ONE YEAR LATER "Happy birthday, baby Junior!" masiglang pagbati nang lahat ng mga taong nakisaya sa isang taong kaarawan ng aking bunsong anak na James Jr.. Ginanap sa mansyon ng aking mga magulang ang birthday nito, ayon na rin sa kahilingan ng mga ito. Sumang ayon naman ako dahil halos ang mga ito na rin naman ang nag asikaso ng lahat. Nakakahinayang lang dahil hindi nakarating o nakauwi ng Pilipinas si Lenevy. Limang buwan na uli itong wala simula nang bumalik na uli sa US nang matapos na ang misyon nito, ngunit ayon dito ay malaki ang posibilidad na bumalik uli ito dahil sa panibagong misyong niluluto ng Shadow Organization at kabilang uli ito sa paghawak sa panibagong misyong iyon. Malaki raw ang kasong iyon kaya hiningi ang serbesyo nito. Napangiti naman ako habang nakatingin sa

