Chapter 2- Unprecedented

1493 Words
Kelly's POV "Uy kelly! May concert si ruru ah! Pupunta ka?" Excited na sinasabi saakin ni zoe. "Mukha ba akong may pera? Bigyan mo ko pera para makapunta ako." Sabi ko habang nagaayos ako ng gamit ko. Pinaalala pa niya hmp. Gustong gusto ko pumunta kaso saan naman ako hahalungkat ng pera? Di ba? "Hmp. Tinatanong ko lang naman!" Umupo siya sa kama ko. "Bakit ka ba nandito? Papasok na ko sa trabaho mamaya." Tumingin ako sakaniya. "Wala lang makikigulo lang!" Bigla niya ginulo yung kama ko na kakaayos ko lang. "Nako aga-aga zoe!" Binitbit ko na yung bag ko. "Grabe kelly! Mapupuno na yung mukha ni ruru dito sa kuwarto mo!" Grabe makapuno! Ta-tatlo lang naman poster ko dito sa kuwarto dahil di ko pa afford yung totoong tao hahahaha! "Naisip ko lang..." Tumingin ako kay zoe "Ano kaya magiging reaksyon mo pag nakita mo sa personal si ruru?" Iniisip ko rin yan e! Kaso impossible naman. "Di ko alam.. sa panaginip na lang yon gurl! Ang layo niya! Di ko nga siya ma-reach te!" "Wala, iniisip ko lang! Naimagine lang kasi kita HAHAHAHAHA lagi ka kasing kalmado lang. Paano ka kaya maging hindi kalmado?" Tumayo na siya sa kama ko. Ito si zoe ano ano pumapasok sa utak. . . . "Hindi mangyayari yon." Chapter 2: Unprecedented  Kelly Pov. "Ruru?" Bakit nasa harapan ko si ruru ngayon? "Buti nandito kana jay---" "Pft. HAHAHAHAHAHAHAHA! Nanaginip lang ako! Tama ako!" Tinignan ko silang lahat at nakatingin lang sila saakin. "Tama ako diba?...." Ano nangyayari?! Paano siya napunta ditoo?! "Hindi! Nanaginip ka lang kelly!" At pinagsasampal ko ulit sarili ko. "Stop it celine." Hinawakan niya ang kamay ko... Bakit ko nararamdaman?! Bakit parang totoo na talaga yung nangyayari saakin?! Di pwede to! Kailangan ko makita sila papa! Kailangan ko magising sa katotohanan Tinanggal ko yung pagkakahawak saakin ni ruru at tumabok ako palabas ng kuwarto. "Papa! Kuya! Zoe!" Sigaw ko habang tumatakbo. Bakit di ko sila makita?!! Mababaliw na ko! "Miss celine bumalik kayo dito!" Sigaw yung mga nurse at doctor. Hinahabol nila ako ngayon! "Celine!" Sigaw ni ruru. Pati ba naman ikaw?! Aish! Ano ba kailangan nila saakin?! "Aray!" May na apakan pa ako na matulis. "Bahala na! Kailangan ko makaalis dito!" Kahit paika ika na ko maglakad pinilit ko parin tumabok. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makita ko yung elevator pero di parin nag bubukas! Kaya naghagdan ako pababa kahit 6th floor pa to! "Nasaan na ko?" Hingal na hingal na ko sa pag baba sa hagdan. At patingin ko sa nakasulat sa pader nasa 4th floor pa lang ako! "Ayon siya!" Sigaw yung isang nurse. "Ayoko na pls..." Kaya napabilis na naman ako sa pagbaba ko kahit pagod na pagod na ako. Nang makarating ako sa labas ng hospital, hindi pamilyar yung lugar saakin... "Nasaan ako?... Probinsya ba to? Di ganto yung probinsya!" Napahawak ako sa ulo dahil hilong hilo na ko sa nangyayari saakin! "Celine!" Biglang may humawak sa balikat ko. "AAAAAAAA" Gulat kong sinabi. Nakikita ko parin si ruru?! "Ruru?!" Biglang nagtaka ang mukha niya. "Nasaan ako ngayon? Panaginip lang to di ba?! Bakit ka nandito?! Impossible talaga e!" Di ko na talaga maintindihan ang lahat! "Nasa hospital ka ngayon." Sagot niya. "Di naman yan yung gusto kong sagot! Ganto kase yan, nahulog ako pool tapos pag gising ko nandito na ko!" Halos maiyak na ko sa pagkalito ngayon! "Oo nga kaya tara na bumalik na tayo sa loob ." At hinawakan niya ko. "Wait..." Tumingin siya saakin "Anong petsa na?!" At Huminga siya ng malalim. "February 26, 2021" Di pa lumilipas ang taon?! Same lang?! Death anniversary parin ni mama!? At yung nagbakasyon kami sa resort?! Nasaan yung cellphone ko kailangan kong tawagan sila papa! Pinagkakapa ko sarili ko. "Basta! Nagkakamali ka ruru! Di ako si celine!" Naglakad na ko palayo sakaniya. "Cel--" "Ay wait ruru! Paano umuwi? Anong lugar to para makuwi na ko sa pamilya ko?" Nawawala na talaga ako sa sarili ko. Kung totoo man lahat nang to... Nakakahiya ka kelly! Ganto itsura mo sa harapan ng idol mo? "Nandito na yung pamilya mo celine." Medyo inis na nitong sinabi. "Saan? Yung matandang babae kanina? Hindi ko nga sila kilala e! Saka paano ko sila naging pamilya?!" Nalilito na talaga ako! Inampon ba ko nila papa? Kaya ba nandito ako? Pero impossible talaga e! "Tara na sa loob para malaman mo." Lumapit siya saakin at hinawakan niya ako. "Ayoko nga pumasok! Wala nga akong kilala dyan!" Umiiyak na ko habang sinasabi saakaniya "Ikaw lang kilala ko ruru..." "Jayrum ang pangalan ko celine." At hinihila na niya ako paloob! Di siya si ruru? "Hindi hindi! Nagkakamali ka talaga! Kelly ang pangalan ko! Di ako si celine!" Pinipigilan ko siya sa pagkakahila niya saakin pero ang lakas niya. Kailangan ko makaalis dito at hanapin sila papa! "Papaaaa!" Bakit bigla niya akong niyakap... Biglang may lumapit na doctor saamin at may hawak na injection. WAIT INJECTION?! "AAAAA BITAWAN MO KO KUYAAA!" Pumipiglas ako sa pagkayakap saakin yung kamukha ni ruru pero na injectionan parin ako. "Palayain niyuiopasdgghjk---" Uting uting nandilim na yung paningin ko. --------- Ang sakit ng ulo ko... Nimulat ko agad ang mga mata ko dahil alam kong panaginip lang. "Papa!--- Ha? Bakit nandito parin ako?!" Napabangon bilgla ako sa kama. Bakit di ko magalaw yung kamay at paa ko? Pagtingin ko nakatali ako sa kama. "Bakit ako nakatali?!" Pagtingin ko sa side. Nandoon yung kamukha ni ruru at nagbabasa lang siya. "Kuya ano ba talaga kailangan niyo saakin? Bakit kailangan pa umabot sa ganto?! Pera ba? Wala ako yon!" Nanaginip ba talaga ako? Bakit totoong totoo yung mga pangyayari saakin ngayon?! Di parin siya sumasagot sa mga tanong ko. "Gusto ko nang umuwi! Pakawalan niyo na ko dito!" Umiiyak ko nang sinasabi sakaniya. "Di ka uuwi pag di ka pa tumigil dyan." Ano ako bata?! At napatulala na lang ako sa nagyayari saakin. Ilang oras na ko tulala dito at nagbabasa parin tong ugok na to. Sobrang sakit na yung kamay ko dahil sobrang higpit ng pagkakatali nila saakin. Biglang tumunog ung tiyan ko ng wala sa oras. Bigla kami nagkatiningan yung kamukha ni ruru. "Bibili lang ako ng pagkain." Tumayo siya bigla at lumabas na. "Nasaan ba talaga ako?! Pinamigay ba ko nila papa? Ano bang nangyayare!" Pinipilit kong matanggal yung tali sa kamay ko pero di ko parin matanggal dahil sa higpit nito. At natulala na naman ako. Ilang minuto nang lumipas bumalik na yung kamukha ni ruru. Inangat niya yung desk sa gilid ng kama at saka pinatong yung pagkain sa harapan ko. Gusto ko man kumain pero nakakawalang gana huhu! "Nga pala." Tumingin ako sakaniya "Si Auntie umuwi lang saglit dahil may inasikaso lang." Tinutukoy ba niya yung matandang babae kanina? Sabay umupo siya sa harapan ko. Grabe kamukhang kamukha niya talaga si ruru. "Ano gusto mong unang kainin dito" "Tanggalin mo na lang tong tali ko." Pagmamakaawa ko sakaniya. "No, baka tumakas ka na naman." Sabay niya sinubo yung pagkain saakin. Panaginip ba to? Lumelevel up na e. Parang totoo na talaga... "Talaga bang ako pinagkakamalan niyo na ako si celine? Ganto kase yan, nakatira ako sa province... At kelly ang pangala---" "Pwede ba kumain ka lang?" Di talaga nila ako pinapakinggan. Paano ako naging celine? Sobrang kamukha ko ba talaga siya? Panaginip ba to? Ilang beses ko na tinry matulog tapos pinatulog pa ako yung Doctor kanina, nandito parin ako. Ang dami ko nang tinanong sakaniya at di parin siya sumasagot sa lahat ng tanong ko. Patuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain saakin. "Last na to." Tumigil siya at tumingin siya saakin. Shocks, natulala ako sa titig niya. Kambal ba siya ni ruru? Bakit siya nandito? Aish! Daming tumatakbo sa isip ko ngayon! Inalog- alog ko yung ulo ko para maka focus. "Ano yun?" Seryoso niyang sinabi. "Kung sinasabi yung isang matandang babae na mama ko daw siya. Bakit ka nandito? I mean ka ano ano ka ni celine? O a--" "Fiance mo ko." HA? Nibuga ko yung kinain ko sakaniya ng masabi niya iyon. Paano ko siya naging fiance?! Mukhang panaginip talaga to e! Impossible maging fiance ko ang kamukha ni ruru! "Sor--" "Celine!" Napatingin kaming dalawa ng may magsalita sa pinto. Sino naman to? Lumapit siya saamin. "Celine, what are you doing?! Umayos ka nga." Kumuha siya ng tissue sa table at pinunasan niya yung mukha ni Jayrum. Bakit siya yung galit na galit? Di naman siya yung binugahan ko sa mukha. "Are you okay?" Sabi yung babae. Patuloy lang siya pag punas pero bigla siyang pinigilan ni Jayrum. "Excuse me." Sabi ni Jayrum. Tumayo na to at naglakad papuntang pinto. "Jayrum wait! We need to talk." Sabi yung babae at sumunod ito kay Jayrum. Ano bang nangyayari? Di ko maintindihan. "Parang may mali." Tumingin silang dalawa saakin. .............................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD