HABANG nasa mall ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang tungkol sa nangyari kanina, na para bang kahit anong gawing kong iwaglit sa aking isip ay hindi ko magawa. Paulit ulit na nagpe-play ang naging takbo ng mga usapan kanina nina Sandino at mga tauhan nito sa aking isipan, kaya't kahit i-enjoy ko ang aking sarili sa pagtingin ng mga gamit para sa aking baby ay hindi ko magawa. Mas lalong nakakapagpagulo sa aking isipan ay ang apelyidong binanggit ng mga ito. Ang Aguilar. Wala akong ibang kilalang Aguilar kundi si Analyn, ngunit imposible. Napaka imposible dahil wala akong maalalang nagkaroon ng pagtatalo sina Analyn at Sandino para magkaroon ng atraso ang aking kaibigan kay Sandino o kahit kanino pa man. "What do you think?" tanong ni Sandino na gumising sa aking diwa mula sa malal

