bc

My Yummy Fynn

book_age16+
34
FOLLOW
1K
READ
badgirl
bitch
brave
comedy
sweet
campus
basketball
first love
selfish
like
intro-logo
Blurb

Si Piday Bonbon ay lumaki sa mayamang pamilya sa kabila ng maraming nangyari sa kanya dahil may sakit ito sa puso ay nagawa pa rin niyang mabuhay ng matagal. Pagkatapos ng kanyang operasyon ay nakilala nito si Daniel Zuente at sa hindi malamang dahilan ay tumibok ang bago nitong puso.

Sa takot ay pinilit siyang umiwas sa binata pero ano na lang ang mangyayari sa buhay pag-ibig niya? Ano kaya ang magiging kahinatnat ng buhay pag-ibig niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Piday POV "Piday pwedeng tumahimik kana? Alam mo naririndi na ako sa kakasabi mo ng pangalan na Fynn na yan ah." reklamo ng kaibigan ko na si Giliane Mae Andino. "Alam mo napakareklamador mo talaga, supportahan mo na lang ako tutal kaibigan mo naman ako." inirapan naman niya ako kaya nakatikim siya sa akin ng batok. "Supportado naman kita Piday pero sana naman limitahan mo yanh pagkakasabi mo ng Fynn na yan huhu mamamatay na ata ako dahil paulit-ulit mo siyang binabanggit." "Sabi sayong wag mo akong iirapan dahil tutusukin ko yang mga mata mo!" itinuro ko pa ang dalawang daliri ko sa mga mata niya. Napangiwi naman siya sa sinabi ko at talagang inilayo pa niya ang mukha nito sa kamay ko. "Paano nga ba ulit kita naging kaibigan?" naiinis na ani ni Giliane sa akin. Maarte akong tumingin sa kanya. "Well dahil maganda ako simula ng mga bata tayo at nakita mo akong bumagsak dahil nawalan ako ng malay doon mo ako naging kaibigan. Hindi mo pa ako kilala nun pero mahal na mahal mo na ako." mas lalong umasim ang mukha niya ng sabihin ko iyon. Isa siya sa mga nagligtas sa akin ng bata pa ako dahil nahimatay ako ng kumirot ang dibdib ko ng mga oras na yun. Kung hindi agad siya nakatawag ng tulong malamang ay wala na ako dito ngayon. "What's upp!" sigaw ni Chance Adala na umakbay pa sa akin. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Chance sa amin at ang loko kumuha pa talaga ng fries na nasa lamesa. "Ayang si Piday nagkwekwento na naman kung papaano niya nakilala ang Fynn ng buhay niya." natawa naman si Chance sa sinabi ni Giliane. Ginulo ni Chance ang buhok ko na ikina-inis ko. "Paulit-ulit mo na lang siyang inikwento sa amin ahh. Wala ka talagang kasawaan sa pinakamamahal mo." inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin dahil sa inis ko. Nasa cafetria kami ngayon dahil two hours ang vacant class namin. Hindi ko din kaklase ang dalawa ko pang kakambal and yes triplets kami at masaya kami dahil tatlo kaming ipinanganak sa mundong ito. Dahil hindi lang kami nagdadamayan kundi nagmamahalan pa kami pero mas malala ang lokohan namin lahat. Aba sharp shooter ata ang daddy ko dahil nakatatlo agad sila ng mommy ko. "Maghahanap na ba ako ng ibang kaibigan dahil nag rereklamo na kayo sa kwento ko?" napailing naman sa akin sila sa akin. "Wala ka ng mahahanap na kagaya namin ni Chance, Piday." sabi naman ni Giliane habang kumakain ng letche flan sabi niya diet siya noong nakaraan pero ito na anamn siya kumakain. Letche flan na nga ang kinakain, Letche din ang pagmumukha ng babaeng to. Pasalamat siya at kaibigan ko ito dahil baka nasupalpalan ko na siya ng wala sa oras. "Maiba tayo kailan pala yung surgery mo?" ipinatong ni Chance ang siko niya sa table habang kumakain ito ng fries na bili namin ni Giliane. "Next week na pero iniisip ko na mag back out." simpleng ani ko. Ang totoo niyan alam nilang lahat kung bakit ayaw kung magpaheart transplant pero iyon na lang ang paraan para mabuhay ako ngayon dahil hindi na daw kakayanin sa oras na umatake ang sakit ko. Takot din ako magpaheart transplant dahil paano na lang kung umiba ang tinitibok ng puso ko? Paano na lang si Fynn? "Girl kailangan mo yang paghandaan. Nandito lang kami sa tabi mo saka wag mo na kasing isipin masyado yang Fynn mo kasi mas gugustuhin niya din na magpa heart transplant ka." ani ni Giliane sa akin. "Malamang nasa tabi ko kayo kita niyo naman eh saka Giliane wag mo akong sisimulan sa mga sermon mo ah." masungit kung sagot. "Ewan ko sayo napakapilosopo mo!" padabog na tumayo si Giliane. "Ohh saan ka pupunta magwa-walk out ka?" nakangisi kung tanong sa kanya. "Hindi! Pupunta lang ako sa banyo nakakahiya naman sa sarili ko kung magwawalk out ako hindi pa naman ako tanga para ipahiya ang sarili ko no!" nagmartsa na ito papunta sa banyo. Naiwan naman kami ni Chance na tahimik na kumakain ng basagin niya ang katahimikan. "Ok ka lang ba?" tanong niya. Tumango naman ako sa sinabi niya. "Oo ok naman ako ahh, wala namang masakit sa akin." sagot ko. "Hindi yun ang ibig kung sabihin. Ok ka lang ba sa heart transplant?" sandali akong hindi naka-imik sa sinabi niya. Matagal na akong pinipilit ng pamilya ko na magpaheart transplant pero tinatangihan ko iyon hanggang sa sabihin na nga ng doctor na baka mawala ako ano mang oras. Doon na umiyak si mommy nagmakaawa siya na gawin ko na iyon dahil ayaw niyang mawalan ng anak. Nang dahil sa nangyari ay napaisip ako, kung mawawala ako agad sa mundo papaano ko pa makikita si Fynn? Kahit takot ako na hindi na ulit tumibok sa kanya ang bago kung puso ay mas minabuti ko na lang na umoo sa kanila. "Ayoko din na mag-alala sila sa kalagayan ko. Lalo na kayo ni Giliane baka sobra kayong umiyak pag nawalan ng maganda sa mundo." mahinang usal ko. Tinapik naman niya ang balikat ko. "Tama yan wag mo kaming iiwan agad madami pa tayong gagawin ng magkasama pero sana naman bawasan mo yang pagiging mahangin mo kasi hindi ka maganda." nakangiti niyang ani sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya. "Gusto mong ihampas ko sayo tong lamesa? Kung gusto niyo talaga akong mabuhay  dapat wag kayong magreklamo sa kwento ko." natawa naman si Chance at talagang ginulo ulit niya ang buhok ko. "Aishh! Nakakainis ka talaga! Konti na lang nagpapakalbo na ako dahil sa pagulo-gulo mo ng buhok ko!" piningot ko ang tenga niya dahilan para magsisigaw ito sa sakit. "Arayy! Arayy!! Hindi na nga bitawan mo na ang tenga ko!!" sigaw niya. "Neknek mo! Sabing ayokong ginugulo ang buhok ko eh." pero ang loko tinanggal niya ang pagkakapingot ko sa kanya at lumayo sa akin. "Nakapa sadista mo talagang babae ka! Para sa buhok lang napakasungit mo na hmpp!" sigaw niya at tumakbo dahil akmang ibabato ko sa kanya ang bottled water na binili ni Giliane kanina. Napapailing na lang ako sa inasta nila. Kahit na ganon sila alam ko na mahal na mahal nila ako. Ganon din naman ako sa kanila lalo na sa pamilya ko. Sana lang maging successful ang operation...sana. LUMIPAS ang araw at ngayon na ang araw kung kailan ako maooperahan. Halo-halong kaba ang nararamdaman ko dahil sa operation. "Nandito lang kami anak, maghihintay kami dito kaya magpakatatag ka." hawak hawak ni mommy ang kamay ko at nakangiti siya sa akin. Pilit naman akong ngumiti hindi ko pa rin talaga mapigilan na kabahan ngayon dahil may posibilidad na magkaaberya sa operation. "Mommy paano po kung sa iba na tumibok yung puso ko?" natatakot kong tanong sa kanya hinaplos naman ni mommy ang ulo ko. "Kung talagang mahal mo ang lalaking yun siya at siya pa rin ang laman ng puso't isip mo. Wag mo ng masyadong aalalahanin ang mangyayari sayo ang mahalaga gumaling ka." ani ni Mommy sa akin. "Makinig ka sa mommy mo magaling yan sa pag aadvice. Namana niyo sa kanya pagiging abnormal niyo sa pag-ibig-" natigilan si Daddy sa pagsasalita dahil pinanlakihan ito ng mata ni Mommy. "Tumahimik ka dyan kung ayaw mong matulog sa labas ng bahay." banta niya na ikinangiti ko. Kahit kailan talaga takot si Daddy kay Mommy ito din ang laging panakot ni mommy kay daddy dahil gustong gusto niyang katabi si mommy sa pagtulog. "Sabi ko nga tatahimik na ako." lumabas pa si Daddy sa kwarto ko dito sa hospital dahil malamang ay mag babangayan na naman sila kung hindi umalis si Daddy. Ilang minuto pa akong binabantayan ni Mommy ng pumasok sila Dyosa at Light na may dala dala pang bulaklak. "Ok ka lang ba?" tanong ni Dyosa sa akin, inirapan ko naman ito ng mapansin kung basa ang pisnge niya halatang kakagaling lang sa pag-iyak "Ano sa tingin mo?" sarcastikong tanong ko. "Mas malakas ka pa sa kabayo kaya bilisan mong magpagaling." dahil kapatid ko siya ay inirapan niya din ako bago umupo sa sofa at nag cellphone pero napapasulyap sulyap naman siya sa akin. Napailing na lang ako sa inasta niya kapatid ko nga siya. Lumapit naman sa akin si Light at pinikit niya ang noo ko. "Aray naman kuyaa!" reklamo ko sa kanya dahil ang sakit ng pitik niya. "Ang pangit mo talaga sa hospital gown na yan kaya kung ako sayo magpagaling ka. Wag ding matigas yung ulo mo dahil kung hindi tatanggalin ko lahat ng poster mo sa kwarto." napasimangot naman ako sa sinabi niya. Lagi na lang niyang dinadamay ang poster ko kay Lee min ho! Palibhasa may demonyita siyang girlfriend na ang sarap ihagis sa ilog pasig. "Oo naa! Ang papangit niyo lumayas na nga kayo baka masira pa ang beauty ko ng dahil sa inyo eh." singhal ko sa kanya akmang pipitikin niya ulit ang noo ko ng paluin siya ni mommy sa pwet. "Tama na yan ah! Ikaw ang makakatikim sa akin." si kuya Light naman ngayon ay napasimangot kaya naman dinilatan ko ito. Pinanlakihan niya ako ng mata pero inirapan ko lang ito. 'Buti nga sa kanya.' "Asaan si chocolate pati na rin si Gilianne at Chance?" tanong ko sa kanila. "Nakalimutan mo na ba? Exam niyo ngayon at si Kit naman maya-maya pa makakapunta dito." sagot ni Mommy sa akin. Napatango na lang ako sa sinabi ni Mommy nakaligtaan ko pala na exam namin ngayon. Ilang minuto pa kaming tahimik hanggang sa dumating na ang doctor at sinabi nito na handa na ang operating room. "Pag magaling ka na hahayaan ka namin na hanapin si Fynn pag maayos kana." iyon ang huling narinig ko na sinabi ni Dad na mas nagpatibay ng loob ko. May itinurok silang pampatulog sa akin at bago ako mawalan ng malay. Nagbabasa ako ng libro ng may tumama sa mukha ko. Napahawak ako sa mukha ko dahil sa sobrang sakit. "Arayyy! Sinong nagbato-" natigilan ako ng makita ko ang isang gwapong bata sa harapan ko. "Sa akin ang bola na yan nandito ako para kunin yan." sabi niya sa akin. Agad akong bumaba sa kinauupuan ko at kinuha ko ang bola niya. "Hindi ka man lang ba magsosorry sa akin?" tinaasan ko pa siya ng kilay pero nag cross arm lang ito sa akin. "Bakit ko naman yun gagawin? Kasalanan ko bang paharang harang yang mukha mo." "Hi anong pangalan mo?" maamong tanong ko sa kanya. Hindi ko na din pinansin ang pangungutya niya dahil nainlove ako sa kanya. "Ibalik mo na lang sa akin ang bola ko." napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko sa kanya. "Tinamaan mo kaya ako sa mukha kaya dapat may kapalit yun no." gusto ko siyang batukan pero baka mapingot ako ni mommy pag nalaman niya yun. Tutal ang gwapo pa naman ng batang lalaking to kaya wag na. "Fynn ang pangalan ko, ohh ayan sinabi ko na ang pangalan ko kaya ibalik mo na ang bola ko." umiling naman ako sa kanya. "Hindi mo pa ako kilala kaya magpapakilala muna ako bago ibalik ang bola mo." rumampa muna ako sa harapan niya habang hawak hawak ko ang bola niya. "Hi Fynn, I'm Piday Bonbon Dela Torre nagmula sa makinis na lahi, ang pikanaka maganda sa balat ng lupa, sisisirin ko ang dagat para ika'y mapa sa akin. May kasabihan nga tayo ang manok na tumitilaok sa umaga, ay girl umpisa na ng araw kung saan puro chismisan ang ganap!" hinila ko ang kwelyo niya at hinalikan ito sa labi. 'Hahanapin ko siya kahit na anong mangyari. Pero sana ikaw na mismo ang lumapit sa akin... Fynn.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married with the Engineer

read
344.9K
bc

WAYNE CORDOVA

read
484.1K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.5K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.6K
bc

JOSH MONTEMAYOR The Quadro Plaits ( Tagalog )

read
505.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook