JENNIEL "Are you sure, misis, ayaw mo ba talaga malaman ang gender ng baby mo?" nakangiting tanong ni Dra. Buendecho. Umiling ako habang nakangiti. "Gusto ko po sana, doktora, pero mas gusto ko pong surprise ang gender ni baby pag labas n'ya." Tumango naman ito. "Okay, if that is what you want. But if you change your mind, just let me know and I will tell you what your baby's gender is right away." Saka ito ngumiti ng malapad. Ngumiti naman ako kasabay ng aking pagtango, at inayos na rin ang aking sarili dahil natapos na rin ako nitong suriin. "Bakit nga ba, Inyang, ayaw mo pang malaman ang kasarian ng baby mo? Eh kami mga excited na. Lalo na si Sandino, panay ang tawag sa akin kung ano daw ang kasarian ng baby mo." Natatawang sambit ni Ninang. Napatawa naman ako dahil totoo rin nam

