Chapter 11 Family Day

1253 Words
"Mama!" excited na boses ni Klein na gumising sa kaniya. Niyugyog pa nito ang balikat niya. "Ouch! Kuya, careful. Masakit ang katawan ni Mama Viel eh," bumangon siya at ginulo ang buhok nito. Ilang linggo na rin simula ng bumalik siya sa training at sineryoso ang workout para maging fit para sa misyon niya. Pero ang kapalit ay ang masakit na katawan niya. "Oh sorry Mama. I just got too excited. Today is our Family day in school! Papa ask me to check on you para iremind ka," halata sa boses talaga nito ang excitement. Noong nakaraan daw kasi ay hindi ito sumali sa family day dahil busy ang parents nito na noon ay nabubuhay pa. "Hmmm, hindi nga masyadong excited ang kuya ko ah?" pinisil niya ang ilong nito. "Hug mo muna si Mama para gumanda ang pakiramdam," lambing niya rito. Agad naman ito lumapit at niyakap siya. Hinalikan niya ito sa ulo. God! Napapamahal na talaga siya sa mga alaga niya! Baka mahirapan talaga siya makarecover kapag natapos na ang misyon niya. Bigla siyang nalungkot at hindi namalayan na napahigpit na ang yakap niya sa bata. "Mama Viel, I can't breathe! Ang higpit mo naman yumakap eh!" reklamo nito. "Ay sorry! Akala ko stuff toy ka eh!" lumabi ito sabay muling yakap sa kaniya na ikinagulat niya. "Ang sarap magkaron ng Mama. Kahit malaki na kami ni Baby Ri, love mo pa rin ba kami, Mama Viel?" niyuko niya ito dahil nakayakap pa rin ito sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok nito habang nangingilid ang luha niya na pilit niyang pinipigilan. Kaloka 'tong batang ito! Aga-aga magpaiyak! Lumunok muna siya para pawiin ang bikig sa lalamunan niya." Oo naman! Kayo ang magiging forever baby ko ni Ri," pilit niyang pinasigla ang boses niya. Kumalas ito sa yakap. "Hindi na po ba kayo magdadagdag ng baby ni Papa?" Parang gusto niya masamid sa tanong nito. Ano bang pumapasok sa utak ng batang ito? Binuka niya ang bibig para sumagot pero may boses na sumagot sa likod na kapwa nagpalingon sa kanila ni Klein. "Why Bud? Gusto mo pa ba madagdagan ang baby siblings mo?" nakangisi ang mukha ni Ford na halatang kakagising lang rin at tangan pa ang kape sa kamay habang nakalagay sa bulsa ng shorts nito ang isang kamay habang nakasandal sa hamba ng nursery room. "Opo Papa! Si Pocholo nga po meron siyang five na baby siblings. Niyayabangan nga po ako no'n! Sabi niya siya raw ang may pinakamaraming siblings sa classroom namin! Sabi ko gagawa po kayo ni Mama Viel ng twenty!" Nasamid siya kahit wala naman siyang kinakain. Twenty? Harujusko! Daig ko pa ang inahing baboy sa hinihiling ng batang 'to! "Uhmm Kuya, kasi hindi iyon gan---," hindi niya natapos ang sasabihin kay Klein ng putulin siya ni Ford. "Tell Pocholo na bibigyan ka namin ni Mama Viel ng thirty," nakaawang ang labi na napaangat siya ng tingin kay Ford. Nakangisi ito at tila amuse na amuse sa mga kalokohan na pinagsasabi. Sinamaan niya ito ng tingin pero tila ito hindi man lang natinag at nagkibit pa ng balikat. Pinaglapat niya ang labi niya at lihim na nagngingitngit. "Oh kuya, go to your room and start preparing na! Sige ka baka ma-late tayo mamaya," taboy niya rito. Mayroon kasi siyang gustong bigyan ng leksiyon. "Yes Mama!" masiglang sagot nito sabay tayo at nagtatakbo palabas ng kuwarto. Siya naman ay dinampot ang unan sabay bato kay Ford na mabilis naman nitong nasalo habang tumatawa. "Why?" kunwari ay maang na tanong nito habang nakaplaster ang napakasimpatikong ngiti na kahit yata sino ay mahuhulog. Hulog? Sh*t! Saan galing 'yon??? Hindi pwede! "Huwag mo 'ko i-why why riyan, Mr. Ford Montecillo! Binibigyan mo ng false hope ang bata!" galaiti niya habang dinuduro ito. Hindi niya alam kung bakit kahit amo niya ito ay hinahayaan siya nito na sermunan niya. At tila tuwang-tuwa pa nga ang impakto! "He'll understand that when he grow up, Viel. So chill!" cool na cool pang sagot nito sabay higop ng kape. Sasagot pa sana siya pero umungot na si Baby Ri. Nagising yata sa paghuhuntahan nilang dalawa. Napabuga na lang siya ng hangin sabay lapit sa crib ng bata. Pero muli siyang napalingon ng magsalita ito ulit. "Pwede rin naman kahit anim na lang ibigay natin kay Klein para lamang pa rin siya kay Pocholo," tumataas taas pa ang kilay nito na wika. Gigil na kinuha niya ang diaper na pinag-ihian ni baby Ri na nakatupi sa gilid ng crib dahil hindi pa niya naitatapon iyon at ibinato rito. Napaatras naman ito at sakto na nasalo nito pero napunit kaya nahawakan niya ang cotton na lumabas sa diaper, idagdag pa na natapon ng kaunti ang laman na kape na hawak nito. "What the h*ll!" sigaw nito pero natatawa. "Buti nga sa 'yo!" sambit niya habang pinipigilan matawa. Mabilis niyang isinara ang pinto ng nursery room. Mabilis siyang nagprepara at inihanda ang mga kailangan dalhin at nagbilin kay Tetay ng mga dapat gawin habang binabantayan si baby Ri. Hindi kasi nila ito isasama para makapag focus sa mga activities ng family day ni Klein. Napadaan siya sa salamin, Nakasuot siya ng stretchable ripped jeans, purple polo shirt at rubber shoes. Magkakaparehas silang tatlo ng suot nila Ford at Klein dahil ni require ng school for family day. Malaki na rin pala ang na-lose niya. Na-tone na ang muscles niya at feeling niya kahit maglambitin pa si baby Ri sa braso niya hindi siya mangangalay. "Let's go, Mama Viel!" sigaw ni Klein mula sa baba. Napapangiti siya, dahil ibang iba na Klein na ito ngayon. Ang mga ngiti nito ngayon ay umaabot na sa mga mata nito. Pilyo pa rin naman ito pero normal naman iyon sa mga kaedad niya. Pero matalino at mabait na bata ito. "Andiyan na po!" tugon niya rito bago nagmamadali na kinuha si Baby Ri sa crib para ibigay kay Tetay at isinukbit ang bag. Paglabas niya ay nag-aabang na ang magtiyuhin sa kaniya sa kotse. Nakasandal si Ford sa Toyota Camry nito habang nakahalukipkip. Nailang pa siya ng mapagtanto na hindi nito inaalis ang pagkakatitig sa kaniya habang naglalakad papalapit dito. Si Klein kasi ay nasa loob na ng kotse at abala sa ipad. Napalunok siya at biglang na-conscious sa itsura niya. Hays! Ano ba iyan! Lalo pa siyang parang pinagpawisan ng hindi pa rin ito tuminag ng makalapit siya. Sa passenger seat kasi na pintuan ito nakasandal. "Huy! Aalis na tayo o aalis tayo?" untag niya rito. Agad naman siya nitong sinuklian ng nakakatunaw na ngiti. Gumalaw ito at pinagbuksan siya ng pinto. "You're beautiful, Mama Viel," bulong nito sa kaniya bago mabilis na umikot papunta sa drivers seat. Pakiramdam niya ang pula-pula ng mukha niya. Pa-fall masyado! Akala mo naman sasaluhin siya! Awit sa 'yo! Mabilis ang naging byahe nila papunta sa school ni Klein lalo at walang trapik. Nang umibis sila sa kotse ay napatanaw siya sa kabilang dulo ng parking lot. Bigla siyang tila nanigas sa kinatatayuan. Napaigtad siya ng maramdaman ang paghawak ni Ford sa beywang niya. Mukhang may sinasabi ito na hindi niya narinig. "Are you okay, Viel?" tanong nito sabay tingin sa direksiyon ng tinitignan niya. "Y-yes. May nakita lang akong hindi magandang tanawin," sagot niya. "Sino?" kunot noong tanong nito. Tila tinatambol ang puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa nakita niya o dahil sa kamay ni Ford na nasa beywang niya. "My-my ex," mahinang tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD