Para sa Pag-ibig

2207 Words
Episode 8      "Good morning Sir Christian! ipaghaha-in ko na po ba kayu?" nakangiting tanong nang cook nila na si Aling Susan.   "Good morning din naman po, ano po'ng meron sa almusal natin Aling Susan?" nakangiting bati ni christian sabay hila sa upuan para ma-upo. Pinasadahan niya nang sulyap ang kabilang parte nang kusina kung nandun ba si Prae pero wala siyang ibang nakita maliban lamang sa kanilang labanderang si Lyn.   "Pritong daing, ginisang gulay at egg omelet po ang nakahanda sir" alertong sagot naman ni Aling Susan   "Naku, tiyak na mapaparami na naman ang kain ko nito ah. Sina Mommy at Daddy po Aling Susan? Di pa po ba bumababa? Late na po ah, di ba sila papasok?' sunod-sunod na tanong nito.   Sasagot na sana si Aling Susan nang pumasok sina Rudy at Aling Belen.   "Nag u-usap lang si Prae at ang ina mo, Hijo...mauna na tayong kumain at masamang pinag-aantay ang grasya. Manang Belen, sumabay ka na sa amin" sabi ni Rudy at umupo na.   Tumayo si Chrisitian at ipinaghila nang upu-an si Manang Belen.   "Naku, napa ka gentleman talaga nitong alaga ko" natatawang sambit ni Manang Belen.   "Siyempre po, mana sa Daddy di po ba Dad? Sabay kindat nito sa ama na nag sisimula nang kumain.   Naiiling nalang na nakangiti si Rudy at di na nag komento pa sa sinabi nang anak. Habang kumakain...   "Aling Susan, inspired po ata kayong magluto today ah! Kakaiba ang timplada nang inyong Omelet kesa nakagawian. Masarap po ang mga nakaraang omelet nenyu pero mas masarap po ang omelet nenyu today" komento ni Christian na sunod-sunod ang pag subo sa kinakain.     "What is wrong with the omelet Christian?" sabad naman ni Minerva na kapapasok lang sa komedor kasunod ang namumulang mata na si Prae.   "Good morning mum... nothing is wrong with the omelet. I was just commenting how delicious Aling Susan's egg omelet today. She must have put something new with it...new herbs and spices perhaps" ganadong kumakain pa rin na sabi ni Christian na di man lang tiningnan si Prae.   "I see! Well, then...I have to taste it myself. Prae, umupo ka na sa tabi ni Christian and have your breakfast. Wag ka na munang pumasok sa school ngayun. I'll talk to most of your subject Teacher's and have you excused for a day or two. Settled in the house first, and we will discuss again on how we will  run things from here onwards" ani Minerva na sinulyapan ang anak na ganado pa rin sa pagkain at tila walang narinig.   "Opo...T...Tita" mahinang sagot ni Prae na ikina tiim nang bagang ni Christian   "Well then, let us all eat...let me taste this omelet...hmmm..this is good..no! this is very delicious Aling Susan. Ano ang nilagay mo dito?" tanong ni Minerva sa kanilang taga luto   "Naku, Ma'am hindi po ako ang nagluto nang omelet today. Si Prae po ang nagluto niyan" nakangiting pahayag ni Aling Susan.   "Oh, really? Wow...di ko akalain na di ka lang sa klase magaling Prae, kundi pati din pala sa pagluluto... this is really yummy" natutuwang bulas ni Minerva   "Sala...." naudlot ang pagpapasalamat sana ni Prae sa papuri nang ginang nang biglang tumayo si Christian.   "I lost my appetite! Mauna na ako sa inyo Mum...Dad...Manang Belen,  Pakisudan naman po ako ang kape sa study oh..pagkatapos nenyung kumain" at di na inantay ni Christian ang sagot nang matanda at umalis na.     Parang tinusok nang daang-daang aspile ang puso ni Prae sa inasal ni Christian. Dagdag pa na sa kanyang pagtayo na realize ni Prae na ibang damit ang suot nito at hindi ang damit na inihanda niya kanina. Gusto na namang tumulo nang mga luha sa kanyang mga mata pero tintagan niya ang sarili. Kaya niya ito. Day 1 pa lamang ito sa 4 years na chance na meron siya para matutuhan siyang mahalin ni Christian.   "Prae wag mong pansinin ang inasal ni Chrisitian at kumain ka na. Intindihin mo nalamang muna yon" sabi ni Rudy.   "Okay lang po ako Tito" mahinang sagot naman ni Prae sabay yuko para hindi makita nang mag asawa pati na ni Aling Belen ang namumuong luha sa kanyang mga mata.     Matapos ang tahimik at walang imikang almusal, nagpaalam na ang mag asawang Asuncion kay Prae na papasok sa kanilang kanya-kanyang trabaho. Binilinan ni Minerva si Prae na magpahinga na muna at gamayin ang buong kabahayan para maging komportable ang kanyang pagtira dito. Nang sila na lamang ang natira sa kusina nag umpisa nang magligpit sila Manang Belen at Aling Susan. Nagsimula na ding magligpit at tumulong ni Prae nang pigilan siya ni Manang Belen.   "Kami na ang bahala dito Prae, umakyat ka na lamang at magpahinga" utos nang matanda sa kanya.   "Naku, Manang napa ka aga pa po para magpahinga ako. At wala naman po akong sakit kaya hayaan nyo na po akong tumulong" sagot naman ni Prae.   "Eh, kayang kaya na namin ni Susan ito. Ang mabuti pa, ikaw na ang gumawa nang kape ni Christian at nang maihatid ko dun sa study pagkatapos naming magligpit nang mesa " utos ni Manang Belen sa kanya.   "Sige po, Manang" nakangiting pag sang ayon ni Prae. Gustong gusto din naman kasi niyang pagsilbihan si Christian   Pagkatapos matimpla ang kape at maibigay ito kay Manang Belen, naisipan ni Prae na umakyat na sa taas at maligo. Gusto din niyang tawagan ang kanyang Lolo at Lola para kumustahin at itext ang kanyang mga ka klase para makibalita. Kahit kasi 2 months nalang before ang kanilang Graduation ayaw niya paring magpabaya ni Prae sa kanyang pag aaral.     Agad niyang naramdaman ang panibagong kirot sa kanyang dibdib nang maka pasok nang silid at makita ang damit na kanyang inihanda para sana isuot ni Christian. Halatang di man lang ito tinapunan nang pansin dahil di ito nagalaw. Maingat na ibinalik ni Prae ang mga damit sa loob nang closet at nag lakad palabas nang verandah para duon tawagan ang kanyang Lola Pacita.       Nadatnan ni Manang Belen na me kausap sa cellphone si Chrisitian nang dalhan niya ito nang kape'ng hiningi nito. Hindi na niya ito ginambala dahil batid niyang ang kasintahang si Ann ang kausap nito. Pagkalapag niya nang kape sa mesa ay lumabas na nang study si Manang Belen para bigyan nang privacy si Chrisitian na kausapin ang kasintahan.   Di naman malubos maisip ni Christian kung hanggang kailan siya magsisinungaling sa girlfriend niya na si Ann. Naguguluhan parin siya at wala siyang ganang pumasok sa eskwelahan sa mga oras na ito. Mabuti na lamang at tapos na ang Final Exams nang kanyang mga estudyante. Nagsisimula na naman niyang maramdaman ang pagsakit nang kanyang ulo nang makita niya ang tasa nang kape na dinala ni Manang Belen kani kanina lang. Agad niya itong kinuha at ininom.   "Ang sarap talaga nang timplada ni Managn Belen sa kape ko ngayun. Nakaka relaxs" ang naiisip ni Christian.         Pagkatapos maligo at magbihis ay di alam ni Prae ang gagawin. Tapos na din niyang tawagan at kumustahin ang kanyang Lolo at Lola. Naglalakad na sana palabas nang silid si Prae nang tumunog ang message alert tone nang kanyang cellphone hudyat na me text message na pumasok.   "Good morning, Prae... two days ka nang di pumasok ah, okay ka lang? - Roy"   Message ito galing sa classmate niya na si Roy at ang Salutatorian nang kanilang batch. Isa din ito sa kanyang matalik na kaibigan na kahit palagian silang nag aagawan sa trono nang unang spot sa klase ay hindi naging hadlang para sila ay maging mag kaibigan parin.   "Okay lang ako friend, me pinag dadaanan lang. Kwento ko sa yo pag nagkita tayo" reply naman ni Prae sa kaibigan. Sa lahat kase nang batch-mate niya si Roy lang ang gugustuhin niyang makaalam sa sitwasyon niya dahil alam niyang di cyah nito huhusgahan.   "Ok, friend. Basta dito lang ako ha, pag need mo nang kausap. Send ko sa yo kung me updates sa mga klase natin. Ingat, lage" reply naman nito.     Nilapag ni Prae ang cellphone sa bedside table at lumabas na nang silid at bumaba. Tutulong nalang siya either kina Aling Susan o Lyn sa mga gawaing bahay.     Palabas na sana nang Study room si Christian nang mamataan niyang palabas din si Prae sa kwarto niya. Agad siyang nag kubli at pinagmasdan si Prae na pababa nang hagdanan. Nakasuot ito nang bulaklaking bestida na hanggang tuhod ang haba at naka lugay ang mamasa-masa pang buhok nito. Simple lang ang damit na suot nang dalaga pero hindi maikaka-ilang bumagay ito sa inosenting hugis nang mukha nito.   "Such an innocent look, yet so cunning!"  sa isip-isip ni Christian at pumasok na sa kanyang silid. Sa kanyang pagpasok pa lamang ay naaamoy niya ang bangong iniwan ni Prae. Hindi niya alam kung ito'y pabango o ang shampo na ginagamit nang dalaga at aminin man niya o hindi gusto niya ang amoy nito.   Kukunin na niya sana ang kanyang computer bag sa gilid nang bedside table nang mamataan niya ang cellphone ni Prae sa ibabaw nang lamesa.   "I don’t know, what you are up to Prae, pero kailangan kung mapigilan ka sa kung anoman ang balak mo" bigkas ni Christian at dinampot ang cellphone ni Prae. Agad niya itong sinubukang buksan pero me password ito. Nagulat na lamang si Christian nang makita ang screensaver sa cellphone nang dalaga. Nakangiting mga mukha nilang dalawa ni Prae ang andun. Halatang kuha ito sa paaralan dahil naka uniform pa si Prae, maging siya. Halatang me mga kasama pa sana sila sa photo pero kin-crop lamang para maging silang dalawa lang. Naalala niya na ito ang last day niya sa pagpa-practice teaching before siya pumasa sa Board exam.    First year high school pa lamamng si Prae nang mga panahong ito, kung saan mas nakapalagayan niya nang loob ito dahil sa kaaya-ayang personalidad at sa respeto na rin nang kanyang mga ka batchmate dito. In fact, siya ang tumatayong lider at boses nang lahat sa kanilang section kaya naman mas nakaka-usap niya si Prae sa mga bagay regarding sa kanilang klase during those times. Susubukan pa sanang buksan ni Christian ang phone nito nang may maulinigan siyang nag uusap sa labas nang kwarto. Agad niyang binalik sa mesa ang cellphone at kinuha na ang kanyang computer bag at lumabas.   "Oh, Christian nanjan ka pa pala? Akala ko, eh umalis kana?" gulat na sambit ni Manang Belen kasama ang nakayuko lang na si Prae   "Kinuha ko lang ang laptop ko Manang, at ako'y aalis na. Pakisabi kina Mum and Dad na wag na akong hintayin sa hapunan dahil me mga grades pa akong kaailangan eh finalize" yon lang at umalis na ito na parang walang ibang nakita na kasama si Manang Belen.   Sinundan nalang nang malungkot na tingin ni Prae ang papalayong si Christian. Mabuti pa noong simpleng estudyante pa lamang siya ni Christian dahil kahit saang sulok nang paaralan sila magkakasalubong ay lage itong nakangiti at nakikipag usap sa kanya, samantalang ngayung magkasama na silang nakatira sa iisang bahay at natutulog sa iisang silid ay parang di na siya kilala at nakikita nito.   Napansin ni Manang Belen ang kalungkutan sa mga mata nang dalaga.   'Ineng, hindi sa nakikialam ako ha., pero kilala ko ang batang yan. Napakabait ni Christian, pero kung me isang bagay na hindi yan gusto ay ang pilitin siya sa mga bagay-bagay . Nawa'y, kahit sa murang edad mo pa lang ay alam mo na ang pinasok mo at handa ka sa desisyon na ginawa mo. Bueno, heto ang kwarto ni Senyor Franco, malapit lang ito sa inyong silid kaya mas mapapadali ang pag punta mo sa sandaling kakailanganin ka niya. Gusto mo bang tulungan kitang i-ayos ito? O kaya mo na?" seryosong sabi at tanong nang matanda kay Prae.   "Kaya ko na po ito Manng, at maraming salamat po" nakayukong turan ni Prae.   "Kung ganun eh, maiiwan na kita. Tawagin mo na lamang kami sa ibaba kung me kakailanganin ka" yon lang at inniwan na ni Manang Belen si Prae sa loob nang kwarto ng Lolo ni Christian Pinagala ni Prae ang kanyang paningin sa kwarto ni Senyor Franco. Kahit sa unang tingin makikita mo na talaga kung gaano ka close si Christian sa Lolo nito base sa mga larawan nang mag lolo na naka display sa buong silid.   Mula pagkabata na mga larawan ni Christian hanggang sa ito;y nag binata na. Nandung nakasakay ito sa kabayo at hawak nang Lolo nito ang renda. Me litrato din ang mag Lolo na naglalaro ang dalawa sa makapal na snow. Ang larawang ito ay kuha marahil sa isa sa mga pagkakataong nag travel abroad ang buong pamilya.   Ilang beses nang na nakasalamuha at naka usap ni Prae si Senyor Franco, buhat sa ito ang nakaraang Mayor nang kanilang bayan bago ito mag retiro tatlong taon na ang nakakaraan. Scholar kasi si Prae sa kanilang bayan simula't sapul at kada kuha niya nang kanyang allowance sa munisipyo ay palagian siayang pinapupunta sa opisina nang Mayor para mag update sa kanyang mga grado at mga pangangailangang pinansyal. Hindi nga lang alam ni Prae, kung naalala pa siya nang dating Mayor. Kinakabahan siya sa kanilang paghaharap bukas dahil alam niya kung gaano ka mahal ni Senyor Franco ang nag iisang apo nito.   Pilit iwinawaksi ni Prae ang kanyang mga alalahahanin sa pag dating nang Lolo ni Christian. "Kaya mo ito Prae, ipakita mo lamang kung gaano mo kamahal ang kanyang apo. Siguro naman balang araw matatanggap ka rin nila" ang namutawi sa isip ni Prae habang sinimulang ayusin ang kwarto ni Senyor Franco.                                                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD