Chapter 72: 3rd person’s POV “I’m sorry for taking too much time but I’d appreciate it if you let me think this through.” Habang humihingi muli ng patawad, umupo si Audrey sa kabilang espayo ng higaan na nagbubuntong-hininga. Palagi siyang binibisita ni Xaviere para hingin ang kanyang hatol at sa bawat tanong ng asawa, pasensya lamang ang mga naging sagot niya at sana’y mabigyan pa siya ng oras para magnilay. Ngunit ngayon, napansin ni Audrey na tila may iba sa boses at tingin niya. Sa pag-asang aalis lang si Xaviere gaya ng lagi niyang ginagawa noong mga nakaraang araw na tinanong niya ito, natigilan siya nang ibinagsak ni Xaviere ang kanyang tungkod sa sahig. As the cane dropped it made a loud thud as if it just screamed ‘no’. “What else are you going to think about? I don’t get

