JENNIEL "Ninang, hintayin n'yo na lang po ako rito ni Kuya Dolfo, may bibilhin lang po ako sa kabila. May nakita po kasi akong mga pang gantsilyo, eh. Para madala po natin bukas sa pag-alis natin." Tumango naman si Ninang Susan at tangka na sanang susunod ni Kuya Dolfo ng agad kong pinigilan. "Kuya Dolfo, samahan n'yo na lang po si ninang. Malapit lang naman po, eh– ayon lang po oh!" sambit ko saka ko itinuro ang nasa dulong tindahan. Tumango naman ito. Kaming tatlo lang ang umalis, dahil may pinuntahan daw sina Ate Iny at ang mga tauahan ni Sandino. Hindi rin sana kami aalis ngayon dahil wala kaming kasamang mga bantay pero nagpumilit ako kasi plano ko talagang mamili ng mga pang gantsilyo dahil plano kong burdahan ang mga gamit ng aking baby pagdating sa Australia. At doon ko na rin

