Kabanata 2: 🙂🙃🫠

1005 Words
VEGA AMARA'S P.O.V: Ang suot ni Mommy ay isang mermaid cut at sleeveless, na may manipis na strap. Ang bandang itaas ng damit, lalo na sa may dibdib at baywang, ay may detalyadong burda (embroidery) ng mga bulaklak o dahon na kulay pilak o silver. Ang kanyang baywang ay tila pinong-pino. May mahabang tela o chiffon overlay na lumalabas mula sa likod o gilid ng damit, na pinamumukha niyang pakpak habang hawak niya ito sa magkabilang kamay. Nakasuot din siya ng mahahabang guwantes na ka-kulay ng damit. Nakapusod ang mahaba niyang buhok, mapula ang mga labi, na nagpapakita ng isang matamis na ngiti. Habang ang suot ko ay isang two-piece ensemble o set na may kulay lavender o light purple na may temang paruparo (butterfly) at bulaklak. Ito ay isang cropped top o bra-top na may sweetheart neckline. Ang tela nito ay tila gawa sa masinsinang burda (intricate lace or embroidery). Ang pinaka-kapansin-pansin ay ang malalapad at dumadaloy na manggas (wide, flowing sleeves) na gawa sa manipis at translucent na tela, na tila mga pakpak na bumababa hanggang sa sahig. Ang pang-ibaba naman ay isang skirt, high-waisted, mahabang palda. Ang bandang baywang at balakang ay may masiglang burda ng mga bulaklak na kulay lila, na nagbibigay-diin sa baywang ng nagsusuot. "Mana lang ako sa inyo, Mom. Nasaan si Dad? At wala rin akong balak na balikan si Axel kaya tigilan niyo ho ako," wika ko at saka inayos ang suot kong damit ngunit niyakap na ni Mommy ang aking braso at hinila na ako palabas ng aming bahay. "Naroon na sa sasakyan at tayong dalawa na lamang ang hinihintay. Pumunta na tayo doon at baka sermonan niya tayo dahil sa tagal nating mag-ayos." Natawa na lamang ako at saka nagpaubaya kay Mommy at tinahak namin ang parking ng bahay kung saan naroon ang kotse at nasa loob na nga si Daddy at yamot na naghihintay sa amin. Pinagbuksan niya ng pinto sa unahan si Mommy habang ako naman ay sa backseat nagtungo. Nang makaupo ako, biglang nagsalita si Daddy. "Ang tagal ni'yo. Akala ko uugatan na ako rito," aniya at saka sinimulang paandarin ang sasakyan at inilabas sa garahe at tinahak namin ang daan patungong Monteverde Empire. "Puro ka reklamo, sana pinuri mo man lang ang itsura namin, hindi ba?" ani naman ni Mom kay Daddy. "Araw-araw ka namang maganda at pinamana mo lang kay Amara ang gandang mayroon ka kaya bakit ko pa uulitin?" pagmamaktol ni Daddy at mukhang kanina pa talaga siya naghihintay sa amin. Alas syete na rin kasi ng gabi at alas otso ang simula ng party para sa anniversary ng Monteverde Empire. Kung bakit ba naman kasi kailangan kong pumunta lalo na't wala na rin akong koneksyon kay Axel bukod sa papel na mag-asawa kaming dalawa, pinadalhan ako ng imbitasyon ng mga magulang niya kaya wala na akong nagawa kundi ang dumalo na lamang. "Dad naman, sana umoo ka na lang di ba?" natatawang sabat ko na lamang sa kanilang usapan. "Kuh, ano bang pinaglalalagay ninyo sa inyong mukha at inabot kayo ng siyam siyam. Ang gaganda ni'yo na kahit walang kulay ang inyong mukha." Hindi talaga fan si Daddy ng make-up dahil mas gusto niya yung natural lang na itsura ngunit anong magagawa namin kung isang engrandeng bulwagan ang aming dadaluhan? "Hay naku, make-up ang tawag dito para lalong umangat ang ganda namin ng anak mo. Gugustuhin mo bang magmukha kaming basahan na haharap sa mga bisita ng Monteverde? Mag-isip ka nga." "Wala naman silang pakialam sa itsura natin, pare-pareho naman tayong tao." Nagkibit-balikat na lamang si Mommy at hindi na sinagot pa si Daddy dahil lalo lamang hahaba ang pagmamaktol niya kung ipipilit namin ang sarili naminv opinyon sa paniniwala niya. Sumandal na lamang ako sa aking kinauupuan at pumangalumbaba sa bintana at pinagmasdan ang iba't-ibang ilaw na nadadaanan namin sa bawat nagtataasang gusali. Hanggang sa naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa hand bag na dala ko, binuksan ko iyon at kinuha ang phone ko at isang text message ang aking nakita. Fr. Axeliititi_ Mahal ko, magkita na lang tayo sa venue. Hihintayin kita sa entrance at please lang, huwag kang lalapit sa kahit sinong lalali na makikita mo sa party kung ayaw mong pagbabarilin ko silang lahat. Umigkas ang isang kilay ko at saka ako nag-type ng text message sa kanya. To Axeliititi_ May kasama akong date kaya wala kang pakialam kung may kausapin man akong lalaki. Mamatay ka na. Pinindot ko ang send button at saka inilagay sa silent mode ang phone ko at saka ibinalik ito sa hand bag na dala ko. Wala naman talaga akong kasamang ibang lalaki at hindi alam ni Axel na magulang ko ang kasama ko kaya mamatay siya sa gusto niyang isipin kung totoo man o hindi ang binabalak ko. Hanggang sa marating namin ang Monteverde, marami nang sasakyan ang nagsisidatingan at mayroon pang red carpet sa labas niyon bago ka makapasok. Tila isang royal ball o celebrity ang magaganap dahil mga bigatin ang bisita ng nasabing kompanya. Naghanap si Daddy ng mapaparadahan at mabuti na lang ay may nakareserbang garahe sa amin kaya hindi na kami nahirapang mag-ikot pa dahil may bantay naman. Nang maisaayos na naman ang sasakyan, agad na kaming bumaba at inalalayan kami ni Daddy at pareho kaming nakaangkla ni Mommy sa braso ni Dad ngunit bago pa man kami makahakbang patungo sa entrance ng Monteverde Empire, may humablot sa kamay ko at nang tignan ko, si Axel na pawisan, magulo ang buhok at hindi nasa ayos ang tali ng kurbata nito. "Nasaan yung lalaking sinasabi mong kasama mo?" aniya na tila hinihingal pa at parang gusto kong humagalpak ng tawa dahil naniwala talaga siya. "Nauna na sa loob at hinintay ko lang si Mommy at Daddy. Ano bang ginagawa mo rito?" patay malisyang wika ko at doon lang napansin ni Axel ang mga magulang dahil sa biglaan niyang paghigit sa kamay ko. "D-Dad, Mom, good evening po. Sorry po, hindi ko kayo napansin agad." Wow, mabait sa biyenan, sa dating asawa, hindi? Ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD