"Baby," mahina kong sambit habang mariing nakatitig sa repleksyon nito sa salamin. Agad ko itong sinundan nang makita kong bumitaw ito kay Sandino, at dahil sa tulong ni Clinton at ng mga tauhan nito at nagawa ko itong sundan sa loob ng restroom. Nag-angat ito ng mukha at tumingin lamang sa salamin, sa halip na lingunin ako. Ngunit sa puntong iyon ay waring piniga ang aking puso nang wala man lang akong nabakas na ano mang reaksyon sa mga mata nito. Tumitig lamang ito sa akin na para bang hindi ako kilala kasunod nang bahagyang pagkunot ng mga kilay nito. "Mr., nagkamali po kayo ng pintong pinasukan. Restroom po ito para sa mga babae." Inosenteng turan nito, pagkatapos ay humarap ito sa akin na ngayon ay nakataas na ang kaliwa nitong kilay. Hindi ako agad nakahuma, dahil wari bang iba

