VEGA AMARA'S P.O.V:
"Axel, kailan mo ba ako patatahimikin? Kailan mo ba ako palalayain sa isang kasal na ako lang naman ang nagmamahal?" wala sa sariling sambit ko kung kaya napabitaw si Axel mula sa pagkakayakap niya sa likuran ko at pumunta siya sa aking harapan at lumuhod siya at ginagap ang aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng aking hita.
"Vega, ilang beses ko rin bang sasabihin sa'yo na hindi kita niloko?"
"Kitang-kita ng mga mata ko ang kababuyan na ginagawa mo habang wala ako sa harapan mo. Hanggang kailan mo ba bibilugin ang ulo ng mga taong nakapaligid sa atin? Axel, minsan na akong nagpakatanga sa'yo kaya bago pa ako bumigay ulit bitawan mo na ako."
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Axel at ang mga mata niya ay nawalan ng emosyon dahil sa mga salitang aking binitawan.
"Bakit ba gustong-gusto mong makaalis sa pagiging asawa ko kung wala naman akong ginagawang masama sa'yo? Yung nakita mo, limang taon na ang nakalipas, parte iyon ng trabaho ko."
Naipikit ko ang aking mga mata upang pigilan ang nagbabadyang luha sa akin. Ito na naman ako, magiging mahina sa harapan ng isang Axel Rylan Monteverde.
"Ang kumuha ng babae at gumawa ng hindi kanais-nais, ganoon ba 'yon?" bakas ang galit sa boses ko ngunit kahit balikan pa namin ang nakalipas na ay mananatili nang sugat sa puso at buong pagkatao ko ang pagtataksil niya sa akin.
"Vega, pulis ang trabaho ko at ang paglingkod sa kapwa ang sinumpaan ko bukod sa mahalin at pagsilbihan ka ng higit pa sa makakaya ko. Alam mong bata pa lang tayo ay pangarap ko nang maglingkod sa kapwa at ayokong maupo sa apat na sulok ng opisina ng Monteverde Empire dahil mas gusto ko ang aksyon, ang tunog ng baril at ang walang sawang pagpapasalamat ng mga taong natutulungan ko--"
"At ako, kailan mo maririnig?" putol ko sa kanyang sinasabi at pinanatili ang sarili ko na maging matatag at ayokong makita na muli akong lumuha sa harapan niya. "Kailan mo maririnig ang bawat gabi ng paghikbi ko sa tuwing nagkakaroon kayo ng operasyon? Tinanggap ko ng buo ang trabaho na mayroon ka, ang pangarap mo, pati ang pambababae mo noon bago pa tayo maging mag-asawa at pinanghawakan ko ang pangako mo na magbabago ka ngunit sabi nga nila, ang pangako ay napapako."
"Axel, hindi naman ako santo para unawain ka sa lahat ng gusto mo kasi pinagbigyan naman kita di ba? Ang sa akin lang ay respetuhin mo sana ako bilang babae, bilang asawa mo pero dahil diyan sa pesteng trabaho mo para nawalan ako ng papel sa buhay mo eh."
Tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko kung kaya't agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Axel sa akin at mabilis na pinunasan ang luha sa mga mata ko at tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Bukas na bukas din ay ipapadala ko ulit ang divorce paper at sana pirmahan mo na 'yon. Palayain mo na ako, Axel."
Napabuga pa ako ng hangin para pigilan ang luha na kumakawala sa akin dahil ayaw ko namang masira ang mukha ko at mabasa ng luha ang make-up na suot ko at baka magmukha akong zombie pagbalik ko sa loob ng venue.
"Kapag pinirmahan ko ba ang divorce paper na gusto mo ay magiging masaya ka na?" tanong ni Axel habang nanatili itong nakaluhod sa harapan ng fountain at hindi man lang ako nililingon.
"Kung iyon lang ang tanging paraan, oo, Axel. Pirma mo lang ang kailangan mo."
Napabuga ng hangin si Axel at tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at hinarap ako.
May kakaibang emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapangalanan ngunit bigla itong nawala at napalitan ng blangko.
"Kung iyan ang gusto mo ay susundin ko. Bukas na bukas din, pipirmahan ko ang divorce paper at makakalaya ka na mula sa akin. Mauuna na ako sa loob."
Natulala na lamang ako sa sinabi ni Axel at doon ko lang napagtanto na wala na pala siya sa harapan ko at nasapo ko na lamang ang sarili kong noo dahil sa wakas ay pumayag na siya ngunit sa kaibuturan ng aking puso ay mayroon pang pag-asa na sana ay maayos pa namin ang lahat ngunit alam kong imposible na sa amin ang kasal na may lamat na.
Inayos ko muna ang aking sarili bago ako bumalik sa loob ng bulwagan at maraming couple ang nagsasayawan sa gitna habang ang iba ay nag-uusap-usap at ang ilan ay kumakain na lamang at nag-iinuman.
Dala ng pag-iyak ko kanina, nakaramdam ako ng gutom kung kaya't lumapit ako sa buffet table at kumuha ng pagkain at saka ako naghanap ng bakanteng mesa at tahimik na kumain sa isang sulok.
Kung tutuusin, maganda naman talaga ang party na kinaroonan ko at kung wala lang talaga akong iniisip ay baka kanina pa kami nagsasayaw ni Axel ngunit hindi na kami tulad ng dati.
Habang abala ako sa pagsubo ng kanin, bilang may umupo sa harapan ko at umigkas ang isa kong kilay nang makita si Racioppi at may dala rin itong pagkain.
"Mind if I join you? Wala na kasing bakante eh," aniya at saka nagsimulang kumain at iginala ko naman ang aking tingin sa paligid, marami pang mesa ang bakante.
"Inutusan ka ba ng amo na bantayan ako habang kumakain?" tanong ko sa kanya matapos kong lunukin ang kinakain ko kaya napatingin din si Racioppi sa akin.
"For your information, Miss Martin, ikaw lang ang kilala ko rito sa party at isa pa hindi pa kami nagkikita ni Monteverde kaya bakit kita babantayan kahit kumakain ka? Anak ba kita?"
Gagu 'to ah.
"Gusto mong ipalamon ko sa'yo itong mesa na nakapagitan sa atin? Magkaibigan talaga kayo ng babaerong tropa mo eh!"
"Alangan namang maghanap kami ng kapwa lalaki? Mandiri ka nga!"
Aba't siraulo talaga ito!
Inismiran ko na lamang si Racioppi at hinayaan siya sa sarili niyang mundo kaya inatupag ko na lamang ang sarili kong pagkain at nang maubos ko iyon, alak naman ang inatupag ko at nakakadalawang bote na ako saka pa lang natapos si Racioppi sa kinakain niya.