito. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ugong ng sasakyan na may wangwang at humahangos na pumasok si Denz. Ang kaibigan ni Ford. "What happened, Dude?" tanong nito kay Ford na pinaupo muna niya sa sofa. Nakasandal ang ulo nito na tila nanghihina. "Uhm Denz, I think kailangan ko muna magamot si Ford. He's bleeding and losing a lot of blood. Aakyat lang ako to get the first aid kit," sagot niya. Tumango naman ito at ngumiti sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo sa itaas at kinuha ang mga kakailanganin para magamot ang sugat ng lalaki. Hindi naman nakabaon ang bala pero nahiwa ng bala braso nito na naging sanhi ng labis na pagdurugo. Nang makabalik siya ay tila matutumba na ito mula sa pagkakasandal kaya inaalalayan ito ni Denz. Tila huminto na rin ang putukan at mukhang nasecure na ng mga tauhan ni Denz ang buong bahay. Agad niyang tinanggal ang jacket nito na punong puno ng dugo. Medyo nailang pa siya dahil pinapanuod siya ni Denz sa ginagawa niya. Nilingon niya ito na may nagtatanong na mga mata. "Ah sorry for staring, Viel. Napaisip lang ako na ang swerte ni Ford at may magandang nag-aalaga," tila nahihiyang sambit nito sabay iling at kamot sa batok. Napakurap naman siya at lalong nailang. "By the way, aalis muna ako at dadalhin ko na ang isang iyan para mainterrogate namin," dugtong nito sabay turo roon sa lalaking itinali niya sa may sala na walang malay at duguan ang mukha. "Ah sige. Sana makakuha ng lead. Feeling ko hindi basta-basta ang nasa likod ng gusto mapatay si Mr. Montecillo. Matataas na kalibre ng baril ang gamit ng mga tauhan na ipinadala nila," paliwanag niya habang abala ang mga kamay sa paggupit sa manggas ni Ford. Nilingon niya si Denz dahil nanatili itong tahimik. Nakatitig ito sa kaniya habang nakalagay sa bulsa ang mga kamay. "Bakit?" tanong niya. "You sounded like someone na may alam sa kalakaran ng trabaho namin. Dati ka bang agent?" curious na tanong nito. Napalunok siya pero hindi pinahalata ang kaba na sumipa sa kaniya. Alam niyang maling salita at galaw niya lang ay mabibisto nito na nagpapanggap lang siya. They can read body languages when you are lying, you know! The power of profiling! "Ahh, mahilig kasi ako manuod ng mga action na palabas tsaka mga thriller and mystery kaya may ideya ako sa ganiyan," sagot niya habang nagpapanggap na abala sa paglilinis ng sugat ni Ford. Iniwas niya ang mga mata niya dahil maari siyang mabisto nito. Magtatanong pa sana ito ngunit naputol iyon ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isa sa tauhan ni Denz. "Sir, naisakay na ho lahat ng mga intruder. Dadalhin ho sa opisina ang mga buhay pa para mainterrogate," Tumango si Denz dito. "Pakidala na rin nitong isa pa, Perez. Susunod ako sa mobile," utos nito bago mabilis na kumilos ang tauhan nito at dinampot ang lalaking nakaitim at dinala sa labas. "Viel, mauna na muna ako. Kapag nagkamalay na si Ford pakisabi tatawagan ko na lang siya para sa report," pagpapaalam nito na ikinahinga naman niya ng maluwag. Ngumiti siya rito. "Sige, salamat." "If may kahina-hinala ka ulit na mamataan, please don't hesitate to call me. Here," wika nito sabay abot ng isang calling card. Inabot naman niya iyon. "Oo sige. Salamat, Denz. Ingat ka," sagot niya na ikinatigil nito. Parang natuwa ito sa salitang ingat ka. "Wil do, Viel. Thank you. Please take care also. Sige una na ako," tila ayaw pa nito umalis pero dahil kailangan ay wala itong magagawa kundi ang humakbang na paalis. Napabalik ang tingin niya kay Ford mula sa pagtanaw sa paalis na si Denz dahil sa ungol nito. "Viel," mahinang tawag nito. "Yes, I'm here Ford. Kaya mo ba umakyat sa kuwarto mo? Hindi kita kayang buhatin, napakabigat mo eh," nakangiwi niyang sambit dito. Nakalimutan niya magpatulong kay Denz na ipaakyat ito sa kuwarto. Paano ba naman kasi, na-hotseat siya ng hindi oras. Muntik pa siya mabisto! "Why are you flirting with that as*hole?" kahit mahina ang pagkakasambit nito ay ramdam niya ang pag-aakusa sa tono nito. Ano raw? Sumingkit ang mga mata niya. "Ano'ng pinagsasabi mo, Ford Montecillo? Nagdedeliryo ka na ba?" Rinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Tila marami pa itong gustong sabihin pero dahil nanghihina ang pakiramdam ay hindi nito maisatinig. Nagtataka siya dahil daplis lang sa braso ang tama nito pero tila ito hinang-hina. Marahan niya itong inalalayan tumayo at muling inakbay ang braso nito sa balikat niya. Pakiramdam niya ay lalabas na ang uterus niya sa tindi ng effort niya sa pag-akay rito. "Ang bigat mo!" reklamo pa niya habang tumatagaktak na ang pawis niya. Inihiga niya ito sa kama bago pumasok sa closet para kumuha ng damit nito pampalit. Napalunok pa siya at nagdalawang isip kung papalitan ba ito o hindi. Pero sa huli mas pinili niya na palitan ito. Puno kasi ng dugo ang damit nito. Bahala na! Pinasandal niya ito sa headboard bago maingat na inalis ang damit nitong pangitaas. Nanlaki ang mga mata niya, hindi dahil bumandera sa kaniya ang ganda ng katawan nito kung hindi may mga pasa ito sa katawan. Ang iba ay kulay green habang ang iba ay kulay ube na. "Anong nangyari sa 'yo?" puno ng pagtatanong at pag-aalala ang boses niya. May pasa ito sa may dibdib at sa may tagiliran. Sumandal ito sa headboard ng kama at pumikit. Tila iniiwasan ang pagtatanong niya. "Saang lupalop ka nakipagboksing?" muling kulit na tanong niya ng tuluyan ng mabihisan ito. Umupo siya sa gilid ng kama at tinignan ito. Pero napasinghap siya ng walang salita itong kumilos at hinila siya. Iniwasan niyang mapadaiti dito dahil baka madaganan niya ang mga pasa nito kung kaya't itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang gilid nito. "Ano ba, Ford! Baka madaganan ko mga pasa mo!" Pero hinapit siya nito at niyakap tila walang pakialam kung madaganan ang mga pasa nito. Nakabaon ang mukha nito sa leeg niya at ramdam niya ang init ng hininga nito na tumatama sa balat niya. "Shhhh, just let me hug you, Babe. Please let me hug you. I'm so tired," pabulong na sambit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD