Chapter 13: Ford on the move

1312 Words
Walang tigil pa rin si Ford sa pagtawa habang nagmamaneho na ito pauwi. Si Klein naman ay knock out na, napagod masyado sa buong araw na activities at nakaplakda sa backseat. "Bakit? Ang sweet naman ng babe ah?" depensa nito habang halos naluluha na sa sobrang pagtawa. "Ang sweet? Ginawa mo 'kong baboy!" angil niya rito na muli nanaman nitong ikinatawa. "Ano ba gusto mo itawag ko sa iyo? Winnie the pooh? Piglet? Ahhh, how about barney?" nakataas pa ang hintuturo nito. Mukhang nasa mood ang impakto na asarin talaga siya. "Eh kung pamagain ko kaya iyang mukha mo para ikaw ang makahawig ni barney? Bwisit ka talagang impakto ka!" Umigkas ang kamay niya at hinampas ito sa braso. Hinuli naman nito ang kamay niya. Mukhang eksperto na talaga ito sa pagmamaneho dahil isang kamay lang nito ang nasa manibela. Napalunok siya dahil hindi siya nito binitawan. Holding hands yarn? Napasinghap pa siya ng bigla nitong iangat ang kamay niya at sininghot iyon habang ang mga mata ay nakatutok sa daan. Hinatak niya ang kamay mula rito. Na-conscious siya baka mabaho ang kamay niya. "You smell nice, Barn," wika nito sa kaniya na saglit siya nilingon sabay kindat at ngisi. Sinamaan niya ito ng tingin at hindi na pinansin. Nakakabuwisit na kasi masiyado ang kaguwapuhan nito! Nakaka-fall! Nang makarating sila sa bahay ay agad niyang binuksan ang pinto ng kotse. Hindi na niya hinintay ito na pagbuksan siya gaya ng nakagawian nito. Besides, kukunin pa nito sa Klein sa backseat na tulog na tulog pa rin. Kinuha niya lang ang mga bags at dumiretso na ng pasok sa loob ng hindi ito kinikibo. "Hah! Kahit amo ko siya, wala akong pakialam!" mahinang bulong niya na may kaakibat na ngitngit. Hindi niya alam bakit conscious pa rin siya pagdating sa may kinalaman sa katawan niya. Though alam naman niya na malaki na ang na-lose niya na weight at na-tone na ang muscles niya. Umakyat siya at sinilip si Baby Ri sa loob ng nursery. Katabi nito sa Pepay na natutulog kung kaya't isinara niya muli ang pinto. Pagpihit niya ay nakasalubong niya si Ford na karga ang natutulog na si Klein. Nakatingin ito sa kaniya pero iniwas niya ang mga mata. Binuksan na lang niya ang pinto para maipasok na nito ang pamangkin. Bumaba siya at sinilip si Nana Aida sa kuwarto nito. "Nana Aida?" tawag niya rito pagbukas ng pinto. Nakita niya ang matanda na nakahiga sa kama nito na tila may dinaramdam. "Viel, nandiyan na pala kayo. Pasensiya na at hindi pa ako nakapagluto. Nahihilo kasi ako kanina pa. Baka umaatake nanaman ang vertigo ko. Sandali lang at ako'y magluluto," wika nito at painot na bumangon. Mabilis naman siyang lumapit dito at pinigilan. "Hindi na ho Nana Aida, ako na po ang maghahain kay Mr. Montecillo. Tulog na rin naman si Klein at baka hindi na iyon kumain. Magpahinga na ho muna kayo. Nakainom na kayo ng gamot?" tanong niya habang ginigiya ito pabalik sa paghiga. "Sige, Hija. Umiikot kasi talaga ang paligid ko. Nakainom na ako ng gamot kanina. Salamat, Viel," sambit nito sabay pikit. Mukhang nahihilo talaga ito. "Hatiran ko ho kayo ng pagkain mamaya. Gigisingin ko ho kayo mamaya ha?" malumanay na wika niya rito. Itinaas niya ang kumot hanggang dibdib nito. Napakunot ang noo niya ng mapagtanto na nakatitig na ito sa mukha niya. "Bakit po, Nana Aida?" "Napakabait mo talagang bata ka, kahit pilya ka ng madalas. Hindi na ako magtataka kung bakit muling sumigla ang mansiyon na ito sa pagdating mo," ngumiti ito sa kaniya. Napakurap naman siya sa sinabi nito. "Nana Aida, vertigo lang iyang sakit mo hindi ho ba? Wala namang taning ang buhay mo?" pabirong tanong niya habang nakakunot ang noo at ang kamay ay nasa dibdib. Hindi kasi siya sanay na pinupuri nito. Sa gulat niya ay tumawa ito ng mahina. Ay wow! For the first time nasakyan nito ang joke niya. Infairness! Inilagay niya ang kamay sa noo nito at kinapa ang temperatura. "Nana Aida, okay lang ho ba talaga kayo? Kinakabahan ako, ngayon lang ho kayo natawa sa joke ko." Tinabig naman nito ang kamay niya sabay irap sa kaniya. "Haruu! Mahaba pa ang buhay ko! Magluto ka na nga roon. Diyaske ka talagang bata ka! Hala sige, labas na at lalo ako nahihilo sa iyo!" pagtataboy pa nito sa kaniya. Nakangisi siyang lumabas ng pinto nito. Inatupag na niya ang pagluluto para mahatiran na niya ng pagkain ang matanda at makakain na rin ang impaktong si Montecillo. Sa kalagitnaan ng pagluluto niya ay dagli siyang napaigtad ng may mga kamay na pumulupot sa beywang niya. "Ay pokemon!" bulalas niya. "Wala ako no'n, Barn," tila siya ginapangan ng boltahe ng kuryente sa pagdaiti ng palad nito sa beywang niya. Ramdam niya ang paghaplos nito roon. Napapansin niya na tila natutuwa itong haplusin palagi ang beywang niya. "What are you doing, Mr. Montecillo? At pwede ba, tantanan mo na ako ng kakaasar. Baka magdilim paningin ko at maisaksak ko sa 'yo itong kutsilyo na hawak ko," pilit siyang pumiksi kahit na tila ang sarap sa pakiramdam ng init na dulot ng katawan nito sa pagkakadaiti ng likod niya sa dibdib nito. Ang kabog ng dibdib niya ay halos magpahingal sa kaniya. Ngunit ni hindi ito natinag sa paagpiksi niya. Napalunok siya ng maramdaman ang ilong nito sa leeg niya at ang pagsinghot nito roon. P*nyemas naman! Na-concious nanaman siya dahil hindi pa siya nakakapagshower at baka amoy pawis na siya. "Ford," mahinang sambit niya sa pangalan nito. Napakagat siya sa labi niya dahil baka may ungol na lumabas sa bibig niya. "You smell like an apple, Mama Viel. Ang sarap mo kagatin!" bulong nito na tila paos ang boses. Ang labi nito ay sumayad na rin sa balikat niya kung kaya't napapikit siya. Tila ginigising ang bawat himaymay ng kalamnan niya. Pero agad din siya napadilat ng napagtanto ang sinambit nito. Apple at pagkagat. Ako lang ba ang advance mag-isip? Ako lang ba ang napapaisip na dahil lechon siya ay bagay ang pagkagat sa mansanas? Hay ewan! Muli siyang pumiksi. Sa pagkakataon na iyon ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa beywang niya pero hindi naman bumitaw. Pumihit siya para harapin ito pero wrong move yata dahil na-corner siya ng lababo at ng katawan nito. "Ho-hoy Ford Montecillo, ako ba talaga hindi mo titigilan ng pang-iinis? Ano'ng mansanas at pagkagat naman ngayon pinagsasabi mo? Ano ko, lechon?!" muntik pa siya mabulol. Na-awkwardan kasi siya sa puwesto nila. Nakatitig ito sa mukha niya habang tila aliw na aliw sa pag-usok ng ilong niya. Ang mga kamay nito ay nasa beywang niya at humahaplos nanaman. "Kung maging lechon ka man, panigurado ako na ikaw ang magiging best seller, Babe," nakangising wika nito. Umakma siyang hahampasin ito pero mabilis ang kamay nito at agad siyang hinapit at niyakap. Tila siya natuod sa ginawi nito. Lalo na ng maramdaman nanaman niya ang magaan na pagdampi ng labi nito sa leeg niya. Napapikit siya sa sarap nito sa pakiramdam. Pero napadilat siya ng magsalita ito habang mahigpit pa rin siyang nakakulong sa bisig nito. "How many times do I need to tell you that you are beautiful, Viel? Stop looking down at yourself." Kumalas ito ng yakap sa kaniya habang siya ay nagyuko dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito. Hirap na hirap talaga siyang ibalik ang tiwala niya sa sarili. Inangat nito ang baba niya para magtagpo ang kanilang mga mata. "Never let your past ruin your view of your self-worth, Viel. You don't deserve that." Nakatingin siya sa mga mata nito. Ibang iba ang paraan ng pagtitig nito kumpara kapag inaasar siya. "And what do I deserve then?" hamon na tanong niya rito. "This," masuyong sambit nito bago mabilis na kinabig ang batok niya at sinakop ang napaawang niyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD