Kabanata 1: 😮‍💨💃🥀

1019 Words
VEGA AMARA'S P.O.V: "ISANG NAGBABAGANG BALITA, Barangay Maligaya, Lungsod ng San Roque – Isang nakakagimbal na pagtuklas ang yumanig sa payapa sanang komunidad ng Barangay Maligaya kahapon, Martes. Kinumpirma ng lokal na pulisya ang pagkakatuklas sa bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa loob ng isang septic tank sa bakuran ng isang abandonadong bahay sa purok 3. Ayon sa ulat ng San Roque Police Department (SRPD), natuklasan ang bangkay bandang alas-10 ng umaga matapos ireklamo ng mga residente ang matinding baho na nanggagaling sa nasabing ari-arian, na matagal nang walang nakatira. Agad na rumesponde ang mga awtoridad at, matapos ang masusing paghahanap, nadiskubre ang bangkay na nakalutang sa septic tank. "Malabo na ang mukha ng biktima at may mga palatandaan na matagal na siyang patay. Ang septic tank ay may takip na hinala naming sadyang isinara para itago ang katawan," pahayag ni Police Major Elena Reyes, tagapagsalita ng SRPD. "Isang malalim at sensitibong imbestigasyon ang isinasagawa upang matukoy ang pagkakakilanlan ng babae at ang salarin sa karumaldumal na krimeng ito." Hinihinalang foul play ang sanhi ng pagkamatay ng biktima batay sa mga paunang pagsusuri ng mga imbestigador sa lugar. Kasalukuyang nasa forensic lab na ang labi ng biktima para sa otopsiya at pagkuha ng DNA samples na makatutulong sa pagkakakilanlan. Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang mga residente ng Barangay Maligaya. Ayon kay Aling Nena, isang matagal nang nakatira sa purok 3, "Kahit sa panaginip, hindi namin inakala na may ganitong karahasan na magaganap dito. Nakakatakot dahil baka kapitbahay lang namin ang may gawa o kaya naman ay matagal na naming kasalamuha ang biktima." Nanawagan ang SRPD sa sinumang may impormasyon na maaaring makatulong sa paglutas ng kaso na makipag-ugnayan agad sa kanilang hotline. Tinitiyak ng pulisya na magiging mahigpit ang paghawak sa impormasyon at pananatilihing confidential ang mga source. Ang insidenteng ito ay nagbigay-diin sa pangangailangan para sa mas mahigpit na pagbabantay sa komunidad at nag-iwan ng matinding tanong sa isipan ng mga taga-San Roque: Sino ang babae at bakit siya itinago sa isang septic tank? Mananatiling bukas ang imbestigasyon hanggang sa ganap na mabigyan ng hustisya ang biktima. Ako si Solanna De Veyra Buenavista, nagbabalita. Balik sa inyo sa studio--" Agad kong pinatay ang t.v sa loob ng aking kwarto at saka inatupag ang paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Talamak na talaga sa mundo ang walang awang pagpaslang lalo na sa mga kababaihang walang kalaban-laban kung kaya't napapaisip na lang ako kung tama bang namuhay ako sa katawan ng isang babae? Kasi parang sobrang unfair ng mundo. Iwinaksi ko na lamang sa aking isipan ang mga tanong na namumuo at saka inayos ang suot kong damit. "Bakit mo pinatay? Hindi mo man lang ba papanuorin ang interview ko? Ang gwapo kaya ng asawa mo do'n." Umigkas ang isang kilay ko nang magsalita si Axel at kasalukuyan siyang naka-video call sa akin habang pareho kaming nag-aayos ng aming mga sarili. Hindi ko alam kung ano ba ang trip niya sa buhay at tumatawag pa sa akin kahit na alam naman naming pareho na hindi na niya maibabalik pa ang dati. "Mukha ba akong interesado sa mukha mo na kahit sa t.v at video call ay kailangan kong makita araw-araw?" inis na sambit ko sa kanya at saka ikinabit ang perlas na hikaw sa magkabila kong tainga. "At isa pa, hindi na tayo mag-asawa para umasta ka ng ganyan na para bang pagmamay-ari mo ako." "Mahal naman, sa gwapo kong ito magsasawa ka sa akin? Ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo na hindi naman talaga kita niloko at oo pagmamay-ari kita dahil kasal pa rin tayong dalawa." "Kuwento mo sa t**i mong kasing laki ng hinliliit ko sa paa. Sa papel na lang tayo kasal kaya tigilan mo nga ako sa kavi-video call mo sa akin kung ayaw mong ireport kita sa pulis." Napatanga si Axel sa akin at natigilan siya sa pag-aayos ng suot niyang neck tie na hindi naman naitali ng ayos dahil ang gulo niya habang nasa kwarto namin siya doon sa dati naming bahay. Ang bahay na pinangarap ko na kasama siya ngunit isang kuwento na lamang iyon at hindi ko na papangarapin pang muling manatili at manirahan. "Mahal, Captain Axel Rylan Monteverde itong kaharap mo tapos irereport mo ako sa opisina ko? Mahal, bumalik ka na lang sa akin, please, miss na miss na kita... malungkot ang gabi ko lalo na't wala ka sa tabi ko," pagmamakaawa niya pa at tuluyan nang binitawan ang neck tie at hinayaan itong hindi nasa ayos na itsura. Inirapan ko siya. "Tigilan mo ako, Axel. Wala akong pakialam sa posisyon na mayroon ka--" "Wala nga kasi dog style ang paborito mo--" agad kong pinatay ang tawag niya at mabilis na isinilid sa hand bag ang phone at wallet ko. Kahit kailan ay wala talaga siyang matinong sasabihin sa akin. Magkakaroon kasi ng pagtitipon sa Monteverde Empire at dahil asawa ako ni Axel, kailangan kong dumalo ngunit hindi kami magkasama. Bakit? Dahil hiwalay na kaming dalawa, limang taon na ang nakakalipas. Akala ko ay perpekto na ang pagsasama naming dalawa ngunit sinusubok talaga ng tadhana kung hanggang saan ang katatagan ng puso ko at pagmamahal ko kay Axel ngunit may hangganan talaga ang pagmamahal na iyon nang matagpuan ko siya sa isang silid at may kasamang babae. Ngunit sa loob ng limang taon ay hindi pinirmahan ni Axel ang divorce paper namin kaya hanggang ngayon ay kasal pa rin kaming maituturing ngunit hindi na magkasama bilang mag-asawa. Nang makita kong ayos na ang aking sarili, lumabas na ako ng aking kwarto at tinahak ang daan pababa ng hagdan. Mula nang maghiwalay kami ni Axel ay bahay ako ng parents ko umuwi at wala naman silang magagawa dahil ako na mismo ang sumuko sa lalaking akala nila ay perpekto na para sa akin. "Ang ganda talaga ng anak ko," biglang sambit ni Mommy na siyang dahilan upang makabalik ako sa kasalukuyan at napangiti ako nang makitang pareho ang suot naming damit. Nagmukha kaming magkapatid sa itsura namin. "Kailan ba kayo magkakabalikan ni Axel? Gusto ko na ng apo." Na para bang ang dali lang gumawa ng anak, no?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD