"Mommy! We are here! Daddy is here!" malakas at masiglang sambit ni Cassie habang tumatakbo ito papasok sa mansyon. Lumabas naman si Cassandra mula sa mansyon at sinalubong nito si Cassie habang nakalahad ang mga kamay at may malapad na ngiting nakapaskil sa labi. "Hi, baby! I miss you, my love!" puno ng lambing na tugon naman ni Cassandra, saka nito niyakap ng mahigpit ang aming anak at pinupog ng maraming halik sa pisngi at leeg, kaya naman umalingawngaw ang malakas na halakhak ni Cassie na bahagya ko namanh ikinangiti. Natutuwa ako pag nakikita kong ganoon kasaya si Cassie, at minsan ko ring nalilimutan ang hindi magandang sitwasyon ng pagsasama naming dalawa ni Cassandra. Agad na yumakap at humalik sa aking labi si Cassandra na hindi ko na naman nagawang iwasan. Ramdam ko ang totoo

