KABANATA 56

2111 Words

"You're almost late!" sambit ni Vince, saka ito marahang tumapik sa aking balikat. Nagkibit balikat na lamang ako saka naupo sa puwestong nakalaan sa akin. "Buti nga dumating pa ako, eh!" hasik ko kasabay ng aking pag ngisi. Narinig ko naman ang ganting pag ngisi ni Kenneth na bahagya pang ikinakunot ng aking mga kilay. "Oo, kaya magpasalamat ka dahil dumating ka." Pagkatapos ay tumingin ito kay Carlo na waring may nais iparating, maging ang iba ko pang mga kaibigan ay para bang may kakaiba rin sa ikinikilos ng mga ito na lalo lamang ikinakunot ng aking mga kilay. "What do you mean?" naguguluhan kong tanong habang nagpapalit lipat ng tingin sa mga ito. Subalit hindi na nakatugon pa si Kenneth dahil nang tangkang magsasalita na ito ay bigla namang nagsalita ang emcee ng okasyon sa gabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD