Habang nasa gitna ng biyahe ay walang nagsasalita sa pagitan naming dalawa ni Sir James at tanging paghinga lamang ang aking naririnig, maging ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ako kikilos habang nasa tabi nito na pakiramdam ko ay maaari itong magalit oras na magkamali ako ng kilos. Nakita ko ang galit sa mga mata nito kanina habang masamang nakatingin sa amin ni Ron at lalo pang waring nagliyab sa galit ito nang tinangka kong magpaalam kay Ron. Aaminin kong sa ginawang iyon o sa pinakitang kilos ni Sir James kanina ay nag iwan sa akin ng palaisipan o mga katanungang kung bakit ganoon na lang ang reaksyong ipinakita nito kanina. Imposibleng nagseselos ito dahil alam ko namang wala itong nararamdaman para sa akin. At imposible ring mapansin ako nito na isang hamak lamang

