HORNSBY KU-RING-GAI HOSPITAL, SYDNEY, AUSTRALIA. ••• KASALUKUYANG nililinis ng isang doktor ang aking sugat sa tagiliran na tinamaan ng balang pinakawalan ni James kahapon. Napangisi na lamang ako sa aking isip nang maalala ko ang naging tagpo sa pagitan naming dalawa ni James, at ang mabilis nitong kilos kahapon. At sa puntong iyon ay nakita ko ang labis na dedikasyon nito sa sariling mabawi si Jenniel. Gusto ko mang ibigay at ipagkatiwala rito si Jenniel ay hindi ko pa rin magawa-gawa dahil alam kong nananatili pa rin itong nakatali kay Cassandra. At sa pagkakataong iyon ay lalo lamang lalaki ang galit ni Cassandra para kay Jenniel lalo na't alam kong pinasusubaybayan nito si Jenniel. Ayon na rin kay Amida ay malaki ang posibilidad na ang tauhan nito ang sumagasa kay Jenniel, kaya't

