Kabanata 12: 🤦😒🚕

1062 Words

VEGA AMARA'S P.O.V: Dear, Axel, Kung nababasa mo man ang sulat na ito ay gusto ko sanang makipag-usap sa'yo mamayang alas singko ng hapon sa likod ng building ng HRM, kung maaari sana? Pero kung busy ka naman at hindi ako mapagbigyan ay ayos lang sa akin. Nagmamahal, Vega Amara Martin Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi ni Axel at akmang aagawin ko ang sulat na binigay ko sa kanya ay mabilis niyang naitaas ang kanyang kamay. "Hep! Hindi ko alam na may pagnanasa ka pala sa akin, Vega, at talaga idinaan mo pa sa sulat kung pwede namang personal mong sabihin sa akin?" aniya at iniwas ang sulat na nasa kanyang kamay. "Kilabutan ka nga! Bakit ako makikipagkita sa'yo kung sa dulo pa lang ng buhok mo ay nasusuka na ako! Akin na nga 'yan at baka gumagawa ka lamang ng kwento!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD