Chapter 3 - Unprecedented Love

1701 Words
Kelly's POV "Parang may mali... Sino ka ba?" Sabi ko at tumingin sakanilang dalawa. Tumawa bigla yung babae at lalo akong na irita sakaniya. "Totoo nga ang sinabi ni mom na wala kang na aalala." Mom? Sino ang tinutukoy niya? Yung matandang babae kanina? Biglang lumabas na si Jayrum at sumunod itong babae. "Di ko siya gusto..." Wait iiwan lang nila akong ganto? "Hoy kuy--- Aishh!" ... Jayrum's POV. Nandito ako ngayon sa Hospital at binabantayan ko si Celine. Sobrang napaka weird ang kilos ni Celine simula yung na gising siya. Bakit ko ba kasi ginawa yon?! "Jayrum ikaw muna dito ha? I have to go home first because Sofia is back."  Sabi saakin ng mom ni Celine. Nakauwi na si Sofia?  "Really Tita? Okay i will take care  of Celine" Then i smiled to Celine's mom. "Thank you so much Jayrum! Di ko na talaga alam gagawin ko ngayon buti nandyan ka lagi para kay Celine."  At kinuha na niya ang gamit niya saka umalis na ito. Tinignan ko Celine at Tulog na tulog parin siya dahil sa pampatulog ng Doctor sakaniya. Inayos ko ang kumot niya para hindi siya lamigin at saka na ako umupo sa sofa sa sobrang pagod ko kakahabol sakaniya kanina.  Sabi saakin ng Mom ni Celine na nag karoon siya ng Memory loss kaya lahat kami hindi niya na maalala. Tama lang na nakalimutan niya na ang lahat...  Ilang oras na rin at gising na ulit si Celine. "Papa!--- Ha? Bakit nandito parin ako?!" Nagulat ako ng nagsisigaw siya ulit at may hinahanap na naman siyang ibang tao. "Bakit ako nakatali?!" Hindi ko na siya pinapakinggan at nagpatuloy lang mag basa ng libro. "Kuya ano ba talaga kailangan niyo saakin? Bakit kailangan pa umabot sa ganto?! Pera ba? Wala ako yon!"  "Gusto ko nang umuwi! Pakawalan niyo na ko dito!" Umiiyak na siya at tinignan ko na siya. "Di ka uuwi pag di ka pa tumigil dyan." Sabi ko sakaniya. Tsk Ang ingay niya.. Ilang oras nakaupo lang siya at tulala parin hanggang sa marinig ko na ang tiyan niya tumunog. Mukhang gutom lang siya kaya maingay... di parin nawala ang pag ka-spoiled niya.  "Bibili lang ako ng pagkain." Tumayo na ko bigla at lumabas na.  Binilihan ko na siya ng pakain ng madami dahil di ko alam kung ano ang gusto niyang pagkain.  "Nga pala." Tumingin ako sakaniya "Si Auntie umuwi lang saglit dahil may inasikaso lang." At naka tulala lang siya saakin na ikinailang ko.  Ano na naman nasa utak nito? "Ano gusto mong unang kainin dito"  Sabi ko na lang.  "Tanggalin mo na lang tong tali ko."  Sabi niya. Tapos ano hahabulin ko na naman siya? "No, baka tumakas ka na naman." Sabay ko agad sinubo yung pagkain sakaniya. "Talaga bang ako pinagkakamalan niyo na ako si celine? Ganto kase yan, nakatira ako sa province... At kelly ang pangala---" Ito na naman siya ang dami niyang tanong.  "Pwede ba kumain ka lang?" Medyo inis ko nang sinabi sakaniya. Di parin siya tumigil sa pagtatanong saakin. At paulit ulit niyang sinasabi saakin na di siya si Celine.  "Last na to."  "What?" Seryoso kong sinabi. "Kung sinasabi yung isang matandang babae na mama ko daw siya. Bakit ka nandito? I mean ka ano ano ka ni celine? O a--" Di ko na siya pinatapos sa tanong niya at diretyo ko na tong sinagot. "Fiance mo ko." The heck? Binugahan naman niya ako ngayon. "Sor--" "Celine!" Napatingin kaming dalawa ng may magsalita sa pinto. Si Sofia. "Celine, what are you doing?! Umayos ka nga." Kumuha siya ng tissue sa table at pinunasan niya yung mukha ko. Ito na naman kaming dalawa. "Are you okay?" Sabi ni Sofia at pinigalan ko siya sa pagpupunas niya sa mukha ko.  "Excuse me." Sabi ko at tumayo na ko. "Jayrum wait! We need to talk." At sumunod parin saakin saakin si Sofia. "Parang may mali." Tumingin ako kay Celine. Really? Magaaway pa sila ngayon? "Totoo nga ang sinabi ni mom na wala kang na aalala." Lumabas na ko dahil ayoko nang makitang nag aaway pa sila. Naglakad na ko papuntang Comfort Room para mag hugas ng mukha. "Jayrum!" Please Talk to me!" Habol saakin ni Sofia "Ano pa ba paguusapan natin?" At hinarap ko na siya. "Bakit ka pumayag? Akala ko ba..." "Sofia Wala akong pinangako sayo." Mag lalakad na sana ulit ako ng magsalita siya ulit. "Pero sabi mo dati hihintayin mo ko." Paiyak niyang sinabi. "That was before Sofia. Iba na ang sitwasyon ngayon.... kaya please stop it. You're just hurting yourself." at nag patuloy na ko maglakad. "No! I will take back everything Celine took from me." ... Kelly's POV. Ilang araw na ko dito sa Hospital at ilang beses na rin ako nagtangka tumakas pero di parin ako nakakatakas! HUHUHU! BAKIT GAYON DI KO PARIN MAKITA SILA PAPA! Tinanggal na rin nila ung pagkakatali saakin... Grabe bakat na bakat na ung tali sa kamay ko. "Celine you can go home Tomorrow!" Sabi saakin yung matandang babae na Mom ko DAW? Ano naman isasagot ko dito? 'yey! i can go home na!' Gayon ba? huhu Alam ko naman na hindi sa bahay namin yung uuwian ko! Di na ako nagsalita sa sinabi niya dahil mababaliw na ako pag kinausap ko pa sila. Hindi ko na din nakita si Kuya na kamukha ni Ruru simula dumating yung babaeng biglang sumusulpot.  "Hinahanap mo ba si Jayrum?" Tanong saakin yung matandang babae o Mom na lang ni Celine. "Uh Hindi po" Sagot ko na lang. Bakit ko hahanapin yon porket kamukha niya si Ruru. Hmp. "Hayaan mo Celine, maalala mo din kaming lahat." At hinawakan niya yung kamay ko. Habang tinitignan ko siya na alala ko si mama sakaniya.  Di ko alam naluluha ako.  ... Kinabukasan na at ito na makakalabas na ko! Bat parang mental yung pinuntahan ko HUHU! May mga nagsipuntahan na maids ko daw? at papunta pa lang daw yung nanay ni Celine. Taray naman pala ni Celine may mga Maids pa. Siguro mayaman siya kaya kailangan ko hanapin si Celine kung nasaan man siya.  "Ma'am Celine ito na po yung damit niyo. Magbihis na po kayo." Sabi saakin yung dalagang babae. "Ah salamat." At ningitian ko siya pero biglang nanlaki ang mga mata nito at gulat na gulat. Bakit may mali ba sa sinabi ko? Hindi ko na lang pinansin ung reaction ni Ate girl at pumasok na ko sa Comfort room para mag bihis.  Habang nagbibihis ako may narinig na akong ingay sa kuwarto. Pagkatapos ko lumabas na ako at bumungad saakin ang nanay ni Celine. "Celine! Excited kana ba umuwi anak?" Hindi ko nga malaman Feelings ko ngayon e. At nakita ko sa likod niya si Kuya na kamukha ni Ruru. Syempre seryoso parin ang mukha. "Nandito din Si Jayrum para ihatid ka sa bahay." Dugtong sinabi ng nanay ni Celine. "Ah okay po." At dumaretyo ako sa kama para ligpitin yung damit at yung kama syempre. "Celine you don't have to do that." Pigil saakin yung nanay ni Celine "Ha? Pero--" Di ko natuloy yung sasabihin ko kase lumapit saakin siya saakin. "May magliligpit naman yan." hinawakan na ako ng nanay ni Celine. "Sige po ma'am." Sabi ko doon sa nanay ni Celine. "Anong ma'am? Mom ang tawag mo dapat saakin kasi ako ang mama mo." Sabi niya. Di ko siya matawag na Mom no? E hindi ko naman siya nanay huhu ang hirap sabihin... "Okay na po ako sa ma'am" Nasabi ko! Ay baliw ka talaga Kellly! "No. It's not okay Celine dapat masanay kana na tawagin mo kong Mom." Pagpupumilit nito. "Tita siguro hayaan mo muna baka hindi pa siya komportable saatin." Sabi naman ni Jayrum. Buti naman may naka intindi din saakin! Hiyaan ko na lang kung ano pinapagawa nila saakin. Kase naman di ko na talaga alam kung nasaan ako e! Sigurado alalang-alala na sila papa saakin baka hinahanap na ko ng mga yon. Nandito na kami ngayon sa sasakyan.  "Celine malapit na tayo" Sabi saakin yung nanay ni Celine. Yung nanay lang ni Celine ang maingay dito sa saksakyan at yung Jayrum naman di din nag sasalita. Nang makarating na kami sa bahay nila halos maluwa yung mata ko sa sobrang laki ng bahay nila! Grabe yaman-yaman nila! "Welcome back po Ma'am Celine!" Sabi yung mga maids nila at yung guard. Pero ako mangha mangha parin sa bahay nila! Grabe di pa ko nakakapasok sa mansyon! "Ito ang bahay natin." Sabi yung nanay ni celine. "Bahay natin?" este ni Celine. At nakanganga lang ako sa bahay na ikinatawa yung nanay ni Celine. Pagpasok namin bumungad saakin ang ganda at laki ng Chandelier nila sa sala! Parang lahat ng pinapangarap ko sa bahay ay nandito! "Gusto mo makita kuwarto mo celine?" Sabi saakin ng nanay ni Celine. "May kuwarto pa po ako? kahit sa sala pwede na po ako!" Sabi ko. Kasi naman ang laki ng sala nila parang gayon na siguro laki ng bahay namin sa probinsya! "Ano ka ba anak! May kuwarto ka.. bat ka matutulog dyan sa sala!" at nakita ko nagsisitawanan ng pigil yung mga maids nila. Anong mali sa sinabi ko? Hmp. "Mabuti pang samahan mo Jayrum sa kuwarto si Celine!" Masaya na sinabi nito kay Jayrum. "Sige po tita" At nauna na siyang maglakad. "Sundan mo si Jayrum, celine"  Sumunod na ako kay Jayrum. Grabe nakakahingal yung Hagdan nila ang taas e! "Wait lang ang bilis mo!" Sabi ko kay jayrum. Tumingin lang ito saakin at dumiretyo parin ito.  Pagpunta namin sa kuwarto.. may inabot siya agad saakin na Cellphone. "Ito Cellphone mo." Sabi niya "Wala akong Cellphone na ganyan." Tanggi ko. Kinuha niya yung kamay ko at pinahawak niya saakin yung Cellphone tapos naglakad na ito paalis. Wala na akong nagawa kung di kunin na lang para din siguro macontact ko sila papa at pagkabukas ko may password yung phone. "Wait!" Pigil ko sakaniya at tumingin ito. "Uh ano yung password ng phone?" Tanong ko sakaniya. "I don't know." Lah? "Fiance mo--" "So? sa Contract lang tayo may relasyon Celine..." At lumapit ito saakin na ikinatakot ko. Halos magkalapit na ang mga mukha naming dalawa.  . . . . "Wala akong gusto sayo." Bulong nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD