NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ako ng ilang ingay mula sa sala na waring nagkakaroon ng kumosyon. Mabilis akong bumaba ng kama at agad na dumiretso palabas ng silid. Inabutan kong nagtatalo sina Sandino at Ate Ganda. Subalit imbes na mag usisa ako ay agad na bumalot sa aking sistema ang katuwaan at pagkasabik nang makita ko si Sandino, kaya naman malalaking hakbang kong nilapitan ito at agad niyakap mula sa likuran. Napangiti na lamang ako nang maramdaman kong bahagya itong nagulat at natigilan. Bumuntonghininga ito, pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan nito ang aking dalawang kamay saka nito marahang inalis at agad umikot paharap sa akin saka ako nito itinukod ang dalawang daliri sa aking noo at bahagya akong itinulak. "Nag-iisip ka ba? Kung makayakap ka ng mahigpit hin

