Episode 7
Pababa na sana nang hagdan si Prae galing sa silid ni Christian nang lumabas naman nang kanilang kwarto si Minerva.
"Prae, pwede ka bang maka-usap saglit bago tayu mag almusal?" sabi nang Ginang.
"Opo..Mrs...I mean T...Tita". nauutal na sagot ni Prae.
"Halika at sumunod ka sa akin sa study" at nagpatiuna na si Minerva palakad papunta sa Study room.
Nang makapasok sa loob nang study.
"Maupo ka Prae. " muwestra nang ginang sa upuan sa kaliwang bahagi nang study. " Gusto ko lang malaman ang iyong saloobin sa mga nangyari Prae, and I want you to be honest with me. What outcome do you expect to come out from this situation?" seryosong tanong ni Minerva kay Prae habang matiim siyang tiningnan nito.
" Una po humingi po ako nang kapatawaran sa nangyari Mrs. Asuncion. Sa maniwala po kayo o sa hindi, wala po akong intensyon na guluhin o i-eskandalo ang pamilya nenyu. Maging ang saktan ang inyong mga damdamin pati na po ang damdamin nang mga Lolo at Lola ko na siyang tumayong mga magulang ko simulat sapul at walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako." nangingilid ang luhang pahayag ni Prae. "Sa tanang buhay ko po hindi ako gumawa nang anomang ikinalulungkot nang mga taong mahalaga sa akin. Hindi po ako lumaking nakukuha ang kung anumang bagay na gustuhin ko pero hindi din po ako pinalaki nila Lola na uhaw sa pagmamahal o sobrang deprived sa mga bagay na gusto o kailangan ko." Pagpapatuloy ni Prae sa ngayun ay sobrang seryoso'ng nakikinig na ginang. Di nga namalayan nang dalawa ang pagbukas nang pinto nang study at ang pagpasok ni Rudy kasunod si Manang Belen.
"Sa murang edad ko po maaga po akong namulat na sa buhay dapat balanse lang, at kung me gusto kang makuha dapat pag hirapan mo ito. Lumaki po ako na ang lahat nang aking ginagawa ay naayon sa tatlong kategorya. Kaya ko pong gawin, ikakasiya nang aking abuelo at abuela at ikakasiya ko po. Sa ngayun po na sinusunod at ginagawa ko lamang ang idinidikta nang aking puso isa lang po ang alam ko, mahal na mahal ko po si Sir Christian at handa ko pong gawin ang lahat mapasaya ko lamang hindi lang ang sarili ko kundi pati na po ang taong pinakamamahal ko. Habang-buhay ko pong ihihingi nang patawad na nang dahil sa aking pag-ibig eh, marami po akong taong nasaktan." Humahagulgol na pahayag ni Prae na siyang dahilan para biglang lumambot ang kanina'y me bakas na galit na expressiong mukha ni Minerva. Sumenyas naman si Rudy kay Manang Belen na sila ay lumabas na.
"Hayaan na muna natin silang mag usap doon, Manang Belen. Mauna na lamang tayong mag-almusal" mahinang usal ni Rudy sa matanda.
"Maige, pa nga at mukhang mahaba-habang usapan ang kakailangin nung dalawa . Pero sa anot-ano paman Rudy, kung hindi ko lang alam kung ilang taon na iyang si Prae,ay hindi ako maniniwala na ang narinig ko kanina ay galing sa isang dise-syete anyos palang. At kung hindi ko lang din alam ang sirkumstanya kung bakit andito sa poder nenyu si Prae at kung bakit ganito ang sitwasyon nila at nang aking alaga ay, sasabihin kung napa ka swerti ni Christian na makatanggap nang ganyan ka wagas na pag-ibig." mahabang pahayag nang matanda kay Doc Rudy. Nasanay na kasing tawagin lamang ni Manang Belen sa kani-kanilang mga pangalan sina Minerva at Rudy maging si Christian dahil sa haba na nang panahong ito'y nanilbihan sa kanila at di na iba ang trato nila kay Manang Belen.
"Ipag dasal natin Manang na sana ay makita at maramdamanan ni Christian kung gaano siya kamahal ni Prae at naway madali niyang mapatawad ito." sagot naman ni Rudy at nag patiuna nang naglakad patungo sa kusina kung saan nakikita niyang andun na at nkaupo ang anak na si Chrisitian.
"Thank you, for being honest with me Prae, but I couldn’t say I understand you nor forgive you. Hindi lang kasi kinabukasan mo ang muntikan nang masira kundi kinabukasan at buhay nang anak ko din. For what? For your young love? How sure are you na pag-ibig na ito at hindi infatuation lamang?" tanong ni Minerva sa umiiyak paring si Prae.
"Alam ko pong mahirap paniwalaan Mrs. Asuncion, pero sigurado po ako sa nararamdaman ko. Hindi ko po hinihiling o hihilingin na paniwalaan nenyu ako pero ang hihilingin ko lamang po ay pang unawa at isang chance" sa unang pag kakataon nag angat nang tingin si Prae at sinalubong ang matiim na tingin ni Minerva.
"Chance? A chance on what?!" nacu-curious na tanong ni Minerva.
"Chance na maipakita kay Christian kung gaano katotoo at kaseryoso ang pag-ibig ko. Chance na maipadama sa kanya ang pag-ibig ko. Masusuklian man niya o hindi at least nagkaroon ako nang chance to prove my worth." ani Prae
"That is ridiculous Prae!" naiiling na sambit ni Minerva.
"Four Years po, from today! Bigyan nyo po ako nang apat na taon mula ngayun na maipadama kay Sir Christian ang pag ibig ko. Na gawin ang lahat nang makakaya ko na maipakita sa kanya na kahit bata pa ako sa edad pero totoo at seryoso ang damdamin at nararandaman ko sa kanya. Papasok po ako at ipagpapatuloy ko po ang aking pag aaral at magtatapos po ako sa kolehiyo. Hindi ko po isasa publiko ang estado nang relasyon ko sa anak nenyu at malaya po siyang gawin ang mga bagay na nakasanayan niya nang gawin. Pag dumating na po ang 4 years at hindi parin ako magawang mahalin ni Chrisitian ay ako na po mismo ang kusang lalayo at kakausap kina Lolo at Lola. Wala po akong hahabulin na kahit na anong obligasyon kay Chrisitian o sa pamilya nenyu. Bigyan nyo lang po ako nang 4 years." seryosong pakiusap ni Prae kay Minerva. Nakikipag sukatan nang tingin ni Minerva kay Prae. Sa kaibuturan nang kanyang puso di niya napigilan ang sarili na humanga sa personalidad nang batang ito dahil despite sa batang edad nito ay nakatago ang isang seryoso, matured at determinadong nilalang. Sa kanyang malalim na pag iisip nag Flash back kay Minerva ang isang tagpo nang nakaraan. Nakahiga sa gitna nang kalye ang duguang katawan ni Amara habang sa di kalayuan ay sinusubukang i-CPR ni Rudy si Ramon.
"I...i..ipangako mo Minerva na ililigtas at di mo pababayaan ang anak ko sa abot nang iyong makakaya. Hindi kita sinisisi at hinding hindi kita sisisihin. Uli't uli gagawain ko ang ginawa ko ma protektahan ka lang. Ikaw na sana ang bahala sa mga ina'y at ita'y. At sa anak ko...parang awa mo na ipangako mo" naluluhang paki usap nang naghihingalong si Amara.
'Pangako, Amara. Hinding..hindi ko pababayaan ang anak mo. Habang nabubuhay ako...tutulungan ko ang anak mo sa abot nang aking makakaya." Lumuluhang pahayag ni Minerva sa nagayun ay nakapikit nang matalik na kaibigan.
Biglang nagising ang lumilipad na diwa ni Minerva nang suminghot si Prae. Tumayo si Minerva at lumapit kay Prae sabay hawak sa kamay nito.
"Tumahan ka na. Compose yourself at lumabas na tayo para maka pag almusal kana din. This will not be going to be easy for everyone Prae, especially not for you. Kilalang-kilala ko ang anak ko, and if there is something na pinka ayaw niya ay when he is forced to do something na di niya gusto. Pina ka hate din ni Christian ang pangunahan siya sa mga desisyon especially sa pagppatakbo sa buhay niya. This will be going to need all your patience and lots of courage. But if you think that you are up to it...then Four years it is! Just four years, nothing more...and when that four years of yours is up and di ka parin mahal nang anak ko...ikaw na mismo ang kusang lalayo, do we have a deal?!" seryosong tanong ni Minerva
"Sa kauna-unhang pagkakataon simula nang tagpong nabungaran ni Minerva sa Theatre Hall, ngumiti si Prae...Opo Mrs. Asuncion...we have a deal po!"
"That is good. I will ask my attorney to draft us a contract of our agreement for both of our protection. Di mo naman siguro ito mamasamain, Prae?" ani Minerva
"Hindi po, at willing po akong pumirma sa kasunduan Mrs. Asuncion. Maraming salamat po." tila nabunutan nang tinik ang pakiramdam ni Prae.
"That is good. Now, let’s get out of here bago pa tayu ubusan nang pagkain nina Christian at nang Tito Rudy mo...and Prae..its Tita Minerva remember?" me bahid nang konting ngiti sa labi na paalala nang ginang kay Prae.
"Opo, tita. Again, salamat po". At sabay na silang dalawang tumayo at lumabas nang study.