Tila biglang nag-flashback ang sakit ng pang-iiwan sa kaniya ng ex-boyfriend niya. Kung paano siya nito ipinagpalit sa iba at ipinamukha sa kaniya na ikinakahiya siya nito dahil sa sukat ng katawan niya.
Ang pilat na iniwan nito na sumira sa tiwala niya sa sarili.
"Viel," napabalik siya sa ulirat ng marinig ang boses ni Ford. Malumanay iyon kaya naghatid ng kakaibang kiliti sa kaniyang pandinig.
"Hmm?" lumingon siya rito, pero wrong move yata dahil halos maglapit na ang mukha nila.
Kinuha nito ang kamay niya at pinisil sabay ngumiti. "I got you, Mama Viel. Gusto mo bang ilampaso natin iyang ex mo?"
Napangiti na rin siya, tila siya nakahanap ng kakampi na sasamahan siya rumesbak. "Hayaan na natin, ang pangit naman niya. I don't wanna waste my time," kumindat pa siya rito.
Napasinghap siya ng hapitin siya nito at ilapit ang labi sa tainga niya sabay bulong. "Always remember that you are beautiful, hmmm?"
Napalunok siya at tila kinuryente sa pag dampi ng labi nito sa may tainga niya. Oh my goodness!
Napamaang siya ng panandalian. Is it really possible na mahalin ka ng isang tao beyond your physical looks? Well, base sa mga nababasa ko ang sabi ay nag-uumpisa ang love with attraction. Which means with physical looks, right? Hindi niya alam kung sino ba ang tinatanong niya, at kung masasagot din ba siya ng sarili niya.
Ipinilig niya ang ulo. Huwag kang assumera, Viel!
Iginiya na siya nito maglakad. Kapit nito sa kaliwang kamay si Klein habang nakahapit naman sa beywang niya ang kanang kamay nito. Nakakahalata na siya na kanina pa ito nakahawak sa beywang niya. Pero hindi naman niya maikakaila na nakakaramdam siya ng security sa bisig nito.
Napahigit siya ng hininga ng mapadaan sa tapat ng ex niya lalo na ng magtama ang mga mata nila. Gulat ang unang rumehistro sa mukha nito pero agad din na nagbago at ngumiti sa kaniya sabay baba ng tingin sa kamay ni Ford na nakahapit sa kaniya.
Siya naman ay napanatili ang blangkong ekspresyon at diretsong naglakad lang. Ramdam niya ang pagsunod ng titig nito sa kaniya.
Kinapa niya ang sarili. Tila wala na siyang maramdaman ng magtama ang mga mata nila. Wala na iyong mapait na panlasa sa bibig niya maalala niya lang ito. Iyong sugat na iniwan nito sa kaniya ay tila naghilom na. Masakit kung babalikan, dahil ang taong minahal mo at inakala mong bubuo sa iyo ay ang siyang sumira at dumurog sa pagkatao mo. Pero ngayon, tila kaya na niya itong harapin ng walang pait sa pakiramdam.
"Mama, are you okay?" tanong ni Klein sa kaniya. Napakurap pa siya pero agad din na ngumiti. Nakaupo na sila sa isa sa mga round table at nagsasalita na ang emcee sa harap. Hinila niya si Klein para kumandong sa kaniya at niyakap ito.
"Yes, Kuya. Galingan natin sa games ah?" sagot niya rito at hinalikan sa pisngi ang bata.
"How about Papa, Mama Viel? Walang kiss?" singit ni Ford. Napakunot ang noo niya na tinignan ito. Ang mata nito ay tila may itinuturo na sinundan naman niya. Sakto nakita niya na nakatingin ang ex niya habang naka-abrisyete rito ang isang babaeng mukhang kawayan sa sobrang payat.
Ibinalik niya ang mga mata kay Ford at nakangiti itong nakatingin sa kaniya habang tinuturo ang pisngi nito. Hindi niya alam kung pinagtitripan lang siya nito o sadyang gusto lang siyang makaganti sa ex niya.
Wala sa loob na inilapit niya naman ang labi at hinalikan ito sa pisngi. Pakiramdam niya ay namula ang pisngi niya roon.
Gagi, bakit ako kinikilig?
"Mama, Papa, bawal kayo mag-kiss sa harap ng bata! So don't kiss in front of me po!" sabay silang napatingin kay Klein na nagtakip ng mata at natawa na lang silang dalawa rito.
Ginulo ni Ford ang buhok ni Klein at kinuha sa kandungan niya. "Dito ka na kay Papa, Bud. Baka mabigatan si Mama Viel," sambit nito na nagpatalon nanaman ng puso niya. Pakiramdam niya any moment maha-heart attack siya sa pagka-sweet at gentleman nitong hinayupak na 'to.
Lord, huwag po ninyo sanang hayaan na mahulog ako kung hindi naman po niya ako sasaluhin! Napapikit pa siya ng mariin bago muli ng itinutok ang atensyon sa nagsasalita sa unahan.
KASALUKUYAN silang nakatayo ngayon habang ipinapaliwanag ng emcee ang mechanics ng game.
Card Relay. Kailangan ipitin ng magkapareha ang card sa kanilang bibig habang magkahawak at lumakad papunta sa dulo ng line kung saan doon ilalagay ang card. Unang makarating doon at makapaglapag ng card ang magkakaroon ng points.
Inilagay ni Klein ang card sa pagitan ng bibig nila ni Ford at naglakad sila ng dahan-dahan. Nailang siya bigla dahil bukod sa mga mata na nakamasid sa kanila na may halo-halong reaksiyon kabilang na ang mata ng ex niya ay mas natilihan siya sa mga kamay ni Ford. Na dapat ay magkahawak lang ang kanilang kamay na nakataas sa magkabilang gilid pero ang Ford ay nakayakap sa beywang niya at siya naman ay sa magkabilang braso nito. Ramdam ng katawan niya ang mainit na katawan nito.
Dinig niya ang mga impit na tili sa paligid dahil sa itsura nila.
"Ang parents ni Klein ay mukhang nasa honeymoon stage pa eh ano? Halos ayaw pakawalan ni Mr. Montecillo si Madam!" sambit ng emcee na may kasama pang kilig at tili.
Napangiti siya. Hindi niya namalayan na napaluwag ang pagkakadikit ng labi niya sa card kung kaya't bigla itong dumausdos at nalaglag. Nang kapwa nila habulin ay hindi sinasadya na ang mga labi nila ang naglapat dahil tuluyan ng nalaglag ang card.
Napasinghap siya ng maramdaman ang labi ni Ford. Sh*t! Ang lambot!
Pero agad din siyang napabalik sa ulirat at marahan na itinulak ito pero hindi ito natinag. Naramdaman pa niya ang pagngiti nito habang nakalapat ang labi sa labi niya.
"Sinadya mo iyon ano?" bulong nito ng humiwalay ito ng halik na ikinalaki ng mga mata niya. Itinulak niya ito at tinignan ng masama.
"Kapal mo huy! Aksidente iyon," depensa niya. Pero ang pisngi niya ay parang sinisilaban.
"Pero ito hindi na aksidente," sambit ni Ford bago walang babalang muli siyang kinintalan ng halik sa labi na lalong nagpabaliw sa mga taong nandoon. Ang mga bata naman ay kani-kaniyang takip ng mga mata.
Oh my! Is he just playing along to help me para ipakita sa ex ko na okay na ako? O sadyang nilalandi ako ng haliparot na to?
Natapos ang mga games na sila ang idineklarang panalo. Walang pagsidlan ang tuwa na nakikita niya kay Klein na talaga naman nagbigay sa kaniya ng nakakaiyak na pakiramdam.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa table habang hinihintay makabalik ang magtiyuhin. Si Ford na lang kasi ang sumama rito para magpalit ng damit nito na basang-basa na ng pawis.
"Hi, Viel. Kamusta ka na?" napa-angat siya ng tingin sa bumati sa kaniya. Kilala niya ang boses na iyon kahit hindi siya tumingin.
"Hi Jasper, okay naman," tipid na sagot niya. Wala siyang balak makipagplastikan dito. Nakamove on man siya pero hindi ibig sabihin no'n ay kaya na niya makipagkaibigan rito na parang walang nangyari.
I forgive but I do not forget!
"Look, Viel. I'm sorry for what happened before," tumitig ito sa mga mata niya pero umiwas siya.
Ngumiti siya. "That's part of the past already, Jasper. Anyhow, the pain that you've caused me has molded me into more of a person that I should be. A stronger one, stronger than you could ever imagine."
Viel felt proud of herself, nasabi niya iyon ng hindi nabubulol. Sh*t! English 'yon ah!
"Babe!" Napalingon sila parehas sa sumigaw na iyon. Si Ford buhat-buhat ang bagong palit ng damit na si Klein.
Napaikot ang mga mata niya sa hangin.
Tinignan niya ito ng masama na tila ba sinasabi na "sa lahat ba naman ng endearment bakit naman "babe" pa?!"
Babe in the city? Hayp na 'yan!