Inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Pamilyar ang amoy at dating, maliban doon ay may nakaturok sa kamay ko na dextrose. Nandito ako ngayon sa isang hospital. Bahagya akong bumangon at sumandal sa dalawang unan na nasa likuran ko. Napatingin ako sa lalaking nasa paanan ko, naka-upo ito sa isang silya habang naka-halukipkip na natutulog. It was Vladimir. Nagtataka akong napatingin dito. Masama man ang pakiramdam ko kagabi ngunit naaalala ko pa rin na may pumasok sa kwarto ko't binuhat ako. Hindi kaya, si Vladimir ang lalaking iyon? Wala namang ibang nandito kundi siya. Napahawak ako sa aking ulo. Medyo maayos na ang pakiramdam ko, nawala ang sakit ng ulo ko ngunit kumikirot pa rin ang iba't ibang parte ng katawan ko. I couldn't even say if this is a blessing in disguise.

